childhood

3476 Words
Kate's POV Naalimpungatan ako ng marinig ko si liam, 'laurence." pagtawag nito, nagtaka naman ako kung bakit nya hinahanap si sir laurence, bumangon naman ako upang tignan sya, nakita kong nanaginip sya, bahagyaa ko syang tinapik pero di sya nagising, 'waagg." sigaw nito na nagpagulat sa akin, pinilit ko na syang gisingin at laking pasasalamat ko ng magising sya, hingal na hingal sya at pawis na pawis, agad ko siyang niyakap sa sobrang pagaalala, 'ayos ka lang ba." alalang tanong ko, tumango naman sya, sobrang akong nakahinga ng maluwag ng makitang ayos lang ito, niyakap ko sya sa dibdib ko na parang batang pinapatahan, ganon kasi ang ginagawa ko sa twing umiiyak ang mga kapatid ko, ng makatulog syang muli, napalagay na ako dahil payapa syang natutulog, iniayos ko siya ng higa at kumuha ng pamalit nya, basang basa na kasi pawis ang damit nya, pagkatapos ko siyang palitan ng damit, humiga na ako sa tabi nya, 'siguro sobrang pagod kaya sya binabangungot." mahinang bulong ng ko, papaano kasi napaka hard working niya. Kinabukasan maaga akong bumangon para mag prepare ng breakfast, nag fried egg lang ako at bacon, tapos nag prepare na rin ako ng coffee, nang matapos ako sa pagpprepare ng hapag, sakto naman ang pag labas ni liam mula sa kwarto, nakangiti ito habang papalapit saakin, 'gudmorning babe, sabay halik sakin, napangiti naman ako sa kanya, 'gudmorning." ganting bati ko, nagumpisa na kaming kumain, inabot ko ang water ko at uminom, inilapag ko yun at inabot ko ang phone ko para tignan kung may nag message, pero napansin ko na inilipat ni liam ang baso ko ng tubig, napataas naman ang kilay ko sa pagtataka, tinignan nya naman ako at ngumiti, 'napansin ko kasi na ugali mong uminom bago kumain, tapos palagi mo iyon nilalagay sa right side mo, tapos kukunin mo yung phone mo at dun mo na sya matatabig, madalas dalawang beses mo na ginawa iyon, natatawang saad nya, napaawang naman ang labi ko sa sinabi nya, ibigsabihin inoobserbahan nya pala ako, ang nakaka bigla kalkulado niya ang kilos ko, medyo nahiya naman ako pero di ko pinahalata, kaya lang namula ang pisngi ko kahit pinipigilan ko, lalo tuloy itong natawa, 'kung sa bagay, ok lang naman sakin kahit ubusin mu lahat ng baso dito ka babasag, napasimangot tuloy ako sa kanya natawa naman siya at nilapit naman nya ang mukha nya sakin, sabay halik sa tungki ng ilong ko, agad naman akong kinilig at nawala rin agad ang inis ko, 'my god, kapag lagi nyang gagawin ito mapapaaga buhay ko sa sobrang kilig, mapapabalita nalang na may babaeng namatay sa sobrang kilig kaloka, nang makakain na kami, magkasama kaming nagligpit ng hapagkainan, pagkatapos ay umupo ako sa sofa at ini on ang tv, maya maya pa ay binalingan nya ako, tumayo ito sa harap ko na naka cross arms habang naka tuon sa akin, nagtaka naman ako, 'bakit, may problema ba." Tanong ko, Napakunot nuo naman sya, 'anu kaba, diba mamamasyal tayo ngayon, bakit nakaupo ka pa dyan, wag mo sabihing nakalimutan mo, minadali ko lahat ng trabaho ko para lang makapag date tayo, tapos kakalimutan mo lang." nagtatampong saad nito na nagbuga pa ng hangin sa harap ko, Nabigla naman ako ng maalala ko yun, 'uo nga pala, mahinang usal ko, 'sorry wag kana magalit, nawala lang talaga sa isip ko, para sa akin kasi basta nandyan ka okay na ako." pambobola ko pa dito para hindi na ito magalit, saka mabilis na yumakap sa kanya at nagmamadali akong magbihis at mag ayos ng sarili, excited ako dahil first time ko dito sa japan at may snow pa sa labas, habang nasa byahe, ang saya ko talaga, habang minasdan ang snow sa labas at magagandang establishments, nakaakbay naman si liam sa akin, nagtaka ako ng huminto ang sasakyan, naunang bumaba si liam at inalalayan nya naman ako bumaba, 'grabe ang gentleman." usal ng isip ko. nang tignan ko kung nasaan kami nasa subway station kami, naexcite tuloy ako lalo, grabe first time ko makakasakay ng subway, ng makarating kami sa destination namin, nakita ko ang maraming tao, napatingin naman ako sa kanya, ngumiti lang ito sa akin, nagtataka man ay nagpatianod nalang ako sa kanya, ng makita ko kung anong meron dun, bumilib agad ako sa mga nag iiceskating nakakaaliw silang panuorin, hindi kasi ako marunong mag ice skating, nanlaki ang mata ko ng makita kong may kinuha na syang pang ice skate, parang gusto kong tumakbo, 'naku di ako marunong nyan." pagtanggi ko sa gusto niya, ngunit ngumiti lamang ito sa akin, 'ok lang yan, nandito naman ako, confident niyang saad sabay kindat pa, 'Ayoko talaga liam." halos pabulyaw ko ng saad habang nakikipag hatakan ako sa kanya, hila hila niya kasi ang kamay ko, pero wala din akong nagawa ng pumasok kami sa rink, kahit nanginginig ang tuhod ko pinilit kong tumayo, nakahinga ako ng maayos ng hawakan ako ni liam, 'ok lang yan, tumingin ka lang saakin at try mo tumayo ng kumportable, turan niya. sinunod ko naman sinabi niya, at ginawa ko ang makakaya ko marelax lang ako, ng medyo relax na ako nagsimula na syang humakbang habang hawak ang mga kamay ko, nuong una talagang nanginginig ako, nang katagalan naeenjoy ko na, lalo na at si liam ang kasama ko, nagpaikot ikot kami sa tuwing muntik kaming matumba, hinahawakan nya ako kaya napapayakap naman ako sa kanya, masaya akong kahit natatakot ako pinilit niya akong gawin ito, ngayon ko naisip, sa tuwing kasama ko si Liam, ang normal kong buhay nagiging especial, at dahil iyon sa kanya, hindi kasi siya natatakot na sumubok ng mga bagay kahit pa wala itong kasiguraduhan, at least you tried kesa wala kang ginawa at sumuko nalang, nakaramdam na ako ng pagod dahil nakakangawit din pala mag ice skating, at nilalamig na din ako, 'gusto mu ba pahinga muna tayo baka pagod kana, ang lamig na din ng pisngi mo, natatawang saad niya, umiling naman ako, hindi pa naman ako masyadong pagod pero sige pahinga muna tayo, tugon ko naman sa kanya, ngumiti naman sya at muling hinawakan ang kamay ko at ipinasok sa bulsa niya, 'alam kong nilalamig kana, namumula na yang ilong mo." nakangiting saad niya, pakiramdam ko nagliliparan ang mga paro paro sa sikmura ko habang pinagmamasdan ang napakagandang ngiti niya, 'halika dun tayo sa may cafe, pagaaya nya, hawak kamay pa kaming pumunta sa cafe, ng may makita kaming table pinaupo nya ako bago pumunta sa counter para umorder, naririnig ko naman ang usapan ng mga babae sa kabilang table, hindi sila japanese at nag sasalita sila ng english, kahit pa masyado silang slang mag salita naiintindihan ko parin sila, 'Look, do you see him." saad nito habang may itinuturo, 'that guy is so handsome." ani ng isa pang babae na kasama nito, napatingin naman ako kung sino ang tinutukoy nila, at di nga ako nagkamali, dahil si liam ang pinaguusapan nila, 'come on girls, lets get his number." kinikilig na ani naman ng isa pa, 'watch me girls." confident na sabi naman ng isa pa, sabay tayo at lumakad papalapit kay liam, napasimangot naman ako habang kinikilig na nanunuod ang dalawa pa nyang kasama, 'naku ang sasarap pagbuhulin ng mga ito, kapag si liam talaga nakipag flirt sa mga yan, mata lang nya ang walang latay, subukan lang nya ngumiti sa lintang yan yari siya sa akin." nanggigigil na bulong ko sa sarili, nakita ko naman kung paano binunggo ng babae si liam, nagkunwaring itong nahulog ang phone nya, tinignan naman sya ni liam na kasalukuyang nakapila sa counter, 'aww omg, my phone." pagarte ng babae, pinulot naman ni liam ang phone at inabot sa kanya, pero hindi na sya pinansin pa ni liam, papunta na sana si liam sa counter para ibigay ang order ng pigilan sya nito, 'hey handsome, hope you dont mind, but i wanna get your number." saad nito, tinitigan naman sya ni liam na walang emosyon, 'I'm sorry but my number is on my girlfriend, thats why I cannot give it to you, malamig nitong saad sabay alis, napahiyang bumalik sa table nila ang babae, pagak akong tumawa sa loob loob ko, 'anu ka ngayon linta ka." bulong ng mahadera kong isip, nang makapagorder na ay bumalik na sa table namin si liam, abot tenga ang ngiti ko at napansin nya iyon, 'ang saya mu yata." Saad pa nya, napatingin naman ako sa gawi ng mga babae kanina na nakatingin na saamin, ngumiti naman ako at hinawakan ko sya sa pisngi at matamis na hinalikan, nakita ko ang pagkainis ng mga babae kanina, feeling ko nanalo ako sa olympics, napatawa naman si liam, 'why you're so weird, is it because of the snow." anito na natatawa, ngumiti naman ako, 'no its because I'm hungry." saad ko, sabay naman kami nagtawanan sa sinabi ko, hanggang dumating na order namin at nagsimula na kaming kumain. Nag pahinga lang kami tapos dinala naman nya ako sa tuktok ng mountain, 'my god si liam, kung anu anu naiisip, kanina ice skate, ngayon naman skiing ang gusto, kinakabahan na ako ngayon palang sa susunod nyang pagdadalhan sa akin, sana mali ang naiisip ko ayoko pa naman ng mountain climbing, kasalukuyan kaming nakasakay sa line car, yung nakasabit na parang elevator, ang ganda ng view, sobrang nakakaenjoy talaga, yun nga lang sa sobrang lamig kahit may gloves na ako nilalamig parin ang kamay ko, hinawakan naman ni liam ang kamay ko at pinasok sa bulsa ng jacket nya napansin nya siguro na giniginaw pa din ako, bumaba na kami at nag simula na kaming mag skiing, tinuruan muna ako ni liam, pero hindi talaga nag sisink in sa utak ko ang tinuturo nya, kaya ang resulta ilang beses akong nagpagulong gulong sa snow, pag tinitignan ko sya Pinipigilan lang nya ang hindi matawa, pinaningkitan ko naman siya, 'nakakainis nageenjoy kaba na nagpapagulong gulong ako dito." di ko napigilang bulyaw ko sa kanya, nagulat sya pero natawa rin, yung pinipigil nyang tawa kanina lumabas na, 'kakaasar ka." singhal ko pa, yumakap naman sya sa akin, 'sorry na babe, ang cute lang kasi ng reaksyon mo, lalo na kapag naiinis ka." anito, 'ahhh, ganun pala." gumawa ako ng bilog gamit ang snow at binato ko sa kanya, at pagak akong tumawa, ininda naman ito ni liam, dahil umupo lang sya at di na kumilos, nag alala ako kaya agad ko siyang nilapitan at chineck kung nasaktan ko ba sya ng sobra, 'ok ka lang, sorry napalakas ba?." puno ng pagaalalang saad ko, maya maya bigla nya akong pinaliguan ng snow, sa sobrang gulat ko napaupo ako, 'so, nagkukunwari ka lang pala." naisahan niya ako, kaya agad ko syang sinugod, mistula kaming mga batang nag batuhan ng snow balls, kung minsan hinahabol nya ako at kapag naaabutan nya ako niyayakap niya ako dahilan para sabay kaming matumba at nagpapagulong gulong sa snow, ilang oras kami nag skiing hanggang mag desisyon na kaming bumaba, habang nasa line car kami pababa ng mountain, inaya ko naman siya mag selfie, ayaw pa nya nung una, pero napapayag ko din sya, ang saya ko pero di ko maiwasang maisip na baka nanaginip lang ako, at natatakot akong magising sa masakit na reyalidad, pero kahit ganun gusto ko itreasure ang chance na ito, yung panahon na maranasan kong mahalin ng isang liam han, ngayon habang pinagmamasdan ko siya, nagagalak ang puso ko, 'I love him, now I'm really sure of it." bulong ng isip ko, handa na akong masaktan kung para sa kanya, ngayon ko lang ito naramdaman, at kahit magong masakit hinding hindi ko pag sisisihan ang pagsama ko sa kanya. mag dadapit hapon na ngunit may pinuntahan pa kami, para itong festival dito sa japan, maraming mga hapon ang nakasuot ng traditional dress nila at umaakyat sa temple, marami din mga tindang mga lucky charms, may mga palaro rin, napaka daming tao, buong pagiingat naman akong hinawakan ni liam ang kamay ko, napanatag ako ng maramdaman ang pagiingat niya sa akin na hindi mabunggo ng mga naririto, lihim pa akong napapangiti, naglaro naman kami sa mga games at lagi kaming talo, para na nga kaming mga bata na nagaaway kapag natatalo, tumingin naman kami sa lucky charms, may bracelet na nakaagaw ng pansin ko, napansin din ito ng nagtitinda, di ko sya masyadong maintindihan kaya nag english ito ng mabagal para maunawaan ko, 'this!." saad nito sabay turo sa bracelet na tinignan ko, 'is for good fortune of love, this help you find true love." anito, 'di ko na to kailangan nahanap ko na, charrr." bulong ng malikot kong isip, 'ayy, ane be." kinuha naman ito ni liam at hinawakan ang kamay ko, isinuot nito sakin ang bracelet ng time na yun, pinagdarasal ko na sana ang lalaking ito na nga ang para sa akin, ngumiti ako sa kanya, 'this thing look so Beautiful the moment you wear it." sinserong saad niya habang nakatuon sa akin sabay halik sa labi ko, sandali lang yun pero sobra akong napasaya ng halik na iyon, binayaran nya si manong at umalis na kami, habang naglalakad pababa ng temple bigla namang nagpaputok ng fire works, at talagang napaka ganda noon pagmasdan, 'wow, ang ganda." namamanghang sabi ko, 'oo, sobrang ganda nga." bulong niya sakin, dahilan para mapabaling ako sa kanya, pero sa akin pala sya nakatuon, kaya nagkatitigan kami, hinapit nya naman ang katawan ko saka dahan dahang pinaglapat ang labi namin, 'that moment was so magical for me, hinding hindi ko to makakalimutan, na may isang liam han na nagparamdam sa akin ng ganito, gabing gabi na ng mabalik kami sa villa, mabuti nalang at kumain na kami sa restaurant na nadaanan namin kaya makakapagpahinga na ako, nakahiga ako sa kama ng lumabas galing sa bathroom si liam, napangiti ito ng makita ako, 'napagod kaba ng sobra?." tanong nya at yumakap sa akin, tinignan ko naman sya at ngumiti, 'ok lang kahit nakakapagod sobra akong nag enjoy, saad ko naman. 'Mabuti naman, kasi gusto ko talagang mapasaya ka, saad nya, 'gusto mo ba duon tayo sa fire place, coffee muna tayo, pagaaya nya, nakangiti akong tumango sa kanya, 'I think it was nice." saad ko pa, natawa naman siya at hinawakan ang kamay ko, iginiya niya ako papunta sa fire place, pinaupo niya ako sa sofa na nasa harap ng fire place, sinaksak lamang nito ang electric fire place at may apoy na kaagad, saka naman sya kumuha ng blanket na ibinalot nya sa akin, sya din ang nagtimpla ng coffee, nag prisinta naman ako pero dahil pagod na daw ako kaya sya nalng daw, feeling ko prinsesa ako sa tabi nya, yumakap sa akin si liam habang ako naman ay nakaupo patalikod sa kanya, tumikhim ako bago nag salita, 'liam, salamat kasi pinasaya mo ako, sinserong saad ko sa kanya, matamis itong ngumiti, isang ngiti na hindi matatawaran, napaka sincere ng ngiti nyang iyon, gusto kong isipin na para sa akin lang ang ngiti na iyon, 'masaya akong mapasaya ka babe." saad niya sabay halik sa pisngi ko, lihim naman akong kinilig, 'naalala ko nung una kitang makilala para kang si sadako, natatawang saad niya, napasimangot naman ako, 'ikaw talaga napaka pintasero mo, pag mamaktol ko sa sinabi niya, umiling naman sya, 'sinasabi ko lang kung anung nakikita ko, pangaasar nito, sinamaan ko naman siya ng tingin, 'ikaw nga, ang antipatiko kala mo kung sinong gwapo." mataray kong saad sa kanya, ngumisi naman sya sa akin, 'gwapo naman talaga.'' nakangiti nyang saad, magsasalita pa sana ako pero bigla akong di makapagsalita, pano ba naman anung bwelta ko sa sinabi nya ee gwapo naman talaga sya, 'aa ee nagpokerface pa ako, sasabihin ko talagang hindi kaso di ako makapagsinungaling, 'mme-medyo lang naman." nauutal kong saad, lalo naman syang pagak na napatawa, nainis na talaga ko, akma akong tatayo na sana paalis ng pinigilan ako ni liam, 'where are you going baby?." preskong saad niya, Bumalik ako ng upo but this time yumakap ako sa kanya, ngumiti naman sya at humalik sa buhok ko, 'alam mu, nung bata pa kami ng mga kapatid ko, pangarap namin makakita ng snow." saad ko. Tumingin naman sya sakin, 'dati mahilig kami kumuha ng styro foam, tapos dinudirog namin yun tapos hinahagis namin para kunwari snow, tapos madadatnan kami ni nanay na nagkalat ang mga styro foam sa buong bahay, kaya galit na galit si nanay samin." natatawa kong kwento sa kanya, natawa din sya saken, 'Siguro ang saya ng may kapatid." aniya. 'Bakit mu natanong wala ka bang kapatid." pagtatanong ko, 'nagtataka kasi ako wala pa akong nakikilalang kahit isa sa pamilya nya, umiwas naman sya ng tingin saakin pero nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, 'nagiisang anak lang ako, at buong childhood ko wala na akong ibang ginawa kundi magaral kahit matatas ang grades ko sa school at mas advance ako kesa sa iba kong kaklase." saad nya, bumuntong hininga pa sya at humugot ng hangin bago muli mag salita, habang ako naman ay taimtim na nakikinig sa kanya, 'kahit kelan di ko naranasan ang buhay ng isang normal na bata, yung maglaro sa kalsada at gumawa ng kalokohan dala ng pagkabata, ng makatapos ako ng highschool ipinadala na agad ako ng parents ko sa ibang bansa para dun na mag aral ng college, pero ng mga time na yun I'm just 13 years old, kaya nakaramdam ako ng takot mabuhay mag isa, nakiusap ako kay dad na wag na akong ipadala duon, pero sabi nya dapat daw ako magaral duon para sa ikagaganda ng mamanahin kong kumpanya, kaya namuhay na akong mag isa simula nuon." diretsong saad nya. Nalungkot naman ako para sa kanya, ang bata nya pa ng mga panahong iyon, siguro nga hindi yun naging madali para sa kanya. 'Liam, galit kaba sa kanila?." pagtatanong ko, tinignan nya lang ako at sumeryoso ang mukha nya, 'masama ang loob ko, dahil sa kanila hindi na magiging normal ang buhay ko." malaman nitong saad, nagtaka naman ako sa sinabi nya, Kaya napakunot ang nuo ko, 'bakit di na magiging normal ang buhay nya." takang bulong ng isip ko, Nang mapansin nya ang pagtataka ko ginulo nya ang buhok ko, 'aray anu ba, kantiin muna lahat wag lang ang height at buhok ko." singhal ko na ikinatawa nya, 'giniginaw ka pa ba." Tanong nya, umiling naman ako, basta nandyan ka hindi ako giginawin, malambing kong saad, ngumiti naman sya. muli ko nanaman nasilayan ang ngiting yon, na para bang nagsslowmotion ang lahat sa ngiti na iyon, ganito ba kapag inlove? Tinitigan ko pa syang lalo, para syang angel na nakangiti sakin kapag ngumingiti sya, parang lumiliwanag ang buong paligid, 'matunaw ako nyan pang aasar nya." pero imbis na mainis ngumiti ako sa kanya, 'ang gwapo mo kasi." saad ko, natawa naman sya 'I know." preskong Aniya habang natatawa, naisip ko tuloy syang kantahan, nakatuon lang sya sa akin ng magumpisa akong kumanta Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan Saksi ang bwuan at bituin sa pag mamahalan nating dalawa...nating dalawa...hahh.. Hinawakan ko ang mukha nya ng dalawa kong kamay at tinitigan sya habang kumakanta. Tanaw pa rin kita, sinta Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala Sa tuwing nakakasama ka Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay Ngumiti naman sya saakin at hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito. Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan Saksi ang bwuan at bituin sa pag mamahalan nating dalawa...nating dalawa... Hinalikan ko naman sya sa pisngi at patuloy lang sa pagkanta. Halika na sa ilalim ng kalawakan Samahan mo akong tumitig sa kawalan Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan Nating dalawa......Nating dalawa... Tinitigan ko sya at hinimas ang mukha nya na para bang kinakabisado ko lahat ng ditalye nito, nang maisip ko na darating ang panahon na ang reyalidad ang sasampal sakin para magising ako sa katotohanan, nakaramdam ako ng matinding sakit pero tatanggapin ko, basta ang sandaling ito ay akin, napaluha nalang ako, at nagulat sya ng makita ang pagluha ko, 'why? May problema ba." Alalang tanong nya, 'may masakit ba sayo, tell me please." pagsusumamo nya, pilit naman akong ngumiti sa kanya, 'no, walang masakit." usal ko, nakita ko naman nagsalubong ang kilay niya, 'then, why the heck you are crying." Naiinis nyang saad, 'no, walang problema, naiyak lang ako kasi." humugot pa ako ng hininga at tumingin ng diretso sa kanya, 'mahal kita." nahihirapan kong saad, At tuluyan na akong napaiyak, bumuntong hininga naman sya na naiintindihan ang ibig kong sabihin, niyakap nya ako sapat para mapawi lahat ng sakit na nararamdaman ko, hinawakan nya ang mukha ko at pinaharap sa kanya, 'he kissed me at my forehead, at pinahid ang luha ko, nagtitigan kaming dalawa at di ko maiwasang mapatingin sa malambot nyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD