CHAS- Chapter 80

2213 Words

May tatlong palapag na bahay ang mga Montemayor dito at hindi iyon ganoon kalayo mula sa planta kaya rito na rin lang kami tumuloy kaysa mag-check in pa sa hotel. Nasa verandah ako ng bahay, alas siyete na yata ng gabi at kanina pa ako rito. Pagkatapos ng dinner na hindi ko rin naman napagtuunan ng pansin ay dito na ako tumambay. Hinihintay ko si Gian. Nasa planta pa rin s'ya hanggang sa mga oras na ito para i-supervise ang damage ng mga planta. Kasama n'ya roon sina Ric at Macky. Dumating na rin sina Tita Monica at pareho silang nandoon ni Tito Rystoff para masigurong maayos na ang lahat. Malaki ang pinsalang nangyari sa mga planta at mukhang mahihirapan ang mga Montemayor na itayo muli ang mga iyon. Malaking pera rin ang nawala, nasayang ang mga perang ini-invest doon dahil para na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD