"Ayaw mo talagang maligo?" Ngiting-ngiting sinulyapan ko si Gian. Simangot na simangot s'ya habang nakatingin sa akin. Sayang tuloy iyong pagka-hot n'ya! I'm wearing a white bikini. Two piece iyon at mukhang iyon ang ipinagpuputok ng butsi n'ya kahit na hindi naman s'ya nagreklamo nang isuot ko iyon. Puting hawaiian polo ang suot ni Gian na bahagyang nakabukas pa ang ilang butones at hinahangin. May mga dilaw na dahon ang polo na nagsisilbing disenyo niyon. Puti rin ang beach short na suot n'ya. He's wearing sunglasses at nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin at nakapamulsa. Umirap ako at kaagad na lumapit sa kanya at hinila ang kanyang kamay. "Let's swim!" masayang yaya ko sabay turo sa malawak na dagat. Ako nga lang ang hinila n'ya palapit sa kanya at niyakap. "Mamaya n

