CHAS- Chapter 100

2003 Words

"Patingnan! Ang ganda kanina kahit sa malayo lang!" Dinumog ako nina Gab at Letti. Nasa kama na kaming tatlo at kanina pa nila ako hinihintay para rito. Pinatapos lang talaga nila akong maglinis ng katawan. Malalim na ang gabi, pasado alas onse na nga yata at ilang oras na ang nakakalipas mula nang opisyal na mag-propose sa akin si Gian. Sa harap ng iilan ngunit mga importanteng tao sa buhay ko. Intimate, magical and romantic proposal. Ano pa bang hihilingin ko? Wala na, sobra-sobra pa sa inaasahan ko ang ipinaranas n'ya sa akin kanina. At hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing ito. "Wow! Ang ganda! Diamond nga!" bulalas ni Letticia habang sinusundot iyong diyamante sa singsing ko. "Kagatin mo nga Letti," ani Gabriella sabay hagalpak ng tawa. Mas nagkagulo ang dalawa at halos pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD