Oracio

1800 Words
Kabanata 5 LAMPARA  POV: Napanaginipan kong ako'y nasa ulap, nagmamasid sa lupa at bumaba rito dahil sa pananabik. Biglang nagdilim ang paligid, maraming dugo ng hayop at tao na sumisigaw. Nasusunog ang mga halaman, may malaking aninong nakatingin sa akin at sinabihanakong "nagsisimula pa lamang." Kinokontrol nito ang mga nilalang na para niyang aliping hawak-hawak lang ng kaniyang mga palad. Narinig kong may tumatawag sa akin, boses yon ni Devo kaya ako gumising (Insert Dandelions ni Ruth B. instrumental). "A--a-ayos ka lang ba?" tanong ni Devong hindi namalayang hinahawakan niya ang aking kamay. "Mabuti't panaginip lang. Anong nangyari?"sambit ko sa kaniya, nahihiya akong direktang tumingin sa mga mata niya. "Nahimatay ka kagabi matapos mong talonin ang aninong ahas na demonyo." Totoo palang ako ang pumatay sa aninong ahas? Akala ko, parte lang yon ng aking mga guni-guni. "Ayaw ko kayong mapahamak Devo." Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa basta kaibigan ko na ang nahihirapan, hindi ako magdadalawang isip na tumulong. Ngayon lang namin napansin na nanatiling magkahawak ang aming kamay, dali-dali  ko siyang tinulak palayo sa akin.  Natataranta talaga? Ewan ko sa sarili ko haha. Pumasok naman sina Leon, Bituin, Adan, kasama si Heneral Laban. "May importante akong sasabihin." Seryosong wika ni Heneral Laban. "Ano po iyon?" tanong ni Bituin. "Nais kong sumali si Lampara sa Oracio (samahan ng mandirigmang pumapatay ng masasamang nilalang)." Buong loob na sinabi ng heneral habang nakatingin sa akin, hinihintay ang Oo kong sagot. "Oracio?" Parang narinig ko na ang salitang iyon dati, nakalimutan nga lang. "Hala! Kilala ko yan!" sigaw naman ni Leon sabay isang malakas na palakpak.  "Ano yon?" kunot noo naman itong si Bituin. "Mga nakamaskarang pinapatay ang mga kampon ng kasamaan kaluluwa man o demonyo!" sanbit ni Leon, tumayo pa talaga siya.  "Gaano sila karami?" Sino-sino ang kasapi nito?  "Tatlo lang sila sina Uno, Dos, at Tres" sagot naman ni Leon. Eksperto talagang kaibigan ko pagdating sa hindi inaasahang mga bagay. Lumaki tuloy ang pagka-interes ko sa Oracio. "Lampara.. ako si Dos. Si Adan si Uno at si Laban naman si Tres"ani ni Devo sabay turo sa sarili, kina Buwaya, at Heneral Laban. "Hindi ba't may kapangyarihan ang Oracio?" sambit ni Leon sabay kumot sa kaniyang ulo. Dapat ganyan din ako, nagiimbistiga para maraming makalap na impormasyon. "Sina Uno/Adan at Dos/Devo lang ang mayroon. Higit sa lahat ang taong nagmamay-ari ng espadang Oracio"paliwanag ni Heneral Laban "May kapangyarihan kayong mga Prinsipe ng Nobel?" Pati si Buwaya may kapangyarihan? Ang alam ko lang ay abilidad nitong si Devo. Ipinanganak daw si Devong may dugong apoy, samantalang si Adan ay kasing bilis ng kidlat kung makipaglaban. Isang sekretong samahan ang Oracio at bihira lang ang nakaaalam kung sino sila. "Bakit mo pala alam ang tungkol sa Oracio Leon?"tinapik ni Devo ang balikat ni Leon. "Mahabang kuwento, sikat kaya ang Oracio."agad na tugon ni Leon. "Babae si Lampara at mapanganib yata yang ginagawa niyo."nagaalalang sambit ni Bituin, mahal ko talagang mga kaibigan ko! Huwag kayong mag-alala mas matibay pa ata ako sa bato. "Hindi sa pagiging babae o lalaki ang pagiging mandirigma. Nasa tibay ng kalooban."paliwanag pa ni Buwaya, Prinsipe Adan na lang pala baka masanay akong tawagin siyang buwaya at ipaputol itong maganda kong ulo. "Makapangyarihan ka raw sabi ni Adan at Devo."Tinutukoy ng Heneral Laban si Lampara. "Ako? Ang alam ko lang ay tumakas o tumakbo," turo ko naman sa aking inosenteng sarili. "Kaya pala ang galing mong tumakas, natandaan ko bigla." naalala ulit ni Prinsipe Adan ang nakaraang pagtatagpo namin. Sinisimulan na naman niya akong asarin ah. "Buwaya ka." nakalimutan kong di na pala kita tatawaging buwaya Prinsipe Adan. "Maninilip ka."Nako mapaghiganti talaga siya. "Ayan naman po tayo." Tsk, pasensya na Bituin maingay talaga itong si Adan. "Tumahimik tuloy tong si Prinsipe Devo." Sinilip ni Leon ang lugar kung saan umuupo si Devo. OO nga, kanina pa siyang hindi umiimik. "Sadyang seryoso at tahimik akong tao."Talaga ba Devo? Pareho nga tayong maingay kapag magkasama. Hindi kombinsido ang lahat sa sinabi ni Devo.  "Talaga ba kamahalan. Ikaw nga ang pinaka-" nagkibit balikat si Heneral Laban. "Yon yong mga panahong mura pa ang aking isipan Laban."paliwanag naman ni Devo. Parang bata ang ekspresyon ng mukha niya. "Mura pa pala ang isipan mo ngayong sa edad ng 17."Panunukso ni Heneral Laban. "Kasing-edad lang pala tayo Devo."Kya pala ang gaan ng loob ko sayo habang tumatagal. "Kaarawan ko ay Hunyo 23"sabay naming wika ni Devo. "Huwag mong sabihin sabay rin tayo pinanganak?" aniya. "Seryoso ako." Hindi kaya ako sinungaling, alam ng lahat yon. "Parang kambal pala itong dalawa kaya malapit sa isa't isa." Tinulak pa ako ni Bituin sa inuupuan ni Devo. "Sabay pa talaga pinanganak." Dugtong ni Leon. "Ikaw Prinsipe Adan,ilang taon ka na po?"tanong ni Bituin kaya lumingon kami sa kaniya. "Matanda na yan."Panunukso ni Devo. Kay Adan ka pala nagmana ang pagiging mapang-asar mo. "Sekreto" mahinang sabi ni Adan. Pumasok ang isang kawal at nananabik na sinabing lumabas at tignan ang mga pananim. Nagsilabas ang lahat para tignan ang mga halaman. Sinayawan namin ito nina Leon, at Bituin. Isang ritwal sa Adalia upang upang magsibunga ng biyaya at lumaki itong matibay.(Insert Celtic Irish Epic Music entitled Victory). Umulan kahit init sa Nobel at unti-unting tumutubo ang mga halaman kasabay sa pagtubo ng panibagong pag-asa. Naghiyawan ang lahat nang tinugtog ni Prinsipe Adan ang kaniyang plawta lalo na ang mga kababaihan dahil sa pagkamangha sa kalmadong tugtog ng musika.  (Insert Upwards to the Moon ****, music by ***、***、*** performed by  **(****)from TaiGektou). Mukhang malakas pala ang karisma nitong si Adan. Nagpapatuloy kami sa pagsasayaw. THIRD PERSON POV: Nagsihiyawan ang mga tao. "Parang anghel si Prinsipe Adan." Sumali si Prinsipe Devo at nakisayaw habang nakatingin lamang kay Lampara ang mga mata. "Tignan niyo ang Prinsipe Devo, parang batang natutuwa!" "Sino iyang babaeng nakapula?" "Siya ang pinag-uusapang Prinsesa ng Adalia." "Ang ganda niya!" "Akala ko strikto at malamig si Prinsipe Devo." "Bagay sila!" Nakisayaw rin si Adan sa kanilang dalawa, tumutugtog pa rin ng plawta. Sayaw ng pasasalamat ay naging romansang pinag-aagawan si Lampara. "Nakisayaw ang unang Prinsipe!" "Bakit mukhang pareho nilang gusto ang Prinsesa?" "Anong ginagawa niyo?" sambit ni Lampara.  "Tama na iyan mga mahal na Prinsipe."sabi ni Heneral Laban. "Heneral"-Devo at Adan Makapangyarihan ang ama't ina ni Heneral Laban na matagal nang kaibigan ng Emperor gayun din siya. Ang kinikilalang magulang ni Bituin sa Adalia ay tiyahin at tiyohin nila. Kasing-taas ng ranggo ng Heneral ang dalawang Prinsipe. "Nakakahiyang mga Prinsipe, para kayong batang nag-aagawan ng pagkain."-saway ni Prinsipe Pituso , asawa ng kapatid ng Emperor na laging nakasoot ng maskara. "Nagkatuwaan lang tiyo." "Akala ko ba marami kayong ginagawa ?" "Nabalitaan kong nangyari, totoo nga na mahiwagang nalunasan ang pananim."- Prinsipe Pituso "Pinsan? Ang tatangkad niyo na!" sigaw ni Prinsesa Symera, anak ni Prinsipe Pituso habang yakap si Devo, Adan, at Laban. "Ehem-pinsan mo ba si Heneral Laban?"-Prinsipe Pituso Nagsitawanan ang lahat dahil halata ang pagkagusto ng prinsesa sa heneral. "Nakakakilig ang sayawan kanina, ikaw nakapula na babae halika!"-bitbit at kausap ni Prinsesa Symera si Lampara. "Mukhang gusto ka yata ng dalawang pinsan ko, sino bang gusto mo ha?"bulong ni Symera sa kaliwang teynga ni Lampara. "Mahal na prinsesa, kinakawayan ka ni Heneral Laban o!" Pagbibiro ni Lampara para makatakas. "Wala naman ah--asan na yon? Nakapulang babae??"naisahan si Prinsesa Symera ng mapagbirong Lampara. Palihim na dinala nina Heneral Laban, Devo at Adan sina Lampara at Leon sa kanilang sekretong taguan 'sagradong lugar ng Oracio'. Sinumulang ikuwento ni Heneral Labang ang pasalin-salin na kwentong pinagmulan ng Oracio, sila'y nakaupo't pinalibutan ang mainit na kalayo. May simpleng dalagang nakasisindak ang tindig hawak ang espadang tawag ay Oracio. Sinalakay at kinain ang kaniyang pamilya at baryo noon ng mga demonyong nagkukunwaring tao. Sa tinding galit, tinawag niya ang kaniyang espada at isa-isang ginawang abo ang mga demonyo.  May samahan siyang tinayo 'Oracio' na nangangahulugang tahimik na pagdurusang may mataas na pasensya, malakas ang kalooban, at handang absorbahin ang mga kaalaman. Numero ang tawag o alyas ng bawat miyembro nito. Walang nakaaalam ng pangalan ng babae pero Oracio ang tinatawag sa kaniya ng karamihan. Kaso ang pinakamalapit niyang kaibigang kaniyang minahal ay nawala. Lumipas ang panahong nalaman niya na isa itong demonyong inutusang sirain ang samahang kaniyang tinatag. Siya'y hindi na makontrol at nilusob nang malaman ang lungga ng mga demonyo. Makapangyarihan siya at ang espada kaya nagsilikas ang ibang kalaban. Pinatay siya ng lalakeng kaniyang minahal at pinatay rin niya ang lalake. Hindi na nagpakita ang espada. "Bakit kayo umiiyak?" wika ni Leon habang nakatitig kay Lampara at Devo. "Gaya-gaya to!"reklamo ni Lampara. "Sinong umiiyak? naduduling ka siguro Leon." Tanggi ni Devo kahit sinisipon sa pag-iyak. "Sa huli, nabuhay pa rin ang samahang Oracio hanggang sa ating henerasyon."-Heneral Laban "Nagpatayan pa talaga ang dalawa sa huli."reklamo ng  Prinsipe Devo. "Matapang sila sa labanan pero duwag para buksan ang mga mata sa posibilidad na maaari silang magsama nang walang nasasaktan."Paliwanag naman ni Lampara't inilabas ang kaniyang pananaw sa narinig na kuwento. "Nga pala, sa bawat henerasyon, dalawang tao pa lang ang nakahahawak sa espadang Oracio. Sinisigaw nila ang ngalan nito at gagalaw na parang parte na ito ng katawan." dugtong ni Prinsipe Adan. "Oracio!"sigaw nina Lampara at Leon. "Wala pa ngang muling nakatatawag sa Oracio!"sambit ni Prinsipe Devo sa dalawa. Bumalik sila sa madilim na labas. Tumindig ang kanilang mga balahibo dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Malaking bayawak na nag-aapoy ang mga mata! Biglang nagpakita at hinabol sila, malayong nakatakto si Lampara. Dalawang talampakan ang taas at pitong talampakan ang haba. Dinakip sabay ng maraming dila nito  si Leon, Laban, Adan, at Devo, handa na silang lamunin! "Oracio!!!"-Lampara (Insert ** Mutual Vigilance performed by***** Arranged by: winky* from TaiGekTou ) Mas lumiwanag pa si Lampara sa apoy ng higanteng batawak, biglang nagpakita sa kanyang kamay ang maalamat na espadang Oracio. Sinaksak mabilis ang bayawak at nahulog ang tatlong lalake. Nabangga ang ulo ni Leon sa bato, nawalan ng malay si Devo.  "Totoo ba itong nakikita ko?"Sinampal ni Heneral Laban ang sarili. "Oo, oras na para buhayin muli ang nasimulan ng Oracio!" Nag-ibang tao si Lampara Nawala ang espadang hawak kasabay sa pagkawala ng Liwanag. Kinarga si Lampara ni Heneral Laban. "Heneral!"pag-aalinlangan ni Prinsipe Adan nang kargahin nito si Lampara. "Huwag kang mag-alala Adan tinuturi ko itong kapatid si Lampara."tugon ni Heneral Laban sabay lingon sa kaniya. "Ito rin ang ibig kong sabihin."turo ni Prinsipe Adan sa katawang taong nagpakita nang mawala ang bayawak. Walang kasootan sa grasa kung saan dating nakatayo ang demonyong bayawak. "Prinsipe Yu-er?"sambit ni Heral Laban "Siya yong nawawala kong tiyuhin?" dagdag pa ni Prinsipe Adan. Dapat lamang magpasalamat dahil tunay ang pagsisikap simpleng pagsasayaw pagkapanaloy napukaw isang misteryong lumitaw
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD