Mag-a-alas diez na nang makarating kami sa Pub 99 at literal na puno na ng mga tao ang bar. I'm wearing a ripped jeans and white crop top. May suot din akong hoodie jacket para kahit paano ay hindi ako makilala ng mga tao. Pareho lang kami ni Reymond na nakasuot din ng facemask. Naka-rayban pa nga s'ya para mas lalong hindi makilala ng mga tao. "Mabuti nakarating kayo kaagad!" salubong sa amin nina Chris pagka-akyat pa lang namin sa ikalawang palapag. "Sa third floor tayo, may private rooms sila roon!" Nakangiting tumango lang ako habang nagmamasid sa malaking ipinagbago ng bar. Mas lumaki at lumuwag kumpara noong college years namin. Dumiretso kami sa ikatlong palapag at ilang private room ang nandoon. Hindi ko nga lang sigurado kung matatawag na private iyon dahil sa gitna at may d

