"Didiretso pala tayo sa Tagaytay?" Nilingon ko si Kian. Kabababa lang ng eroplano sa paliparan ng NAIA at naghihintay na lang kami. "Sofia asked me to meet her there," tugon ko at sumandal sa upuan. "Ito lang ang available sa schedule n'ya kaya roon talaga tayo didiretso." "Grabe naman! Almost twenty hours tayong nagbiyahe tapos didiretso pa tayo sa Tagaytay? Hindi ba puwedeng dito na lang sa Maynila? Ano ba ang mayroon doon bukod sa natatanaw ang Taal?" reklamo n'ya. I almost heard his groan. "Hayaan mo na. Mas mabuti iyon dahil pagkatapos kong makipag-usap sa kanya, marami pa tayong aasikasuhin. May training pa ako, hindi pa yata iyon matatapos and I need to meet the board." "What? Hindi mo nasabi sa akin ang plano mong 'yan." Nakangiting bumaling ako sa kanya. "Leaving the modell

