The temperature inside the car is a mix of cold and warmth. Sumasabay pa ang mabango at preskong amoy ng mint na sobrang sarap sa ilong. The music that was playing from the stereo is also perfect. Napakakomportable ng pakiramdam. Pakiramdam ko ay sobrang perpekto ng araw na ito dahil maging iyong panahon sa labas ng sasakyan, iyong aliwalas ng kalangitan kahit na tinted pa itong sasakyan, at maging iyong mabagal na daloy ng mga sasakyang kasabayan ng kotse ni Gian— lahat ng mga iyon ay perpekto. Na para bang isang putahe na kompleto ang lahok at tamang-tama lang ang lasa niyon, hindi somobra sa asim, alat o tamis. Mas lalo kong naramdaman iyong kakaibang kaligayahan nang mapagawi ang mga mata ko sa lalaking nasa likod ng manibela at kasalukuyang nagmamaniobra ng sasakyan. He's wearing

