Everyone became so busy. Halos patapos na ang tag-ulan. May mga nagbabantang low pressure na papasok sa bansa bago matapos ang taon ngunit hindi na ganoon kadalas ang pagdating ng mga bagyo. Hindi na rin madalas ang pag-ulan. Mas nararamdaman na ang pag-ihip ng hanging amihan. Mas lumalamig na ang panahon at ramdam na rin ang parating na kapaskuhan. "Grabe ang bilis ng panahon! Mamaya lang ay mangangaroling na ako!" bulalas ni Chris habang nakatanaw sa mga batang kanina lang ay binigyan n'ya ng pagkain dahil kinantahan s'ya niyon ng christmas song. Nandito kami sa shop ng isang kilalang Filipino designer sa Taguig. Fitting na ng mga gowns and suits ng mga kasali sa entourage at ngayon din ang fitting ng isusuot kong wedding gown. Kaninang umaga ang schedule ng mga pinsan namin ni Gi

