Pagkakamali

1090 Words
Kabanata 10 THIRD PERSON POV: May isang prinsipeng habulin ng mga babae dahil sa kaniyang mukha.Madalas na nakasuot ng maskara upang hindi pagkaguluhan. Siya si Prinsipe Yu-er, bunsong kapatid ni Emperor Hosea na tiyohin nina Prinsipe Adan at Devo. Mag-isang nagtungo sa Trueblood para maglakbay, isa sa kaniyang mahilig na gawin. Nakita niyang naliligo sa batis ang isang babaeng nakasuot ng pula at puting tela. Nilapitan niya ito para magpakilala. Tinanggal ang kaniyang maskara "Yu-er aking pangalan, isang simpleng mangangalakal." Araw-araw silang nagkikita at nagkukuwentuhan. Nais niyang pakasalan ang babae at samahan ito habang buhay, samahan ito habang buhay. Ngunit papayag lamang ang babaeng maikasal sa kanya kapag binigay ng prinsipe ang utak ng kaniyang ina. Habang natutulog ang Empress, ina ng prinsipe, kinuha nito ang utak ng kaniyang ina gamit ang kutsilyong binigay ng babae. Agad-agad niya itong dinala at inialay sa babae pero lumabas mula sa kawalan ang isang apoy at sinumpa siyang maging isang mapanakit na bayawak. Nakita rin niya na isang nakakatakot na halimaw ang babaeng pinalilibutan ng tinik ang katawan at mukha, alipin ng makapangyarihang apoy na nilalang na nagsumpa sa kaniya. Kaya ngayon, hinahabol siya ng kaniyang pagkakamali at pagsisisi. Kasalukuyan Ikwenento ni Prinsipe Yu-er ang kabuuang estorya sa pamangking si Adan kabilang na ang pagkakamaling hinahabol siya hanggang ngayon, pagsisisi. Sinabihan siya ng Emperor na magpahinga muna sa silid. Walang kamalay-malay ang dalawang may lihim na nakikinig sa kanila. Tahimik na may halong lamig ang gabi, natutulog sa kaniyang silid si Prinsipe Yu-er. Nang dumilat siya, narinig ang boses ng babaeng nakaraan niyang minahal. Nagpakita ang halimay na puno ng tinik ang buong katawan, nakatingin at umaksyong lalamonin ang prinsipe. "Oracio!!" (Insert Drums of Drakkar vikings and medieval music by amoebacrew). Kinontrol ni Lampara ang espadang Oracio, nasugatan ang kanang bahaging mukha ng halimaw. Lumabas ito para tumakas. "Mag-ingat ka!" Umuubong wika ni Prinsipe Yu-er. Tumango lamang si Lampara at tumalon sa mataas na bintana para dakpin ang halimaw. Nasa labas si Bituin bitbit ang kaniyang pana at tinulungang dakpin ang demonyo. Sinundan nila ito sa kagubatan, nanghihinang nag-anyong tao na ang halimaw sa mga oras na iyon. "Sa kanan ka Bituin!" Tumatakbong utos ni Lampara. May isang taong nagligtas sa kalaban, mula sa Nobel. Natamaan ang paa nito ng pana ni Bituin. "Tara Lampara!" Nakita sila ni Lamparang bumalik patungong Nobel at naglaho na lang. Bumalik na si Bituin sa palasyo habang nanatiling mag-isa sa labas si Lampara. Dalawang bakas ang alam nila, isang babae ang halimaw na may sugat sa kanang bahagi ng mukha at isang taga-Nobel ang lalaking tumulong na may sugat sa kanang bahagi ng paa. Binantayan na ni Heneral Laban ang silid ni Prinsipe Yu-er para walang sino man ang tatangkang manakit sa kaniya. "Dito ka ba matutulog?" Nagpakita si Prinsipe Devo sa harap ni Lampara (Insert dandelions by ruth b instrumental). "Bigla ka na lang sumusulpot."Ginugulo ni Prinsesa Lampara ang buhok ni Prinsipe Devo. "Nalaman kong ikakasal ka raw sa Emperor?" tanong ng Prinsipe at napahinto na lang si Lampara. "Oo at may iba rin akong sadya kaya pumayag akong pumunta sa Nobel," Mula pa noon, ayaw ni Lamparang may gumugulo at nagmamaliit sa kapwa niya tao. Nais niyang tapusin ang sino mang naghahanap ng dugo at away. Ayaw niya sa mapagpataas at mamamatay tao kaya nais niyang maging hustisyang paparusahan ang may kasalanan. Nagiging ibang tao siya kapag hawak ang Oracio, mas matapang at matalino. Pero kahit ano pa man , hindi nawawala ang pagiging maalaga at mapagkumbaba niya. "Tulad ng paglipad habang nakapatong sa espada?' "Sira! Asan ba iyong asawa mong laging nakabuntot sayo?" "Asawa? Kailanman ayaw kong magkaasawa sa taong hindi ko kilala." "Huwag mong isipin iyan, may nakatakhanang babaeng para sayo katulad ng dalawang bituin na iyon."Parang batang nakangiting tinuro ni Lampara ang dalawang bituin sa kalangitan. "Nakatadhana ba ang tawag mo diyan? Nagkikita nga silang dalawa subalit hindi magawang magkayakapan dahil sa totoo, napakalayo nila sa isa't isa."Malalim ang iniisip habang tinitingnan ang mga bituin. "Sabi nila, ang Prinsipe Devo raw ay may mga nawawalang ala-ala?" "Gayon ka rin daw?"- "Oo pero hahanapin ko na lang balang araw ang ibong Adarna para tuluyan kong makilala at mabuo ang sarili." "Samahan kita, may mga katanungan din akong alam kong nasa sarili kong memorya lang ang kasagutan." Palasyo ng Nobel (Sa silid ni Rosa) "Kailan ka pa naging mahina Rosa?" Nabibigong tonong pananalita ni Agapito (Diyos ng Apoy). "Hawak niya ang sagradong Oracio Panginoon kaya nasugatan ako!"Pangangatwiran ni Prinsesa Rosa. "Tandaan mo! Ginawa kitang alipin ko para kunin ang loob ni Prinsipe Devo at hindi para kainin ang lalaking minsan mong sinuyo Rosa." "Kalma, pinaglalaruan ko lang ang Prinsipe Juan. Oo, inaamin kong may kagwapuhan ang Prinsipe Devo kaya ko siya nagustuhan pero anong espesyal sa isang hamak na mortal?" "Mas makapangyarihan pa siya sa iniisip mo!" Sinampal siya ni Agapito. "Dalhin mo ang iba pang demonyo, kailangan mapa saatin si Riu (Diyos ng Digmaan) para matalo na ang kalangitan." Dugtong pa nito. "Panginoon si Riu, iyong maalamat na nawawalang Diyos ng Digmaan?" "Oo, matagal ko na siyang hinahanap, nalaman kong isa na siyang mortal na Prinsipe dito sa Nobel. Pinanganak siyang muli para maghari na sa wakas ang apoy. Kailangang dakpin mo siya para makontrol ko." "Paano kapag may makialam Panginoon? Katulad ng pabidang Lampara na palaban sa hawak niyang espada?" "Patayin ang mga sagabal Rosa! Huwag mo na pa lang isama ang ibang alagad para hindi halata. Bibigyan kita at ang dalawa mong kakampe ng kapangyarihang apoy na may tripling lakas." "At sa nagngangalang Lampara, dalhin siya ng buhay dahil ako mismo ang papaslang sa kaniya. Marami na siyang demonyong pinatay." "Masusunod ang iyong nais Panginoon." "Lahat ng bayani ay namamatay, karangalan kong tuparin iyon"- _ _ _ Sa hardin ng mayanang namumulaklak sa harapan ng Nobel Pinagmamasdan mula sa malayo ni Prinsipe Devo ang umiinom ng inumin na si Lampara habang nakababad sa araw. Pinapayongan siya ni Bituin. Nagkatinginan ang dalawa. "Kailan ka pa bumalik dito kapatid?" Tanong ni Emperor Adan habang nakatingin kay Prinsipe Devo. "Kahapon lang, swerte mo sa magiging asawa mo kapatid. Masaya siyang kausap parang bata, kahit anong iniisip ay laging nilalabas ng bibig." "Madaldal? aminado akong minsan siraulo at minsan seryoso si Lampara. Siya iyong tipong babaeng parang dandelion sa hardin ng rosas." "Masaya akong nakahanap ka rin ng babaeng aalagaan mo kapatid." "Kailan ka pa naging masaya? Ngayon mo lang yata ako pinansin ah!" "Kahapon ko lang alam mamansin." Tunay nga na malapit pati ang kalooban may nakaraang bangongot bumabalik , nagpapakita
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD