Tulala ako pagkatapos sabihin ni Matthew ang lahat ng nangyari— mula sa totoong hinala nila, sa plano nila to capture Lohan Shiligan through the wedding at sa mismong nangyari sa araw ng kasal. "I'm sorry, Sabina. Gusto kong sabihing we did our best... ngunit hindi ko masasabing iyon ang nangyari dahil nabaril pa rin si Gian at may ilan pang tinamaan... including Letti and Conrad's wife..." Kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Nasabi na n'ya sa akin ang lahat ngunit ngayon lang n'ya nabanggit na maging si Letti ay natamaan din. "How's L-Letti?" Nanginig ang boses ko. "Natamaan s'ya sa likod..." Mariing pumikit si Matthew. He glanced at Macky. "She's still in the operating room." Naikuyom ko ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung ano pa ba ang malalaman ko dahil pakiramdam ko ay kaunti na

