Gian's Pov: "Oh my God! Really? Kailan? Paano at saan?" Kaagad na hinawi ni Gabriella si Ric at excited na lumapit sa akin. Natawa na lang ako nang tingnan ako nang masama ng kaibigan. He look pissed. "So, anong plano?" segunda rin ni Letticia. Kanina lang ay ginagawa na n'yang tubig iyong beer pero ngayon ay nakatutok na sa akin ang atensyon nilang lahat. "Wait... kailan ba ang balik ni Sabina? Saka... is this a surprise proposal?" si Chris. "Are you bobo? Of course, surprise 'to!" Pinandilatan ni Letticia ang kaibigan. Hindi ko pa man nasisimulang ibahagi sa kanila ang plano ko ay nagsimula na silang magtalo-talo. Kanya-kanyang usap ang mga kaibigan ni Sabina. Magkausap na rin ang dalawang babae at sa kanilang lahat, silang dalawa lang ang may matinong suhestiyon sa kung anumang pi

