"Sabina!" Napapitlag ako nang bigla na lang lumitaw sa harapan ko si Sofia. Her eyes were misty just like Kian. I hugged her. "Oy, mabuti at nakita na kita. Okay na ba ang meeting mo? Can we talk about my contract with your company?" Tinawanan lang n'ya ako. Isang tangkay ng bulaklak din ang ibinigay n'ya sa akin. Mas mahaba iyon at madaming nakasabit na kulay rosas na bulaklak sa tangkay. Hindi ako sigurado sa bulaklak but Blue Bells, perhaps? "Go on," aniya at gamit ang kamay ay iginiya n'ya ako sa sumunod na arko. Hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyayari kaya dumiretso lang ako. Natatawang sumalubong sa akin si Chris. He handed me another flower— a pink Hyacinth. "Welcome home." Hinila n'ya ako at niyakap nang mahigpit. "Thank you," naiiyak na sabi ko at niyakap din ang kaibi

