Normal lang naman siguro iyong naging paglalakad namin ni Gian pabalik sa cabin. Wala naman sigurong nakahalata na sobra kaming nagmamadali, well, ako lang talaga iyong sobrang nagmadaling maglakad. And siguradong iisipin ng mga bodyguard na magbabanlaw na kami para makapagpalit ng damit. Kinakausap pa sila ni Gian bago pumasok at nagbilin pa s'yang mag-order na rin ng kanilang pagkain. Nasa ilalim na ako ng shower. Hindi pa rin ako nagtatanggal ng bikini. Nakapikit lang ako habang hinahayaang maglandas ang malamig na tubig sa aking katawan. Saglit ko lang din namang nararamdaman ang lamig niyon. Mas nangingibabaw ang init ng katawan ko na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin, ayaw patupok sa tubig na nanggangaling sa shower. Nagmulat ako ng mga mata. Baka naman ay para warm wate

