Hindi namin magagamit papuntang Minadanao ang chopper ni Ric at kahit na iyong kay Chris. Nagkaroon ng problema sa Davao at walang puwedeng lapagan dahil nga sa nangyari sa planta ng mga Montemayor. Pansamantalang isinara ang mga paliparan dahil nag-alala ang mga pulis doon na mga tèrorista anv may gawa ng pagsabog ng planta nina Gian. Hindi lang naman kasi isang planta ang sumabog. Tatlo ang planta ng mga Montemayor sa Mindanao at lahat ng iyon ay sumabog. Kaya mas lalo akong natatakot. Hindi ko alam kung bakit parang habang lumilipas ang mga sandali, tinatanggalan ako ng pag-asa. "Magla-land na tayo!" the pilot informed us. Naramdaman ko kaagad ang pagpisil ni Gabriella sa kamay ko. Ginamit pa rin namin ang chopper para pumunta sa Pampanga. Iyong private plane nina Macky ang gagami

