One
"Cassandra, gising!"
Bumungad sa akin ang mukha ni Alessandra nang idilat ko ang mga mata. Kumunot ang noo ko. Hindi naman siya ang katabi ko kanina, ah.
Kinusot ko ang mga mata at pinagmasdan siya. Si Alessandra—ang babaeng pinagpala sa lahat: maganda, matangkad, matalino, mayaman at maraming kaibigan. Lahat ng katangiang gusto kong meron ako, nasa kanya.
"Bakit nandito ka, Sandra?" Sandra ang tawag sa kanya ng buong klase. Hindi naman kami Magkaibigan kaya bakit siya ang nasa tabi ko ngayon? "Nasan si Elaine?" tukoy ko sa nag-iisang kaklaseng kaibigan ko sa classroom na siyang dapat ay katabi ko.
"Nagpalipat siya sa unahan kanina kasi nahihilo siya," sagot ni Sandra na bahagyang ngumiti sa akin. "I hope you don't mind na ako ang katabi mo ngayon."
Tsk. Gusto kong umirap nang makita ang magandang ngiti niya. Why does she have to be freaking smiling all the time? Oo na. Siya na ang pinakamagandang babae sa buong campus. Pero kailangan ba talagang mabait din siya?
Sabi sa akin ni Elaine, inggit lang daw ako kay Sandra kaya naiinis ako sa kanya. Well, hindi ko naman itatanggi iyon. I mean, sino ba naman kasi ang hindi maiingit sa kanya?
"Sorry pala kung ginising kita," sabi ni Sandra sabay abot sa akin ng papel na hawak niya. "Nakalimutan mo kasing pumirma—"
Sabay kaming napapikit nang biglang umalingawngaw ang malakas na kulog. Napabaling ako sa bintana ng bus. Ngayon ko lang napansin ang malakas ng ulan sa labas. Halos wala akong makita sa lakas ng buhos ulan. Muli akong naigtad sa upuan nang biglang gumuhit ang kidlat sa langit.
Kasunod niyon ay biglang gumewang ang sinasakyan naming bus.
"Oh my God!" impit na tili ni Sandra sa tabi ko kasabay ng sigawan ng mga kaklase namin. Napamura na rin ako nang muling gumewang ang sasakyan.
"Anong nangyayari?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang biglang pagbagsak ng isang malaking bato sa kalsada.
"N-nawalan ng preno ang bus!" Hindi ko na alam kung sino ang sumigaw na iyon mula sa unahan ng bus. Halo-halo na ang naririnig ko.
"Magdasal tayong lahat!"
"Lord, ayoko pang mamatay!"
Mariing napapikit ako kasabay ng mabilis na t***k ng puso. No. We can't die like this! I'm still too young to die! Hindi pwede! Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend!
Naramdaman ko ang nanlalamig na braso na humawak sa akin. Sa kabila ng matinding kaba ay dumilat ako. Sumalubong sa akin ang puno ng takot na mukha ni Sandra. Her beautiful face was filled with tears.
Lumunok siya kasabay ng mariing pag-iling. "Ayokong mamatay sa ganitong paraan…"
"Hindi tayo mamamatay—" Napalitan ng sigaw ang sinasabi ko nang maramdaman ang pag-ikot ng sinasakyang bus. Kasabay niyon ay ang pagtama ng ulo ko sa isang matigas na bagay. Napasinghap ako sa matinding sakit.
"Cassandra…"
Sa kabila ng ingay ay narinig ko ang boses ni Sandra. Iyon na ang huling kamalayan ko bago binalot ng dilim ang buong sistema ko.
Nagising ako na mabigat ang katawan.
Idinilat ko ang mga mata. Halos masilaw ako sa liwanag ng puting silid na tumambad sa akin. Ilang segundo pang nag-adjust ang mga mata ko bago ko iginala ang tingin. I realized I'm in a hospital right now. Nakasuot ako ng hospital gown at may nakakabit na IV drip sa braso ko.
Muli akong napapikit habang binabalikan ang memorya. Huling naalala ko nasa bus ako kasama ng mga kaklase para sa trip namin three day trip namin sa Baguio. Nagising ako na katabi ko na si Alessandra. Malakas ang ulan. Nagkaroon ng problema ang bus. Naalala kong tumama ang ulo ko sa matigas na bagay bago ako nawalan ng malay.
Shiz! Naaksidente nga kami. But I survived! Iyong mga kaklase ko? Kumusta sila?
Napahawak ako sa ulo ko subalit wala akong nakapang benda roon. Kumunot ang noo ko? But I remembered clearly. Malakas na tumama ang ulo ko matigas na bagay.
Iginala ko ang tingin. Bakit mag-isa lang ako dito sa kwarto? Nasaan si Mama? Si Kuya Elijah? Si Alex?
Bumukas ang pinto ng silid. Natigilan ako nang sumalubong sa akin ang pamilyar na mukha ng lalaki. Halos sabay na nanlaki ang mga mata namin ni Dave.
"Sandy, you're finally awake!" sambit niya bago ako nilapitan at ikulong sa mga bisig niya. "You scared the hell out of me, Sandy."
Natigilan ako sa ginawa ni Dave. Bakit niya ako niyakap? Bakit umaakto siya na parang magkakilala kaming dalawa? At higit sa lahat, bakit niya ako tinawag na Sandy?
"Please, don't make me worry again like this next time," wika niya nang pakawalan ako. Napatitig ako sa mukha niya. Shiz. Siya nga si Dave! Dave Alcazar—the campus heartthrob! Ang lalaking matagal ko nang pinapangarap na mapansin ako!
"Sandy?" Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko roon. Ngayon ko lang napansin na biglang pumuti ang balat ko. Shiz! Ilang araw ba ako sa hospital?
"Sandy, why aren't you talking to me?" untag sa akin ni Dave.
Nag-angat ako ng tingin kay Dave. Nakitaan ko ang pag-aalala ang guwapong mukha niya.
"Bakit ka nandito? Kilala mo pala ako?" Kumunot ang noo ko. Bakit siya nag-aalala? Wait. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit… parang iba ang tunog ng boses ko? Weird.
"What are you saying, Sandy?" kunot-noong sagot sa akin ni Dave. "Of course, kilala kita. You're my best friend."
Napaawang ang mga labi ko. What? Bestfriend? Kami ni Dave? No. Si Alex. Siya ang best friend ko. At sa pagkakaalam ko—si Alessandra. Siya ang best friend ni Dave.
Mariin akong tinitigan ni Dave. Magkahalong pagtataka at pag-alala ang nakabalot sa mukha niya. Ito ang unang beses na napagmasdan ko na ganito kalapit ang mukha niya. Ang guwapo niya talaga. Ang ganda ng mga mata niya—
"Do you remember me, Sandy?" marahang tanong sa akin ng kaharap.
Kumurap ako at inalis ang atensyon sa mukha niya. Muling lumalim ang kunot ng noo ko. Ang daming gumugulo sa akin. Bakit niya ako kilala? Bakit tinatawag niya akong Sandy? Bakit sinabi niyang mag-bestfriend kaming dalawa? Bakit…
"It's me, Dave…" Muli niyang kinuha ang kamay ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Don't tell me… nakalimutan mo ako?"
Sa kabila ng matinding pagtataka ay umiling ako. "Of course, kilala kita. Pero… hindi ako si Sandy. Cassandra ang pangalan ko."
Umiling siya kasabay ng pag-angat ng kamay sa mukha ko. He held my face while staring at me. "What are you talking about? You're Sandy. Alessandra Montreal."
Napamaang ako. Napagkamalan niya akong si Sandra? Paano mangyayari iyon eh ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.
Umiling-iling ako sa kanya. "Hindi ako si Sandra, Dave. Nagkakamali ka. "Cassandra Villanueva. Iyon ang pangalan ko."
Nakita ko kung paano umawang ang labi ng kaharap. "Sandy… what are you saying? You're Alessandra Montreal, my best friend."
Bakit niya iginigiit na ako si Alessandra? May problema ba siya paningin? "No… Hindi ako si Sandy," giit ko sa kanya. "Ako si Cassandra Villanueva."
Nanatiling nakakunot ang noo ni Dave. "Sandy, I don't know what you're talking about but please calm down first." Bumaba ang kamay niya sa kamay ko at pinisil iyon. "I'm gonna call the doctor and Tita Sylvie, okay?"
"Tita Sylvie?"
"She's your mother, Sandy." Napasinghap sa akin si Dave. "Are you…suffering from amnesia?"
Amnesia? Wala akong amnesia dahil malinaw ang memorya ko. I remembered everything that happened before I lost consciousness. I remembered—
Bumagsak ang tingin ko sa sariling kamay. My hands looked strange to me. Kanina po ka napansin na mala-gatas ang kulay niyon. Napaawang ako nang hindi ko makita ang maliit na balat sa kaliwang kamay. Anong nangyari sa akin?
Dinala ko ang kamay sa ulo at hinaplos ang buhok. Bumilis ang t***k ng puso ko nang hindi ko makapa ang pamilyar na kulot na buhok. What I felt was straight and smooth hair. Hinawakan ko pa iyon at dinala sa tapat ng mukha ko. Paano naging straight ng ganito ang buhok ko…
"The doctor's on the way, Sandy. Tatawagan ko na rin si Tita Sylvie."
Mabilis ang t***k ng pusong bumaling ako kay Dave. Bakit niya ako napagkamalang si Sandra. At bakit hindi pamilyar sa akin ang katawan ko. Iyong boses ko ngayon, katunog ng boses ni Sandra.
"D-dave…" Hinawakan ko ang kamay niya. Iginala ko ang tingin sa mala-hotel na ospital room pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa kanya. "K-kailangan ko ng salamin."
"What?"
"Salamin. Gusto kong makita ang mukha ko, Dave."
Nanlaki ang mga mata niya. "You remember me now?"
Wala sa loob na tumango ako. "Kailangan ko ng salamin, Dave."
Nagliwanag ang mukha niya. "Oh, thank God. I thought you've really lost your memories."
Kinagat ko ang ibabang labi. "Dave, ihanap mo ako ng salamin."
"Here." Dumukot siya sa bulsa ng pantalon at inilabas ang isang cellphone. "I don't have a mirror but I guess my phone's camera will do."
Naupo siya sa gilid ng hospital bed ko at binuksan ang hawak na phone. Tumambad sa akin ang wallpaper niyon—silang dalawa ni Alessandra.
"Don't worry, Sandy. Your face remained the same."
Binuksan niya ang camera app at itinapat sa akin. "See? Your face remained unscathed," nakangiting sambit niya. "You're still beautiful."
"What the…" Natakip ko ang palad sa bibig nang tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha. Maganda, makinis, perpekto. Mukha ng babaeng pinapangarap kong maging akin. Ang mukha ni Alessandra.