Trahedya

1126 Words
Kabanata 7 LEON POV: (Insert Toss and Feathers by the Corrs) Nagsikain ang lahat sa loob ng Nobel Palace.  Dami namang handa, amoy pa lang at nabubusog na ako.  "Sasarap naman nito!"Sabi ko pagkatapos matikman ang manok na nasa aking plato. Lumingon tuloy ang mga tao banda rito.  Pasensy na po, halos gulay at prutas ang lagi naming kinakain sa Adalia, matagal-tagal na rin ako hindi nakakakain ng manok tulad nito.  "Bukod sa manok, ang ibang nasa hapagkainan ay mula sa pananim na inalagaan ng mga tao sa tulong ninyo."  Tinuro ni Prinsipe Adan ang mahabang mesang puno ng iba't ibang pagkain. Manok lang sapat na para sa gutom kong tiyan. Nagsiupo kaming lahat. Shempre magkatabi kami ni Bituin kaharap namin ang kuya niyang si Heneral Laban at Prinsesa Symera. "Heneral, kumain ka pa ng marami."Inalok ni Prinsesa Symera ang pagkaing mula sa kaniyang pinggan. Halatang may pagtingin ang babaeng ito sa Heneral. Tapang naman, hindi naduduwag na ipakita ang nararamdaman tulad kong basta.  "Salamat pero-"Pagtatanggi naman ni Heneral Laban sa kaniya, propesyonal talaga kahit sa ganitong oras. "Sige na mainit init pa talaga tong pinili ko sayo Heneral."Hindi pa rin sumuko si Princesa Symera iniihipan ang pagkain at isinubo sa Heneral.  Ako nga nag-uubo ubuhan lang dito sa tabi para mapansin ng katabi kong abala rin sa pagkain.  "Prinsesa, maraming nakatingin!" Saway ni Heneral Laban habang namumula't nahihiya. "Hayaan mo sila, ang mahalaga ay kainin mo itong ibinigay ko sa iyo." Ano ba ito may taong kumakain sa harapan niyo. Dito pa talaga kayo naghaharutan sa pagkain. "Hindi mo nga binigyan kahit kanin ang iyong ama, tapos itong si Laban pinagsisilbihan mo."Dumating si Prinsipe Pituso't tinabihan si Prinsesa Symera. Matinding tinitigan si Heneral Laban. "Nandiyan pala kayo Prinsipe."wika ni Heneral Laban sa kaniya. "Ama matanda na kayo, itong si Heneral Laban ay tipong dapat alagaan."Pagbibiro naman ni Prinsesa Symera  habang kinikilig na nakatingin kay Heneral Laban. "Prinsesa!" kunot noong sigaw ni Heneral Laban. Hindi ko sila maiwasang tingnan at pakinggan dahil ang lapit lang nila sa akin, kulang na lang batiin ko sila't sabihin na kanina pa ako nandito. "Hahaha, nakakatuwa iyong mukha ni kuya Laban."bulong ni Bituin sa kaliwa kong teynga. "Kung saan-saan ka pa nakatingin, inumin mo itong alak." Pagbibiro ko, dalawa pala kaming nanonood ng suyuan sa harap ng handaan. "Alak talaga?" "Biro lang, pagagalitan pa ako ng kuya mo at papaluin ng mabigat niyang espada." Nakakatakot kaya yon lalo na't pinagbabantaan akong lumayo sayo. Parang dinudurog ako ng paningin niya. Ayaw ko ng g**o!  Tumunog ang  arpa at may babaeng kumanta ( Insert Catherine Howard's Fate by Blackmore's Night). Dumating si Prinsesa Lampara at Prinsipe Devo magkahawak ang kamay. Nagsidatingan din ang mga taga-Adalia bitbit ang iba't ibang alay at pagkain. "Anong nangyayari iyong kamahalan?"tanong ni Prinsipe Adan.  Oo nga, anong espesyal na pagdiriwang ngayon?  "Sa araw na ito, napagkasunduang ikasal sina Prinsipe Devo at Prinsesa Lampara ng Adalia. Isang malaking biyaya na maging parte ang Adalia sa aming pamilya, bukas ang Nobel para sa inyong kaharian." Anunsiyo ng Emperor, mukhang lahat kami ay nabigla.  "Napakabuti mo Emperor at pinayagan mong ikasal ang dalawang ito. Noon pa man ay alam ko nang tunay ang pagmamahal ni devo kay Lampara, hindi ko alam na anak mo pala siya. Bilang isang ama, lubos akong nagpapasalamat." Nagsiyuko ang lahat ng taga-Adalia kasama si Haring Daklan. Sinimulan na ang kasalan. "Yumuko sa Diyos!" "Yumuko sa mga magulang!" "Yumuko sa isa't isa!" Bla-Bla-Bla, kasalan, romansa, wala na akong kinalaman dito. THIRD PERSON POV: Sabay-sabay na lumabas sina Heneral Laban, Prinsipe Adan, at Leon para uminom ng alak. Nadurog ang puso. "Kasalan, nasurpresa ako kanina."sambit ni Prinsipe Adan sabay inom ng isang basong alak. "Hindi ko naisip na magiging mag-asawa na itong si Lampara at Devo." sabi ni Leon atnagpatuloy sa pag-inom ng alak. "Kayong dalawa, huwag niyo sabihing may pagtingin kayo kay Lampara?"tanong ni Heneral Laban na nakiinom dahil iniiwasan ang makulit na Prinsesa Symera. "Shempre, lahat ng mga lalaki ay agad na nagkakagusto sa kaniya, siya kaya tagapagligtas ko. Nangako pa nga ako sa sariling habang-buhay siyang protektahan." Pagmamalaki pa ni Leon. Sabay ang tatlong uminom ng alak. "Huwag kayong mag-alala kahit parang bata at masungit itong si Devo, maalaga naman pagdating sa babaeng mahal niya lalo na kay Lampara." Wika ni  Prinsepe Adan sabay turo sa dalawa. "Nandito naman ako para bantayin ang dalawang iyon." dugtong ni Prinsipe Adan sabay suntok sa mesa, nagsimula nang malasing. "Nabalitaan ko nga na malas at mabangis daw ang Prinsipe Devo." Naging mausisa na naman si Leon. "Leon, tumahimik ka-"pagisisiko Heneral Laban sa kaniya tapos nakatulog sa sobrang pagkalasing. "Noong natutulog siya sa isang malayong baryo, nagkaroon siya ng masamang panaginip at nawalan ng kontrol sa sarili. May lumabas na apoy sa kaniyang katawan, sanhi ng sunog ng buong kabahayan. Mabangis? Natural lang iyon sa personalidad niya lalo na pagdating sa digmaan pero ngayon madalas na siyang maamo."Paliwanag Prinsipe Adan at nakatulog sa pagkalasing. "Ang hihina niyo namang nilalang!"Pagmamayabang ni Leon,nauntog ang ulo sa mesa dahil biglang nakatulog. Sa seremonya. ( Insert Catherine Howard's Fate by Blackmore's Night) "Mahal kita Devo. Pangakong sasamahan, aalagaan, at mamahalin kita. Sabay sana nating alagaan at protektahan ang Nobel at Adalia. Rerespituhin kita habang buhay at sasamahang mamatay."panata ni Lampara. "Lampara, katulad ng ngalan mo'y binigyan mo ako ng liwanag. Mapagkumbaba kong iaalay ang aking puso't kamay. Pagmamahal ko sa iyoy hindi mamamatay, tinatanggap at sasalohin kita palagi. Sabay nating lalangoyin ang matindi o kalmadong alon ng buhay."panata ni Prinsipe Devo at naghalikan na ang dalawa. Nang biglang dumilim ang paligid, natabunan ng usok ang lahat na kinahilo ng karamihan. Mula sa malayo, isang tinik ang kumuha kay Lampara, binihag siya. Dinala sa mataas na talampas kung saan siya dating dinala ni Prinsipe Devo. Isa itong taong kakaiba ang lakas na humahaba ang matinik na kamay at paa. "Mamamatay ka dito. Maling lalaki ang minahal mo!" tinapon ng halimaw si Lampara pero tumalon din pati si Prinsipe Devo at niyakap siya. "Tutuparin kong pangako natin sa isa't isa mahal ko." Bulong ni Prinsipe Devo, matang may luha kahit nakangiti. Nahimatay silang dalawa at nabagok ang ulo sa tinding pagkahulog. "Devo!!!" Sigaw ng halimaw at galit na lumisan. Namatay ang Emperor Hosea dahil kasama siya sa mga taong natusok sa tinik ng halimaw. Gumising si Bituin at sumigaw sa takot nang makitang maraming dugo ang nasa mesa at sahig. Kaninang masiglang handaan ay napalitan ng dugong hindi namalayang pag-aari ng kanilang kasamahan. "Lampara?Leon?"nanginginig sa takot si Bituin Lumapit sa kaniya ang kagigising na si Prinsipe Pituso "huwag kang mangamba bata, magiging kalmado rin ang alon."  May sasagabal ba talaga sa pag-iibigan? Masayang memorya natabunan ng pangamba isang trahedyang, wawakasan ang mga ala-ala magbabago, hindi makikilala ang isa't isa pinili para sa kaligtasan niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD