Pagtingin

1107 Words
Kabanata 4 Nakapokus ang kuwentong ito kay Bituin THIRD PERSON POV: Tubong Adalia, anak ng magsasaka. Simpleng dalagang laging nagsusuot ng puting tela. Gabi lamang siya lumalabas ng tahanan dahil sa pagiging mahiyain. Maagang ipinadala ang kaniyang kuyang nagngangalang Laban sa Nobel upang maging isang mandirigma at ito'y kasalukuyang Heneral. Naligaw sa nang mag-isang naglilibang sa gubat ng gabing hindi nakikita ang buwan.Madilim at tahimik, mag-isang humahanap ng paraan para makauwi ng ligtas. Natatakot dahil sa madilim na paligid at sumigaw ng tulong. May narinig siyang mabangis na hayop na patungo sa kaniya.  Sa kabutihang palad, dumating si Lampara, pinapalibotan ng mga alitaptap. Inalok ang kaniyang kamay, nakangiting tumingin sa kaniya. "Huwag niyo syang lapitan mga kaibigan, natatakot siya dahil gabi na at mukha kayong mababangis sa gabi" kausap ni Lampara ang dalawang puting tigreng nakikinig naman sa kaniya.  Pinauwi niya ang dalawang tigre at tumingin ulit kay Bituin. Naglalakad sila pabalik sa kaharian Adalia. "Ikaw ba si Bituin?" Tanong ni Lampara. "Oo, pinalilibutan ka ng mga alitaptap. Malamang ikaw si Lampara?" sambit ni Bituin "Tama, kanina ka pa hinahanap ng iyong mga magulang. Nag-aalala sila sa iyo. Kung gusto mong maglibang bukas ako para ika'y samahan. Tutal wala pa akong babaeng kaibigan mula noong namatay si ate Dawani." Nagsimulang tumahimik si Lampara. "Pasensya ka na sa kapatid mo, hayaan mong maging kaibigan at kapatid kita Lampara." Anyaya ni Bituin sa kaniya. Binigay ni Bituin ang kamay niya kay Lampara at doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.  Paglipas ng ilang taon, naging palakuwento at masiyahin si Bituin. Sumasama minsan sa mga paglalakbay ni Lampara. Isang araw, nahulog ang loob niya nang makita ang isang binatang naglalaro kasama ang mga taga-Adalia kaya pinanonood niya itong maglaro tuwing hapon hanggang nagulat siya nang dumalaw si Lampara sa kanilang tahanan at ipinakilala ang lalakeng nagngangalang Leon. "Bago siya dito pero isa siyang mabuting kaibigan Bituin."paliwanag ni Lampara. "Ang puti mo naman Bituin, Leon nga pala."inialok ni Leon ang kaniyang kamay kay Bituin (Insert ****** Yilan Love Story by ** and TaiGekTou) Lumipas ang panahon, nanatili pa rin silang matatag na magkaibigang hindi nagsasawang makita ang pagmumukha ng isa't isa. Nagmamahalan, naglalaro, at naglalakbay ng magkasama. Hanggang ngayon, si Bituin lamang ang nakaaalam ng kaniyang nararamdaman para kay Leon at sumulat ng tulang: Tila hindi maipaliwanag ng siyensya kung bakit nahulog sayo ng bigla-bigla at ano nga bang ahensya ang makatutulong para mapalapit tayo sa isa't isa sino ba ang dapat magpasya? Ang pusong sinasabing gusto kita o isipang laging sinisigaw ngalan mo sinta mabuti pa ang bituin at araw, lagi kang natatanaw pero aking sarili, sa iyong mga ngiti ay uhaw na uhaw ikaw ang natatanging buwan sa aking buhay nag-iisa, malinaw, kaakit-akit, at tunay dahil sayo hindi ako natatakot pumikit pagkat imbes bangongot, ikaw ang naiisip bawat sandali nais kang mahagkan subalit sinisigaw ng damdamin, ako lang nakaaalam sabi nga nila 'nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa' si ama na ang bahala kung tayo ba talaga'y itinadhana ngunit ito ang iyong pagkatandaan sa aking mga ala-ala, hindi ka mapapalitan ninuman "Bituin parang gusto mo si Leon no?" tukso ni Lampara (Insert ****** Yilan Love Story by ** and TaiGekTou) "Pst tumahimik ka Lampara" nilagay ang kamay sa bibig ni Lampara para hindi ito manukso. "Kanina ka pa nakatingin kay Leon habang natutu-"nahalata ni Lamparang namumula ang pisngi ni Bituin. "Ang gwapo mo talaga" lutang na sabi ni Bituing hindi namalayang napakinggan pala siya ni Lampara. "Hala! Totoo nga. Leon gumising k-"  "Halika nga dito Lampara."Binitbit ni Bituin si Lampara sa labas. "Ano kailan mo pa siya iniibig ?"nananabik na Lampara habang tinusok-tusok ang tiyan ni Bituin. "Noong una ko pa siyang makita" "Paano kung hindi siya tao, mamahalin mo pa rin ba siya?" "Kahit ano pa siya, tipaklong, uwak o kwago Haha. OO" "Mukhang ikaw ata ang gusto niyang si Leo-"  "Hindi ah, kapatid nga ang turing namin sa isa't isa ano ba"tugon ni Lampara. Nang Dumating sila sa Nobel at nahulog sina Lampara, Devo, at Adan sa lupa, naiwan sina Bituin at Leon para hintayin sila. "Hindi ka ba nag-aalala kay Lampara?" tanong ni Bituin habang nagmamasid kay Leon. "Nag-aalala, pati rin sayo. Alam kong ayaw mo sa dilim kaya pinahinto kita sa pagsunod." iniwasan tuloy ni Bituin ang mga tingin ni Leon. "May sasabihin ka saken?"dugtong pa ni Leon. "A-ano ?"-nauutal na wika ni Bituin. "May isinulat kang tula, itong nahulog kanina nang nag-away tayo sa karwahe"-Leon "Binasa mo ba yan?"-Bituin "Shempre, may nakalagay pang pangalan ko sa huli"-Leon "Hin--hin--hindi ikaw iyan, may Leon akong nakilala noong naglalakbay kami ni Lampara pero. Hindi na kami nagkita pang muli."-Bituin "Ganoon ba? Ang lungkot" patahimik na imik ni Leon. "Ikaw ha akala mong mahal kita no? Ano ka ba kaibigan tayo Leon."-Bituin "Alam ko, alam ko. At may pinangakuan na akong babae dati"-Leon "Si--sino?"-Bituin "Yong nga lang hindi ko maalala."-Leon "Ganoon ba? Ang lungkot." Patahimik na imik ni Bituin. Biglang gumalaw ang lupa kaya agad-agad na kinarga ni Leon si Bituin (Insert My Moons and Stars-Celtic Fantasy Music). Nagpakita ang buwan kahit hapon pa at nilapit ni Leon ang mukha niya kay Bituin. Nasa taas si Leon ni Bituin. "Bakit ang bilis ng pulso mo kahit nakatulala ka?"-Leon "Dahil iyon sa pagkagulat!"-Bituin "Talaga?" hinaplos ni Leon ang buhok ni Bituin. (Insert ****** Yilan Love Story by ** and TaiGekTou) "Ang bigat mo, alis na Leon."-Bituin "Ayaw ko" nakapikit si Leon habang pinakikinggan ang puso ni Bituin. "Halatang ako ang Leon na mahal mo. Kaso ang gusto ko sa babae ay matapang na tinatapat ang kaniyang nararamdaman."-Leon "Nababaliw ka na yata Leon."-Bituin "Itigil mo yang ginagawa mo kay Bituin!"- Heneral Laban */nakaturo ang sandata kay Leon. "Ha-ha, Tinutukso ko lang itong asawa ko."-Leon "Asawa?"-Laban "Laban, kaibigan ko lang itong si-"-Bituin "Mabuti pang bumalik ka na sa Adalia, kung ano-ano pang ginagawa niyo rito."- Heneral Laban "Hindi ko gusto iyang dila mo, sino ka ba ha?"-Leon "Ikaw ang sino, bakit mo sinusuyo si Bituin?"- Heneral Laban "Tigil! Niligtas ako ni Leon mula sa pagkahulog sa tuyong lupa Laban."-Bituin "Makaasta para kang sino."-Leon "Patahimikin mo yan."-Heneral Laban "Leon halika na."-Bituin Hinawakan ng mahigpit ni Laban si Bituin dahil ipadadala niya ito pabalik ng Adalia. "Huwag mo siyang hawakan!"-Leon "Kalma Leon."-Bituin "Kanina pa kita tinatanong, sino ka ba?"-Leon "Ako ang kapatid ni Bituin."-Heneral Laban "Siya iyong kwenikwento mong mabait at mahusay na mandirigmang maamo? Maamo ba ang mga matang iyan? Para akong niluluto nang buhay ng kapatid mo Bituin!"-Leon Matamis na unang pag-ibig naging yaman ng kalooban pagkakaibigang tumitibay lihim na pagtinging ayaw aminin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD