Katulad ng mga nakaraang araw, lumipas lang din ang araw na iyon. Isang araw pa kaming nanatili sa Mindanao dahil sa mga kailangang ayusin ni Gian. Pagkatapos niyon ay saka kami bumalik sa Maynila. Sabay-sabay na kami at iyong private plane rin nila Macky ang sinakyan namin pabalik. Pagkarating ng Maynila ay kaagad na nakipag-usap si Gian sa mga pulis na humahawak sa kaso. Nagpaiwan din kasi si Investigator Lucas sa Mindanao para personal na tugisin iyong dalawang bombèr na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita. The atmosphere became normal, sa kompanya man ng mga Ricaforte o sa kompanya ng mga Montemayor. Bukod sa ilang araw na laman ng mga balita ang nangyari sa mga planta ng mga Montemayor, wala namang masyadong epekto iyon lalo na at personal business iyon ng pamilya nin

