Kabanata 8
THIRD PERSON POV:
Lumipas ang isang taon, kinoronahan si Prinsipe Adan bilang bagong Emperor ng Nobel. Pinatibay ang edukasyon at agricultura ng emperyo. Pinatapon si Prinsipe Yu-er nang magkamalay dahil nang magising ito, inamin niyang siya ang pumatay sa sariling ina na dating empress ng Nobel.
Si Lampara, nalimutan ang mga ala-alang kasama si Prinsipe Devo at mga panahong pumunta siya sa Nobel. Pinabalik sa Adalia at tinuruan ng mga dapat gawin bilang pinuno ng Adalia para maging handa sa halip na may masamang mangyari sa kaniyang ama.
Inatasan si Devo na makipagdigmaan sa mga bandidong nais umatake sa kanilang emperyo kaya naging mas mahusay pa ito sa pakikipaglaban at minsan na lang umuuwi sa palayso. Nakalimutan din niya ang mga ala-alang kasama si Lampara. Lagi siyang sinasamahan ng kaniyang magiging asawa na si Prinsesa Rosa mula sa Emperyong Trueblood.
Naglalakbay si Heneral Laban dala ang kaniyang kayumangging kabayo, walang nakaaalam kung saan siya nagtungo.
Naging kanang kamay at tagapayo ni Emperor Adan si Prinsipe Pituso.
Si Leon at Bituin ay naging mas maingat sa kanilang mga ginagawa at sinisigurong maayos si Lampara.
Matagal nang nais pakasalan ni Emperor Adan si Lampara at nagpaalam kay Haring Daklan na sisiguraduhin niyang walang mananakit sa Adalia lalong-lalo na kay Lampara kung papayag man siya o hindi. Pumayag si Haring Daklan dahil sa pagiging taos-puso nito at hindi pagsuko.
Sa tagal ng panahon, isang salita ang hindi nalimutan ni Lampara 'Oracio' kaya sa tuwing binibigkas niya ito, nagpapakita ang isang espada.
Sa tulong ni Leon, nanatiling buhay ang paninindigan ni Lamparang itayo muli ang Oracio kahit sila lang dalawa ni Leon(Singko) laban sa mga masasamang demonyo.
Nang pumunta sina Lampara, Bituin, at Leon sa Ilog Adalia, nakita nila si Emperor Adan nakasoot ng simpleng kasootan at binati sila.
"Mahal na Emperor, matagal na noong muli ka naming makita." Nagsiyuko si Bituin at Leon.
Yuyuko na sana si Lampara peo hinawakan ni Emperor Adan ang noo nito't pinigilan.
"Ako pa rin naman ang dati niyong kaibigan."bati ni Emperor Adan at masayang yumuko sa harap nila.
"Anong sadya ng kamalan?" Tanong naman ni Bituin.
"Bumalik kayo sa Nobel."
"Huh?"naguguluhan si Prinsesa Lampara't napakamot tuloy sa ulo.
"Hindi mo ba nabalitaang ikakasal ang Emperor sa Prinsesa ng Adalia? At sa pagkakaalam ko ikaw iyon Lampara." Tinuturo ni Emperor Adan si Lampara.
"Pati ba naman ang mahal na Emperor nais akong pakasalan?"
"Kung sa bagay ang gwapo niya lalo na kapag ngumiti." Inisip ni Lampara sa kaniyang sarili, kinilig ng konte't napatawa na lang bigla.
"Higit sampung lalaki na ang tinanggihan ni Lampara kanina." Wika pa ni Leon na laging kasama si Lampara.
"Sinusundo kita Prinsesa."
"Tara na Lampara, mukhang naglakbay talaga mag-isa rito ang Emperor para sayo."
"Hindi ba't ayaw mo ako ikasal kahit kanino Bituin at-"
"Huwag kang mag-alala Lampara, kilala at malapit natin iyang kaibigan si Emperor Adan kahit noong Prinsipe pa lamang siya."
"Matagal na rin yang may gusto sa-"-hindi na tinuloy ni Leon ang sinabi dahil sinikuhan ang tiyan niya ni Bituin kaya padabog itong naglakad.
May dalawang gintong karwaheng dumating na may kumikinang na disenyo. Sinabihan din sila ng Emperor Adan na huwag mag-alala sapagkat alam na ito ni Haring Daklan.
Nasa iisang karwahe sina Emperor Adan at Lampara, tahimik na pinagmamasdan ang isa't isa.
"Pamilyar ka po talaga, sa tuwing nakikita ko po kayo sumasagi sa isip ko ang salitang buwaya."-nagsimulang magkuwento si Lampara't tumaas ang kilay ni Emperor Adan sa narinig.
"Hayaan mo na lang, hindi ko na ipaaalala sa iyo ang kuwento ng isang babaeng nanilip sa akin dati noong ako'y naliligo sa ilog." Sagot nito sabay tingin kay Lampara.
"Palabiro pala itong Emperor ng Nobel."
"Huwag kang mag-alala, maaalala ng kasaysayan ang ating kasal."
"Hindi bale nang simple basta nagmamahalan kami sa isa't isa ng taong pakakasalan ko."
Sa kabilang banda, labis ang sama ng loob ni Leon dahil sa pagsusuka.
"Hindi ka pa rin nagbabago Leon." Hinihimas ni Bituin ang likod ni Leon.
"Maglalakad na lang ako. Itigil ang karwahe!" sigaw na pagmamakaawa ni Leon hawak ang kaniyang dibdib.
"Baliw! Nakahihiya sa Emperor, tiisin mo na lang."
"Sabi mo malapit na Bituin."Reklamo ni Leon at nagsusuka pa rin.
"Oo nga, nandito na tayo Nobel."
"Wala na akong maisusuka."
"Pipigilan ko na lang muna paghihirap mo." Binatokan ni Bituin si Leon.
"Mapanakit ka Bituin!"Iniisip ni Leon habang nahihilo.
Pumasok na sila sa palasyo habang tinutulungang maglakad ni Bituin ang nahihilong si Leon.
"Emperor, kanina pa kayo hinahanap ng-"-kawal
"Namiss mo ba ako mahal?" Bati ni Prinsesa Aranaea (Prinsesang mula sa Esis Empire, pinakamalupit na Emperyo sa buong mundo). Akmang yayakapin si Adan.
Iniwasan siya ng Emperor kaya nagalit ito at mabagsik na tumingin sa kanila.
"Sino siya?" Naiinis na tanong Prinsesa Aranaea sabay tinuro si Lampara.
"Magpigay pugay ka sa magiging Empress ng Nobel."sagot ni Emperor Adan habang hinahawakan ang kamay ni Lampara.
"Anong klaseng biro iyan? Alam naman nating pareho na ako lang ang puwede mong pakasalan. Anong pwedeng ialay niyan sa Nobel?" Panliliit ni Prinsesa Aranaea sa kanila.
"Mga bagay na hindi mabibili katulad ng pagiging maalaga sa tao at buo ang loob sa mabuting paraan."Pagmamalaki ni Emperor Adan
"Sinusuway mo ba ang Esis? Kapag nalaman ito ni ama, magkakagulo ang dalawang emperyo!"banta ni Prinsesa Aranaea
"Prinsesa! Hindi sinasadya ng Emperor ang kaniyang mga tinuran."Sumabat si Prinsipe Pituso sa usapan.
"Tiyo wala akong-" wika ni Emperor Adan.
"Papasukin mo muna sa loob iyang mga panauhin kamahalan."Bilin ni Prinsipe Pituso.
Pumasok sa silid tanggapan
"Lampara, matagal na kitang huling nakita kaso baka hindi mo na ako kilala." Inakbayan ni Prinsesa Symera ang balikat ni Lampara. Malapit ang loob niya rito nang nalaman siya ang napupusuan dati ng Prinsipe Devo.
"Tama ka, marami akong nakalimutang mga ala-ala."Pagsasang-ayon ni Prinsesa Lampara.
"Pareho kayo ng Prinsipe Devo, siya- ah kalimutan mong mga sinabi ko." Nag-aalinlangan si Prinsesa Symerang ipagpatuloy ang usapan.
"Bakit ka nangangamba?"tanong ni Prinsesa Lampara sapagkat nararamdaman niyang may tinatago ito sa kaniya.
Pinagbawalan ng Emperor na banggitin ninu man ang nakaraang nangyari, kasalan trahedya at iba pa. Makukulong at paparusahan ang sino mang magbanggit kahit isang salita sa mga nangyari noon.
"Wala, maligayang pagdating sa palasyo!"Bati ni Prinsesa Symera, lumisan.
"Bituin, bantayan mo muna si Leon. Nais kong maglibot." Bilin ni Prinsesa Lampara.
Napansin ni Lampara ang kahel na kalangitan kaya naisipan niyang pumunta sa talampas upang malinaw itong makita.
Sa una, nasiyahan siyang makita ang mga dandelion at isa-isa itong dakpin. Pero nais niyang magsanay sa paglipad, tinawag niya ang kaniyang espada "Oracio!"
Nagsanay siya sa paglipad habang nakatayo sa espada, nang makita niya ang malalim na bangin sa talampas bigla na lang siyang naluha at natakot kaya nawalan ng balanse.
Mabilis naman siyang sinalo ng isang lalaking nagpapahinga sa isang puno at nakitang mahuhulog siya. Niyakap siya nito para masigurong maayos ang kalagayan (Insert *** A Stream of Time, Music by: **、**、***, Performed by: ******* from TaiGekTou ).
"Nagpapakamatay ka ba?"Pagbibiro ng lalaki habang hinawakan ang ulo ni Lampara.
"Nagbabalanse lang gamit ang aking espada." Pangangatwiran ni Prinsesa Lampara sabay tingin sa hawak na espada.
"Bawal pumunta dito sa talampas, hindi mo ba alam na marami nang naparusahan dahil lang sa pagpunta rito? Bakit nga pala nasa iyo iyang Oracio?"
"Pamilyar yata ang boses mo." Mahinang sabi ni Prinsesa Lampara habang pinikit ang mga mata para makaalala.
"Mga babae talaga, kahit anong sinasabi sa harap ko."
Dandelion sa gitna ng kaparangan
simple at minsan lang mapansin
lumilipad kahit saan
minsan tinutupad ang hiling
saksi sa pagkikita
sumasayaw pati kahel na ulap