Kabanata 6
THIRD PERSON POV:
May binatang narinig ang usap-usapang dalagang nagngangalang Dawani na mula sa kaharian ng Adalia, agad siyang naglakbay patungo sa lugar kung saan naroroon ang dalaga.
Nagpakilala bilang ordinaryong mangangaso, paulit-ulit niyang hiningi ang kamay ni Dawani dahil nabighani siya kaakit-akit nitong kagandahan,luntiang balat, at pagiging dalisay.
Hindi siya inibig ni Dawani kaya dinakip niya ito at pinagsamantalahan sa gubat, nalungkot ang mga dahon at ulap. Kinulong niya ito sa kubong makikita sa gitna ng gubat sapagkat siya lamang ang umiibig sa kaniya.
Sa mga panahong sila'y nagsama, pighati lamang ang nadarama at walang tuldok na pagmamahal. Nang manganak si Dawani, hindi niya kayang tingnan ang sanggol at naluluha lamang.
Dinala ng lalaki ang sanggol sa kaniyang tirahan, nangakong babalikan si Dawani kinabukasan.
Pagbalik niya, wala na ito sa kubo. Nagpakasal si Dawani sa ibang lalaki, sinalakay niya ang Adalia at binihag ang ama ni Dawani.
Nakipaglaban ang iniirog ni Dawaning nagngangalang Hiru at natalo ang mga kasamahan ng lalaking nasaksak ng itak sa mukha at puso. Kinuha niya ang pana at tinira kay Hiru ngunit silang dalawa ni Dawani ang natamaan.
Tumubo ang isang bundok kung saan nilibing si Dawani, lagi itong pinapaligiran ng hamog ng ulap na sumisimbolo kay Hiru. Habang buhay silang magsasama kahit iba pa ang kanilang anyo, magkayakap tuwing umaga hanggang gabi.
Lagi itong tinatanaw ng mga tao at pinasasalamatan dahil nagsisilbi itong proteksyon mula sa mga mananakop at mayaman pa ang mga lupa.
_ __ _
Kasalukuyan
Dinala na sa palasyo ang nawawalang malay na sina Lampara, Leon, at Prinsipe Yu-er. Ikinagugulat ng Empreror ang balitang nahanap na ang kaniyang matagal na nawawalang kapatid, agad siyang pumunta sa silid ni Prinsipe Yu-er. Lumaki ang kaniyang mata dahil halatang siya nga ang kaniyang kapatid pero "bakit hindi ito tumanda?" Tanong niya sa sarili dahil sa walang pinagkaiba nitong hitsura.
Samantalang inalagaan ni Bituin si Leon at Lampara sa tulong ng mga manggagamot sa loob ng tatlo't kalahating araw. Gumising kaagad si Lampara nag managinip uli na nasusunog ang Adalia at nasawi ang lahat na nakatira rito.
"Ano-kamusta ka?" Hinimas-himas ni Heneral Laban ang buhok ni Lampara't binigyan siya ng sariwang tubig.
"Hindi ayos,"tugon ni Lampara habang hawak ang kaniyang noo.
Sa mga sandaling iyon, naiisip muli ni Laban ang mga panahong siya pa ang panginoon ni Lampara sa pangangaso't pagsasaka. Hindi pa rin siya makapaniwalang ang bilis ng panaho't tumaas na ito dahil ang liit na bata dati ni Lampara.
"Umiyak ka raw noong umalis ako dat-"sambit ni Heneral Laban. Tagaturo dati ang Heneral ni Lampara kung paano sumulat ng mga tula at estorya.
"Hindi iyan totoo, sa katunayan. Noong nawala ka panginoon ay heneral pala, nandiyan si Bituin para samahan ako at si papa rin."paliwanag ni Lampara.
"Nagkamalay na si Leon!"Natutuwang sigaw ni Bituin tapik sa balikat nina Lampara't Heneral Laban.
"Si Lampara?"tanong ni Leon nang magkamalay sabay tiningnan ang paligid.
"Tao pa ring nakakahinga kapatid!"tugon ni Lampara para hindi na ito mag-alala pa.
"Inatake raw kayo ng halimaw?''kunot noong tanong ni Bituin.
"Oo Bituin, ipapaliwanag ko sa iyo mamaya. Gutom pa ako." Reklamo ni Leon.
"Gising na pala ang maninilip!" pumasok si Adan.
"Buwaya! Wag mo sirain ang araw ko!"Sigaw ni Lampara sabay tskip ds mukhs gamit ang hawak na unan.
"Una, nangangamusta lang at pangalawa, hapon na kaya."kibit balikat na pahayag ni Prinsipe Adan. Binigyan pa sila ng makakain.
"May nangangamusta bang nang-aasar?"naiinis na wika Lampara habang iniiwasang tingnan si Prinsipe Adan.
Sinadyang umubo ng malakas ni Leon dahil nagsimula nang umitim ang ulap ng eksenang handang kumidlat anumang oras. Dalawang matigas na ulong ayaw magpatalo.
"Ayan na naman kayong dalawa." sambit ni Bituin, pinakain kay lampara ang pagkaing dinala ni Prinsipe Adan.
"Hayaan mo sila, alagaan mo na lang kaya ako."sabi Leon, nagpapacute na mukhang inaanyaya si Bituin.
"Leon!" pagsusuway ni Laban habang nakatingin sa kanyang hawak na sandata. Na kinabahala ng kawawang si Leon.
"Huwag na pala Bituin, parang lumakas ako bigla."dugtong ni Leon, tumalon-talon, nagcurl-ups, at nagpush-up. Naging magaling nang tuluyan.
MAY NANGYAYARING HIMALA!
"Okay ka na pala eh."Bungad ni Bituin, lumabas para isuli ang hinandang sabaw.
Nagkatinginan sa inis si Laban at Leon.
"Nasaan nga pala si Devo?"tanong ni Lampara sa kasamahan.
Nagsanay si Devo sa Ilog Adalia dahil ayaw niyang paulit-ulit na lang na nahihimatay si Lampara dahil sa pagliligtas sa kanila. Nagpahinga siya saglit sa punong makupa. Bumalik si Devo sa Nobel.
Kinuha ni Lampara ang munting lumilipad na dandelion, pinikit ang kaniyang mga mata at humiling dito. Pagdilat ng mga mata, nakita ang malapit na mukha ni Prinsipe Devo na pinagmamasdan siya (Insert dandelions by ruth B. Instrumental).
"Akala ko nakatayo kang natutulog."Bulong ni Prinsipe Devo habang patuloy siyang pinagmamasdan.
"Sira, may natutulog bang nakatayo?"sambit naman ni Lampara sabay tulak sa noo ni Prinsipe Devo.
"Gusto mo bang makakita ng dandelion?" Hinawakan ni Devo si Lampara at kinarga sa likod, nagtungo sa talampas ng Nobel.
Kahanga-hangang makikita ang paglubog ng araw at napalilibutan pa ng dandelion ang lupa. Walang katumbas na tamis ang ngiti ni Lamparang kinatutuwa ni Devo.
"Titingnan mo lang ba sila?"tanong ni Devo at nagsimulang tumalon para dakpin ang mga dandelion.
Parang batang dinakip nila ang mga dandelion na lumilipad. Naisipan ni Lamparang humiling sa bawat isa nito.
"Nandito ka. Sa sandaling ito at sa susunod pa. Mahal kita Lampara."Seryosong pagtatapat ni Prinsipe Devo (Insert Dandelions by Ruth B Instrumental) at komportabling hinalikan si Lampara habang magkahawak ang kanilang mga kamay at nakapikit ang mga mata.
Sumayaw ang mga dandelion at sinabayang kumanta ng hangin. Nagsiayon ang kapaligirang pinagmamasdan ang dalawang nagsimulang magmahalan. Natutuwa ang dalawa dahil nagsimulang sumabay ang t***k ng kanilang puso.
"Ba't ang init mo?" hinawakan ni Lampara ang leeg ni Devo.
"Ikaw rin naman ah, tingnan mo nga ako." Tugon ni Devo habang hinihila si Lampara, natumba silang dalawa.
Nakapatong si Lampara sa ibabaw ni Devo't niyakap ng mahigpit.
"Devo, kakakain ko lang mabigat ako ngayon."
"Ayaw ko nga! Dito na tayo matulog."
May isang taong nagmamasid na nais silang parusahan sa mga sandaling iyo.
Taong nakatago ang mukha, tahimik na naiingit hawak ang kaniyang panang sandata.
Tayo'y nagmahalan
may sumagabal
dugoy nagsilabasan
ikaw at ako, kasama
nabuhay muli, nakatayo
ngayon lagi na kitang yakap
magmamahalan muli