"So... kaya ka ba busy nitong mga nakaraang araw ay abala ka sa pagtapos sa mga papel na ito?" Napatingin ako kay Letti. Narito kami sa veranda ng mansyon at siguradong problemado ang isang ito dahil napapadalas talaga ang pagbisita n'ya sa akin dito. Sinulyapan ko muna ang mga nakatambak na mga papel sa mahabang lamesa. Ginawa ko nang working place ang bahaging ito ng veranda dahil maganda talagang magtrabaho rito. "Kailangan ko silang matapos ng tatlong araw," tugon ko. "Na-sort ko na rin naman ang mga iyan kaya kayang-kaya kong tapusin kahit hanggang bukas. Well, iyon talaga ang plano ko. Tatapusin ko ang mga 'yan hanggang bukas para naman sa isang araw ay makakapagpahinga pa ako. May time pa ako para makipag-date kay Gian!" Ngumisi pa ako. Napahagalpak ako ng tawa nang masamid an

