ghost of the past

2696 Words
sa iisang kwarto lamang kami natulog ni Liam, pero wala kaming ginawa aahhh, wag mapagbintang charrr, natulog kami ng magkayakap, ang sarap sa feeling ng kayakap ko lang sya, at magising na kasama siya, napangiti pa ako habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog, napaka payapa niyang pagmasdan, maaga akong nagising para mag prepare ng breakfast, dahan dahan naman akong bumangon upang hindi ko siya magising at tahimik na lumabas, gumawa naman ako ng sandwich at nag timpla ng coffee, nang lumabas naman siya ng room ay naka formal wear na sya, ngumiti naman ako sa kanya, 'gudmorning." masayang bati ko sa kanya, yumakap naman sya sakin at humalik sa pisngi ko, 'gudmorning babe bulong niya, sarap sa pandinig, 'aalis ako ng maaga para matapos ko lahat ng work ko ngayon, mamamasyal tayo bukas ok." anito na may ngiti sa labi, tumango naman ako habang nakayakap sa kanya, 'wag ka masyadong magpapagod ok." Saad ko, ngumiti naman sya at humalik sa noo ko, sabay kaming napabaling sa pinto ng may kumatok, si liam na ang nag bukas at pumasok ang 3 lalaki nakaitim na suit, 'sir, ready na po lahat." ani naman ng isang lalaki, pinakilala naman ito ni Liam, siya pala ang assistant ni liam, 'ok good!! Maawtoridad na saad ni liam, at lumapit muli sa akin at hinapit ako, 'sila pala ang magbabantay sayo dito, pagtukoy niya sa dalawang lalaki, napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya, 'bakit kailangan ko pa ng bantay." takang saad ko naman sa kanya, ngumiti lang ito at parang expected nya ang reaction ko, 'wag kang mag alala, gusto ko lang naman kasi masiguro na safe ka, saad nya at yumakap pa sa akin na naglalambing, tinitigan ko naman sya na may pagka inis, bumuntong hininga nalang ako sa kanya, 'ano pa ba magagawa ko, saad ko naman, ngumiti naman sya at nag umpisa na kaming kumain, lumabas naman yung 3 lalaki, mukhang maghapon sila sa labas ng pinto magsstay, 'ang sarap talaga ng coffee na gawa mo." saad niya, nginusuan ko naman sya, 'sus binobola mu lang ako, naalala ko pa nga noong una kitang ipagtimpla wala ka manlang sinabi." pagpapaalala ko sa kanya, ngumiti naman siya, 'mismo, kaya wala akong sinabi dahil masarap." pangangatwiran nito, pinanliitan ko naman siya ng mata, 'mr. Liam Han, napapansin kong gumagaling ka talaga sa pag gawa ng palusot." Napatawa naman sya sa sinabi ko. 'Hindi ahh, Masarap talaga, and nag promise ako sayo na hindi na ako mag sisinungaling, totoo yun, thank you babe." ani nito habang nakangiting pilyo, Napangiti na rin ako paano ba naman napakagwapo ng lalaking ito kapag ngumiti, mapapangiti ka rin ganun kalakas ang karisma nya, humalik sya saakin bago nagpaalam na aalis, Naiwan naman akong mag isa dito sa villa, sa sobrang inip ko nilinis ko ang buong bahay, napansin ko naman na malinis ang lahat, pumunta naman ako sa garden at inenjoy ang view kahit napakalamig, nang magsawa ako saka ako pumasok, kinuha ko naman ang phone ko at nag social media, nakita ko mga post ng mga friends ko, ng may pumasok na message galing kay laurence, inopen ko ang message Laurence: hello kate! Are you ok? Kasi pumunta ako kina liam at nalaman ko na nagkaemergency ka, are you fine? saad nito sa message niya, 'Uo, nga pala sa sobrang saya ko na andyan si liam, nakalimutan ko na sir laurence, naku anung gagawin ko? Ito ba yung sinasabing ganda problem, pano ito, dapat ko ba syang replayan or hindi, Rereplayan ko nalng siguro Me: sir laurence, ok lang po ako, nagkaroon lang ng maliit na problem pero ok na din po, salamat po sa pag aalala. then send.. Napabuntong hininga naman ako sa sobrang inip, nahiga ako sa kama hanggang hindi ko namalayang nakatulog na ako. Liam's POV Katatapos lang ng dalawang meeting ko, may isa pa akong meeting pero ito ang isa sa mga kumplikado, dahil mga mafia ang kakausapin ko, kapag hindi kami nagkasundo maaring mauwi sa madugong usapan, dapat akong mag ingat, nang makarating kami sa building. dalawa lang kami ng assistant ko, sinalubong kami ng maraming mga lalaki na naka blacksuit, sa palagay ko ito na ang mga tauhan ni mr shirizawa, humilera naman sila at pinadaan kami, nakita ko naman na nag aantay ang assistant nya saamin, yumuko ito bilang pag bibigay galang, ganun din kami at hinatid kami sa loob kung saan naroroon si mr shirizawa, pagdating namin sa pinto, kumatok ito at pinagbuksan kami ng pinto, ng makapasok kami napansin ko ang apat na kalalakihan na kasama si mr. Shirizawa, nakita ko naman na may binulong si mr. Shirizawa sa lalaking nakatayo sa likod nya, 'Welcome."mr liam han, ani ng lalaki, you may sit dugtong pa nito, translator pala ito ni mr. Shirizawa, kumportable naman akong naupo, 'Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, gusto kong paalisin mo ang mga tauhan mo sa hotel ko, at wag nyong guluhin ang mga empleyado ko, diretsong saad ko, bumulong naman ang translator kay mr. Shirizawa at ngumisi, bumaling ito sa akin at nagsalita ito sa lengwahe nila, nagsalita naman ang translator nya sa akin, 'gusto ni mr. Shirizawa na ibenta mo ang hotel sa kanya." saad nito, Ako naman ang napangisi sa kanya, 'dont make me laugh mr shirizawa, I dont sell my hotel, so, tell your f*****g mens to leaved my hotel or otherwise, I will do it in my own way, madiin kong saad, bumulong ulit ang lalaki sa kanya at tumawa ito ng pagak, maging ang mga lalaki na kasama nito ay nakitawa, sa palagay ko matataas ang posisyon ng mga ito sa grupo nila, pero hindi ako nagpapasindak, aabot ba ako sa posisyon ko ngayon kung madali lang akong masindak, natahimik sila ng makitawa ako sa kanila, pagpapakita ko sa kanila na hindi nila ako kaya, nginisihan ko naman sila, 'ang alam ko mr. Liam han, you are part of a popular group called the empire, so, you're one of they so called the kings." saad ng transtalor sa sinabi ni mr. Shirizawa, nabigla naman ako sa sinabi niya, 'sabi nila magagaling kayo, prodigy kung baga, curious talaga ako sa kaya nyong gawin." dugtong pa ng translator, at tinignan ko sya ng masama, nagtataka ako kung saan nya nakuha ang impormasyon na yun dahil tinago namin ang impormation namin, ang alam lang ng lahat may grupong the empire na nageexist, pero walang kahit na sino nakakakilala sa amin ng personal, para sa kanila isa kaming multo o gawa gawa lang, sinenyasan ko ang assistant ko para tawagan si zack, dinial nya ang phone at binigay sakin, 'ano bro?." Anito sa kabilang linya, ng hindi ako umimik naintindihan na nya ang ibig kong sabihin, 'Ganun ba bro, sige kikilos na ako." saad nito, nakinig lang ako at hindi nagsalita saka binaba ang phone, nagsalita naman ang translator ni mr. Shirizawa, hindi mo kilala kung sino kinakalaban mo, mr Liam Han." Pagbabanta nito, natawa naman ako, 'I think mr. Shirizawa, you have to tell it to yourself." napansin ko na nagring ang phone ng isa mga lalaki, naalarma ito ng sagutin nito ang tawag, at may sinabi kay mr. Shirizawa sa lingwaheng hapon, tinitigan ako nito ng masama, ngumisi naman ako sa kanila at nag salin ng vodka sa baso ko, 'I warn you mr. Shirizawa, saad ko pa, nagngingitngit na ito sa galit pati ang mga kasama nya, nasayahan talaga akong asarin sila, 'you know what, kung kinausap mo ko ng maayos na gusto mong bilhin ang hotel, I can negotiate, this hotel is just a small part of my wealth, pero masyado kang mayabang, minaliit mo ako at pinapunta mo ang mga tauhan sa hotel ko at nanggulo, because you wanna know what i can do, because I'm part of the empire, and yes, I am one of the kings, and you know you should be happy, because you meet us, but the bad thing is we meet as enemies, and you disrespect me." diretsong saad ko saka tumuon sa kanya, 'at kapag hinayaan ko yun parang hinayaan kong tapakan mu ang ulo ko." ngumiti ako sa kanya habang tinititigan ko sya ng masama at ininom ang alak sa baso, sabay na sumugod ang dalawa sa kanila, kaya inihagis ko ang baso sa mukha ng isa, nabasag yun sa mukha nya kaya nakita ko dumugo ang mukha nya, at sinipa ang isa pa, bumulagta ito sa lakas ng sipa ko, sumugod naman ang dalawa na may hawak na patalim kaya kinuha ko ang patalim na dala ko, nakatago lang ito sa braso ko sa ilalim ng suit ko, umamba ng saksak ang isa kaya nagkaroon ako ng pagkakataon hilain sya, nawalan sya ng balanse sa paghatak ko, at madali ko syang sinaksak sa vital point nya, nagtalsikan naman ang dugo niya sa mukha ko, sumugod ng saksak ang isa pa mabilis ko yung iniwasan, hinawi ko ng mabilis ang kamay nya at mabilis kong hinawakan ang damit nya, sabay patama sa vital point nya, ng bitawan ko ito ay bumulagta ito sa sahig, napansin ko naman na bumangon muli ang isa pa sa kanila, pero natakot na ito dahil 3 sa kasama nya ay kasalukuyan ng nakabulagta, malalakas sila pero mas malakas at mabilis ako, hindi makapaniwala si mr. Shirizawa at di na nakakilos, napalunok ito ng papalapit na ako sa kanya, nag sasalita ito ng hapon kaya tinignan ko ang translator na nanginginig sa takot, at sinenyasan ko sya na magtranslate, tumango naman ito habang nagnginginig pa din, 'sino kaba." saad nito, 'umupo akong muli, pero sa pag kakataong ito sa tabi na ni mr. Shirizawa, nag salin ako ng vodka at tinitigan sya sa mga mata, 'diba ikaw na ang nagsabi, I'm one of they called kings, nakangising saad ko, saka pinahid ang dugo na nasa kamay ko gamit ang damit ni Shirizawa na nangingig pa din, biglang naman bumukas ang pinto at pumasok si shaun na bit bit ang isa sa mga tauhan nito na walang malay, 'ano bro." anito na patawa tawa pa, 'my god, its really disgusting." saad nito habang nandidiring pinupunasan ang kamay dahil sa dugo, 'kaya ayoko ng ganitong trabaho ang binibigay sakin." pagrereklamo nito, natawa naman ako, 'mag reklamo ka kay laurence." saad ko pa, 'no way, mahal ko pa buhay ko." natatawang saad niya, umupo naman ito at nag salin ng vodka, tumuon naman ako kay shirizawa, 'sabi mo gusto mong malaman ang kaya ng the empire, nakangisi kong sabi, mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya, 'ito na, nasa harapan mo na ang ibedensya ng kaya naming gawin." nakangising saad ko sa kanya, 'pasensya na hindi ako nag iisip sana patawarin niyo ako." pagmamakaawa nito, natawa naman si shaun sa narinig, tinitigan ko naman sya ng matalim, 'sino nag bigay sayo ng impormasyon ko." Madiin kong tanong hindi ito nagsasalita kaya medyo napikon ako, sinaksak ko sya sa binti ng kutsilyo, napasigaw naman sya, inulit ko naman ang tanong, sino ang nagbigay sayo ng impormasyon ko." sigaw ko 'Hindi ko sya kilala, basta nilapitan nya lang ako at binigay ang folder, laman ang profile tungkol sayo." takot nitong saad 'magagamit ko daw yun para makuha ang hotel." saad pa nito. Nagtinginan naman kami ni shaun dahil napaka imposible, walang nakakakilala sa amin, sinira namin lahat ng impormation na tungkol sa amin, sobra akong nahihiwagaan sa sinabi nito, hinayaan na namin si mr. shirizawa, nangako naman ito na mananahimik at di na manggugulo pa, at di na nya magagawa yun dahil malaki ang nalagas sa mga tauhan nya. Kasalukuyan naman kami ngaun sa isang bar, kasama sina shaun, zack at kenzo, pinag usapan namin ang mga nangyari, parepareho kami naalarma sa nangyari kanina, nag imbestiga na si yuan kung meron ba kaming kalaban na di nalalaman, napa tingin ako sa relo ko at 12 am na, hindi kasi ako basta pwedeng umalis, mahahalata ako ng mga mokong na ito, di nila pwedeng malaman na kasama ko si Kate dito sa japan, 'bro, mauna na ako sa inyo." pagpapaalam ko sa kanila, nagtinginan naman sila sa akin, napakunot naman ako ng noo, 'bro, may tinatago kaba." Natatawang saad ni shaun, 'shut up bro, wala akong tinatago." pagsisinungaling ko, 'kung ganon, bakit nag extend kapa ng ilang days dito, and usually sa mga bar na tayo nagpapalipas ng gabi kasama ng mga chicks, pero ngayon babalik ka sa villa mo, Anung meron bro." saad naman ni kenzo na natatawa pa, 'sabihin mo, may tinatago ka tama." Saad naman ni zack, napangisi naman ako, wala akong maisagot kilalang kilala ako ng mga ito, umiwas na ako kaagad baka mabuko pa nila na kasama ko si kate, bumuntong hininga ako sa harap nila at nag panggap na pagod para lubayan nila ako, 'sige na, mga bro alis na ako sabay sibad ng walang tingin tingin, pagbalik ko sa villa, nadatnan ko si Kaye na natutulog sa couch, siguro inantay nya ako, nilapitan ko ito at tinitigan, ang ganda talaga nya at payapang natutulog, bahagya syang nagising at ng makita nya ako, agad itong bumangon kahit halatang inaantok pa, lihim akong natatawa sa kanya, ang cute nya kasing pagmasdan habang kinukuskos ang kamay sa mga mata, 'kanina ka paba." agad na tanong nya. Umiling naman ako, 'kakarating ko palang, kanina ka paba dito, dapat sa kama kana nahiga." saad ko Ngumiti naman sya at nagpout na parang bata, kasi naman naiinip ako kaya talagang inantay kita." nagmamaktol nitong saad. Napangiti naman ako, bahagya ko pang pinisil ang tungki ng ilong nito, hindi ako sanay ng may nagiintay sa pag uwi ko, ganito pala kapag may nagaantay sayo at nag aalala sayo, and I feel home. 'Pasensya na ginabi na ako, madami lang akong tinapos." paghingi ko ng dispensa dito. 'Kumain kanaba." may pagaalalang tanong nya. Tumango naman ako at agad ko itong binuhat papunta sa kwarto, yumakap naman sya saakin, at buong pagiingat ko sya nilapag sa kama, hinalikan ko sya sa noo, ngumiti naman sya pabalik, sobra akong sumasaya sa twing nakikita ko syang nakangiti, 'Matulog kana babe, magshoshower lang ako ok." saad ko, tumango naman ito bilang tugon. Habang nagbababad naalala ko ang ginawa ko, at may mga bagay sa nakaraan na bumalik sa aking alaala, mga bagay na wari bangungot sa buhay ko, hanggang ngayon malinaw pa sa aking isipan ang lahat, hindi ko maiwasan makaramdam ng matinding emosyon sa tuwing naaalala ko ang nakaraan, parang gusto kong magwala at magalit sa mundo, ngunit pilit kong kinakalma ang sarili ko, hanggang sa unti unting gumaan ang pakiramdam ko, sa pag labas ko nakita ko si kate na payapang natutulog, napangiti naman ako, tila ba lahat ng mga pagkabalisa ko ay nawalang lahat ng masilayan ko siya, niyakap ko sya, napaka sarap talaga nyang yakapin, napaka bango nya at ang lambot ng katawan na parang unan, ang nakakatawa payat siya, ilang sandali lang ay nakatulog na agad ako. Nakita ko ang sarili ko sa isang lugar na pamilyar sa akin, hindi ako pwedeng magakamali, nasa ware house ako kung saan naganap ang lahat, ng mapagtanto ko kung nasaan ako, agad na hinanap ko sila laurence, pero wala sila, may nakita naman akong babae, hindi ko maaninag ang mukha niya, papalapit na ako sa kanya ng biglang may bumaril sa kanya, ng masaksihan yun tila huminto ang lahat sa mundo ko, nanikip ang dibdib ko at nagsisisigaw, 'liam, liam liam." pagtawag sa akin ng isang boses, at nagising ako mula sa bangungot, halos habol ko ang hininga ko at tumatagaktak ang pawis ng magising ako, may maramdaman akong mga kamay na yumakap sa akin, at nakita ko ang nagaalalang mukha ni kate, 'ayos ka lang ba." nagaalalang tanong niya, tumango naman ako kahit habol ko parin ang hininga ko, niyakap nya akong muli, ngunit sa pagkakataong ito isinandal nya ang ulo ko sa dibdib nya, dinig na dinig ko ang pag pintig ng puso nya, 'Ayos lang, panaginip lang yan, magiging maayos din ang lahat nandito ako." malambing nyang sabi, sobrang nagpagaan niya ang loob ko, for the first time, naramdaman kong hindi ako nag iisa, pakiramdam ko basta nandyan siya magiging ayos lang ang lahat, nang kumalma ako, di ko namalayan na nakatulog na akong muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD