Kabanata 3
THIRD PERSON POV:
"Dawani?" Bulong ni Haring Hosea sa kaniyang sarili.
"Lampara po kamahalan, mula sa Adalia. kasama ko ang aking kaibigang sina Bituin at Leon. May dala kaming mga buto ng gulay at prutas" bati ni Prinsesa Lampara habang tinuturo ang kaniyang kasamahan.
"Ama dapat tayong uminom dahil nandito na siya." sabi ni Prinsipe Devo sabay kindat ng mata kay Lampara.
"Nabalitaan namin ang sitwasyon ng Nobel, tuyong lupa't pananim"
sambit ni Leon.
"Hayaan mong tulungan namin kayo Emperor Hosea" buong pusong alok ni Bituin.
_ _ _
_ _ _
_ _ _
Nang simulan na nila ang pagtatanim, nilapitan ni Adan si Lampara dahil sa pamilyar nitong mukha. Pinagmasdan niya ito ng maigi mula ulo hanggang paa at kwinestyon ang sarili kung saan o kailan niya ito unang nakita.
"Parang nagkita na tayo dati ah"bungad ni Prinsipe Adan habang hinahawakan ang kaniyang ulo, sinusubukang makaalala.
"Patawad pero hindi ako iyon, ibig kong sabihin sino ka ba?"tanggi ni Prinsesa Lampara.
"Lampara siya ang unang prinsipe ng Nobel."Bulong ni Bituin sa kaliwang teynga ni Lampara.
"Kung ganoon anong ginagawa mo noong nakaraang tag-ulan sa Ada-" nadulas ang bibig ni Lampara kaya malinaw na naalala ni Adan ang nangyari dati.
Nakaraan tag-ulan
Humihiga sa puno ng makupa si Lampara, tabi ng Ilog Adalia. Nagpapahinga siya habang pinakikinggan ang tunog ng ulan. Soot ang pula niyang kasootan ,hindi nakatali ang kaniyang buhok, at nakapaa lamang.
Sa mga sandaling iyon, biglang lumabas mula sa ilog si Prinsipe Adan, minsan pumupunta roon ang Prinsipe para lang maligo dahil sa kakaiba nitong tubig na masarap langoy-langoyan. Walang damit pantaas na ikinagulat ni Lampara. Nahulog siya mula sa puno at sinalo ni Adan. (Insert Ethnic Flute Phrases by SONUSCORE).
"Bakit mo ako sinisilipan?!" sigaw ng Prinsipe Adan dahil sa gulat. Ngayon pa lang siya nakahawak ng babae, lalo pa't isa siyang prinsiping hindi kayang hawakan ng kahit na sino.
"Sinong naninilip, sino ka ba ha?" matapang na tanong ni Lampara.
"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako lang naman-"hindi na niya natuloy pa.
Tumakas si Lampara, dali-daling lumangoy palayo na hindi napansin ni Adan.
"Hindi man lang siya humingi ng tawad. Hinawakan niya leeg ko't braso." Pagrereklamo niya't hinampas ang tubig.
(Mag-asawa lamang ang maaaring humawak sa mukha at leeg ng lalakeng taga-Nobel)
"Kalimutan mo na iyon Lampara, nanaginip ka lang ng isang buwaya." Iniisip pa rin ni Lampara ang nangyari habang dali-daling tumatakbo.
"Buwaya? Bakit ka nagpapkaabasa?"nadatnan niya ni Leon kaya bumuntong hiningat pinaliwanag na,
"Wala samahan mo akong magluto ng pagkain Leon."
Balik na tayo sa kasalukuyan
"Buwaya?!"
"Maninilip?!"
Sabay-sabay na nagsigawan ang dalawa. Magkahalong inis at hiya ang nararamdamang tensiyon sa pamamagitan nila.
"Kilala ninyo ang isa't isa?" turo pa ni Leon sa kanila.
"Naalala mo Leon, huling tag-ulan? Galing ako noon sa ilog."pagbabahagi ni Prinsesa Lampara
"Tapos?" nais marinig ang lahat ang nangyari.
"Siya yong buwayang bigla na lang lumabas sa tubig!"bumuntong hininga si Prinsesa Lampara't tinuro si Prinsipe Adan.
"Buwaya ka pala Adan Ha-Ha" naluluha sa tuwa si Prinsipe Devo.
"Itong babaeng ito, hinawakan ang aking leeg."parang batang reklamo ni Prinsipe Adan.
"Alangan namang lunurin ko ang aking sarili sa tubig BLE" pangising dinilaan ni Lampara si Adan.
"Halina kayo" patahimik na sabi ni Prinsipe Devo.
Hinawakan naman ni Bituin si Lamapara at binulungang dito sa Nobel, ang mga babaeng may gusto sa lalake ang maaaring humahawak sa kamay, leeg at mukha nila. ganoon din ang lalake sa mga babae.
"Teka, wala akong gusto sayo Prinsipe Adan." Sinungitan niya ito ng kaunti.
"Alam mo ba ang parusa sa mga taong hahawak sa aken?"banta ni Prinsipe Adan
"Tama na iyan, wala siyang alam Adan." sambit ni Prinsipe Devo, nagpatuloy sa paglalakad.
"Tuyo ang lupa ditong banda."
Tinapakan ito ni Lampara, nahulog sa malalim na lupa. Sumunod kaagad si Devo at Adan.
"Dito lang tayo Bituin, may tiwala ako kay Devo."kampanteng sabi ni Leon habang hinihila si Bituin.
"Pero baka saan mapunta itong si Lampara, alam mo namang napakamausisa niya"-Bituin
"Hintayin natin sila dito"-Leon
Sa malalim na lupa, may nakita silang ahas na sinisipsip ang sustansiya ng lupa. Mala-anino ang hitsura, alagad ng demonyo. Naamoy nito ang kanilang presensya.
"Takbo Maninilip!"-Prinsipe Adan
Naging higante ang ahas at hindi ito daling matamaan ng espadang Nirvana ni Devo. Naiwan naman ni Adan ang kaniyang sandata. Inatake sila ng ahas. Hindi mapakali si Lampara at naalala ang nangyari dati sa kapatid niyang si Dawani, nalaman niya itong noong hinawakan ang punuang nakasaksi sa nangyari dati na pinatay ang kapatid niyang si Magayon ng demonyong nakamaskara. Siya'y nagalit at nagliwanag ang madilim na paligid. (Insert ** Mutual Vigilance performed by***** Arranged by: winky* from TaiGekTou )
Inatake ng liwanag ang ahas, naglaho.
"Isa lang ba talaga siyang Prinsesa ng Adalia?"nag-uutal na sabi ni Prinsipe Adan
"Siya'y mandirigmang kahit demonyo ay kinakalaban"tugon ni Prinsipe Devo habang nakangiting pinagmamasdan si Lampara.
"Papatayin ko kayong lahat!" nawala ang liwanag sa kaniyang mga mata at nahimatay si Lampara.
"Tao ba si Maninilip Devo?" Tanong ulit ni Prinsipe Adan
"Oo, isang taong may kakaibang kapangyarihan."Sagot ni Prinsipe Devo.
Naisipan ni Devong tulungan si Lampara upang gamitin ang kapangyarihan nito. Katulad ito ng sa kaniyang apoy na kapangyarihan. Minsan, nagkakaroon ng bangungot si Devo na marami siyang nasunog at pinatay na tao, ayaw niyang magkatotoo ito. Ayaw niyang maging mahina ang mga kaibigan at taong mahal niya kaya gagawin niya ang lahat para maging mahusay na mandirigma si Lampara.
Kinarga ni Devo ang natutulog na si Lampara sa likod nito. Nabahala si Adan dahil yumakap ito kay Devo.
"Nakalimutan mo bang pinagkasundo ka na sa kaharian ng Trueblood na pakasalan ang kanilang Prinsesa?" Seryosong sambit ni Prinsipe Adan kay Prinsipe Devo.
Matagal na pinagkasundo si Prinsipe Devo na ipakasal kay Prinsesa Rosa pero hindi niya ito iniibig dahil sa magkasalungat nilang ugali. Lagi silang naghahanap ng paraan para hindi magkita. Strikta at malupit si Symera na may pagtingin sa nakatatanda niyang kapatid na si Adan. Hindi pa nag-aaway ang Nobel Empire at Trueblood Empire . Laging soot-soot ni Prinsisa Gamba ang kaniyang kumikinang at mamahaling kasootan. Magkaibigan sila ng palakaibigang si Prinsipe Adan samantalang kalaban naman ng strikto at mabangis si Prinsipe Devo.
"Nakalimutan mo bang hindi ko iniibig ang Prinsesa Rosa?"
Anino'y maglalaho
hindi man maliwanag
ngunit makikita ang kapangyarihan
unang paglabas ng tunay na siya