Panganib

1149 Words
Kabanata 9 THIRD PERSON POV: Pagpupulong sa kalangitan (Insert Lady of the Lake world music by the Fiechters) Hiraya (Diyosa ng Hangin, kasalukuyang namumuno sa kalangitan): Lomolobo na ang bilang ng mga demonyong umaatake sa mortal na mundo. Naririnig ng hangin ang mga bulong na may masamang hangarin. Subalit bawal tayong makialam ayon sa batas ng langit. Alon (Diyos ng Tubig): Malinaw na sina Agapito (Diyos ng Apoy) o Vishnu (Diyos ng Kadiliman) ang may kagagawa nito mahal kong asawa. Hindi na nagpakita muli si Mikoh (Diyos ng mga Diyos) mula noong tumalon ang kaniyang anak na si Amara (Diyosa ng Liwanag at Lupa) sa talon ng pagkalimot. Walang sino man ang nakaaalan kung nasaan siya. Hiraya: May parusang naghihintay sa dalawang iyon mahal kong Alon. Si amang Mikoh ang bahala sa kanila.  Nagmamahalan si Hiraya at Alon, anak nila si Aslan (Diyos ng Kidlat) dahil ginawa siya ni Mikoh mula sa dugo at buhok ng dalawa. Mapayapang nilang pinamumunuan ang kalangitan Pumasok ang isang tagadala ng mensahe. Inanunsiyo nitong may bagong nagmamay-ari sa espadang Oracio na iniingatan nilang itago sa sagradong lugar ng kalangitan. Malapit nang magising ang kabuuan nitong kapangyarihan. Si Agape (Diyosa ng Lupa) ang unang nagmamay -ari sa Oracio na pinamana kay Amara , naipasa sa isang mortal na bumuo ng samahang Oracio at ngayon si Lampara na ang may hawak nito. Alon: Kung ganoon, may responsibilidad siyang alagaan ang Oracio at gawin ang hangarin nitong taposin ang mga masasamang nilalang. Hiraya: May nagsilabasang kalaban Alon, may nabuhay muling bayani. Mga taga-langit: Manaig ang liwanag! Manaig ang kapayapaan! Mabuhay ang panibagong bayani! Sa Nobel Nagkasalubong si Prinsesa Rosa at Emperor Adan habang tahimik at malalim ang iniisip. "Mukhang hindi mo nagustuhan ang Prinsesang mula pa sa Esis para lang masilayan ka kamahalan."Pagbibiro ni Prinsesa Rosa. "Hindi siya ang iniisip ko Prinsesa, ayaw ka na yata balikan ng kapatid ko." Paghihiganting biro ni Emperor Adan. "Malapit ko nang makuha ang loob ng mahal kong Devo." Na hindi sinang-ayonan ng Emperor sapagkat kilala niya ang kaniyang kapatid na bumalik bilang isang batong taong digmaan lang ang naiisip. "Hindi ka nga niya pinapansin Prinsesa."Bulong ni Emperor Adan sa sarili. "Parang may sinasabi ka yata. Ano iyon?" "Wala Prinsesa, paalam. May mahalaga pa akong gagawin." Yumuko ang dalawa sa isa't isa. Sa talampas ng Nobel "Pamilyar ang boses mo."Sabi Prinsesa Lampara nang naaalalang boses ni Devo. "Mga babae talaga, kahit ano lang sinasabi." "Sabi mo paparusahan ang pupunta rito. Nais mo bang maparusahan?"Wika ni Prinsesa Lampara. "Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan."tugon ni Prinsipe Devo. "Kai-kaibigan ko ang Emperor Adan at ahhh-" pangangatwiran ni Prinsesa Lampara, biglang nadulas habang nagpapaliwanag. Niyakap siya muli ni Prinsipe Devo at hinawakan ang kaniyang beywang (Insert *** A Stream of Time, Music by: **、**、***, Performed by: ******* from TaiGekTou ). "Malas mo no?"Pang-aasar ni Prinsipe Devo't natuwa nang nakitang naiinis si Lampara dahil sa paghawak niya sa kaniya. Sinuntok ni Lampara ang dibdib ni Devo nang mapansing hinahawakan nito ang beywang niya. "Bastos ka! Walang lalaking pwedeng hahawak sa akin!" Nasaktan si Devo, hindi makahinga ng maayos dahil sa sugat niyang mula pa sa digmaan kaya nag-aala si Lampara. "Bakit dumudugo dibdib mo?" Pag-aalala ni Prinsesa Lampara at daling  kinuha ang telang mula sa kaniyang kasootan at tinabonan ang sugat ni Prinsipe Devo. "Kanina gusto mo akong patasin tapos ngayon, naging anghel ka?"Nagdududa na si Prinsipe Devo sa kinikilos ni Lampara. Naalala ni Devo na may babaeng inaalagaan siya. Masaya silang dalawang naghahabulan at nagkukuwentuhan sa talampas na kinatatayuan nila ngayon. "Pasensiya na, hindi mo naman kase binahaging masama pakiramdam mo tapos niligtas mo pa ako kanina. Salamat." Paliwanag ni Prinsesa Lampara. "Alaga mo ba iyang mga alitaptap? Kanina ka pa nila sinusundan."wika ni Prinsipe Devo. "Nais nila akong tulungan at bigyan ng liwanag upang maayos kitang magamot."Tugon ni Prinsesa Lampara habang patuloy siyang ginagamot. "Prinsipe Devo?"Sumabat si Prinsesa Rosa, kumunot ang noo nang makitang hawak ni Prinsesa Lampara ang dibdib nito. "Sino kang babae ka? Wala kang karapatang hawakan ang mahal na Prinsipe." "Aalis muna ako, salamat nga pala sa tulong."Huling sabi Prinsipe Devo habang nakangising kinindatan si Lampara at nilisan ang talampas. "Hindi mo man lang ako babatiin?" Reklamo ni Prinsesa Rosa, parang batang nag-iingay. Mahinahong naglalakad pabalik ng palasyo si Prinsesa Lampara, binuntotan siya ni Prinsesa Rosang nagdadabog. "Yabang ng babaeng ito. Alam mo ba kung sino ako? Kaya kitang ipakulong kausapin mo ako." Pagrereklamo ni Prinsesa Rosa. "Bakit ka hinayaan ng prinsipeng hawakan siya?" "Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan lang?" Nakarating na sila sa tanggapan ng palasyo. "Lampara"sambit ni Emperor Adan, nag-aalalang niyakap siPrinsesa Lampara, hinawakan nito ang buhok niya at nahihiyang ngumiti si Lampara.(Insert Ethnic Flute Phrases by SONUSCORE). "Kalma Emperor Adan, naglibot-libot lang ako kanina. Huwag ka ring mag-alala, tutulungan kitang paghandaan ang ating kasal." Wika ni Prinsesa Lampara, niyakap din si Emperor Adan. "Hindi ko na pala dapat aalalahanin itong babaeng ito, mukhang mahal nila ang isa't isa. Sa akin lang talaga ang Prinsipe Devo." Naisip ni Prinsesa Rosa't tahimik na lumisan. "Pumunta ako kanina sa talampas.Maganda." Sabi ni Prinsesa Lampara,nagsimulang lumuha ang mata. "Huwag mo nang ulitin Lampara, mapanganib ang lugar na iyon."-Emperor Adan "Matulog na tayo kamahalan."dugtong ni Prinsesa Lampara. "Tayo? Magkasama?"tanong Emperor Adan nagsimulang mamula ang teynga. "Ikaw sa silid mo at ako sa sarili kong silid, paalam."Tumakbo na parang bata si Prinsesa Lampara't lumisan. "Sira ulo mo Adan! Nagmukha kang bastos kanina." Sinampal ni Emperor Adan ang sarili dahil sa kahihiyan. Dumating si Heneral Laban suot ang simpleng kasootan karga sa likod ang Prinsipe Yu-er na pinagbawalang bumalik sa Nobel. (Insert Celtic Music-Warrior by Filip Lackovic) "Bakit mo binalik dito iyang traydor Laban?" "Tingnan mo ang marka niya sa leeg, makapangyarihang demonyo ang komontrol sa kaniya Empero na maaaring nasa paligid lang natin." "Bukas na natin iyan iimbestigahan. Siya nga pala papakasalan ko na si Lampara sa mas madaling panahon." "Nagsumpaan na sila ni Prinsipe Devo Emperor!" "Nagsumpaan pero trahedya lang ang nangyayari kapag nagsama silang dalawa. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari kay Lampara." "Paano kung maalala niya ang nakaraan? Alam naman natin pareho kung gaano niya kamahal si Devo." "Ginagawa ko ito para sa kaniya, walang puwedeng manakit sa kaniya kapag nalaman ng mundong siya ang Empress ng Nobel." "Ikaw na muna bahala sa hukbong sandatahan Heneral. Aasikasohin ko lang ang kasal." "Iba ka talaga Lampara, magkapatid ang nadagit. Sana'y hindi nila talikoran ang kanilang samahan para lang sayo." Wika ni Heneral Laban sa sarili. "Kay Lampara naman at kay Prinsipe Devo, nakikitang masaya sa isa't isa ngunit may kakambal na panganib bawat oras. Mas mabuti bang maging ligtas na malayo namang mahagkan ang taong nais o tatanggapin bawat banta para lang magsama?" Kapag dinilat ang mga mata makikita ang katotohanan nasa harapan na mismo namumulkaklak na mayana habang tumatagal  lalong gumaganda
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD