nang makarating kami sa park ay napagisipan namin mag lakad lakad, si daphny naman nanatili lang na walang imik, inantay ko naman syang mag salita, nakita naman namin ang maraming mga bata na naglalaro sa play ground, naisipan muna namin maupo saglit at panoorin ang mga ito.
'nakakatuwa sila hindi ba?." malamang saad nya.
ngumiti naman ako at tumango, ng hindi ako nakapagpigil ay tinanong ko na sya.
'may problema ka ba best! sabihin mo lang andito lang ako." pagsimpatya ko sa kanya.
ngumiti naman ito, saka nagbuntong hininga, 'best! kinontak ako ni lolo panimula nya. sandali syang natahimik ngunit nag patuloy din naman.
'ipapakasal na nya ako, nakapili na sya ng lalaki para sa akin." saad nya na nagpipigil ng luha.
nalungkot naman ako para sa kanya, gustohin ko man tulungan sya, pero wala rin akong kakayanan kaya wala akong magagawa, niyakap ko sya at tuluyan na itong umiyak.
isang anak mayaman si daphny, ang totoo taga thailand ang Family nya, nagkakilala lang kami ng mag vacation ang family nya at di sinasadyang mag krus ang landas namin at magkakilala kami, hanggang naging close kami, kaya nakiusap sya sa lolo nya na dito na mag aaral hanggang sa makapagtapos sya, wala na kasi ang parents nya kaya lolo nya na ang tumayong guardian nya.
pumayag naman ang lolo nya sa isang kondisyon, hindi sya dapat makipagrelasyon, kung hindi papauwiin sya ng lolo nya sa thailand, kaya kahit kailan hindi siya nakipag relasyon sa kabila ng dami ng manliligaw nya,
pero ngayon kailangan na nitong magpakasal sa taong hindi nya kilala at di manlang nya mahal.
nang mahimasmasan ay humiwalay ito sa pagkakayakap ko, at malapad na ngumiti, 'ano ba yan ang drama natin, mabuti pa mag mall na tayo siguro naman bukas na yun, kapag hindi pa ako na ang magbubukas nun sige sila." exsaheradang saad nya. napatawa naman ako sa kanya..
'sige na nga halika na.'' pagaaya ko, nakakailang hakbang palang ako ng biglang umikot ang mundo ko, bahagya akong naduduwal kaya nang makita ko ang public restroom ay nagmadali ako at duon tuluyan inilabas lahat ng laman ng sikmura ko.
hinimas himas naman ni daphny ang likod ko at pinaamoy ako ng menthol para gumaan ang pakiramdam ko.
'okay ka lang best?." baka di nagustuhan ng sikmura mo yung kinain natin saad nya.
'baka nga tama sya?." bulong ng isip ko, nagayos ako ng sarili ng may babaeng lumapit sa amin at nag tanong kung may vendo ba ng napkin sa restroom, bigla akong napaisip at agad na nakaramdam ng kaba, sana mali ang kutob ko, kinuha ko ang phone ko at para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng makita ko ang date sa phone ko, napansin naman ni daphny ang reaksyon ko kaya nagtatakang nakatuon ito sa akin.
'bakit best may problema ba? " tanong nya, pero tinitigan ko lamang sya. 2 months na akong delayed." saad ko
ng marinig ang sinabi ko nung una ay parang pinoprosesa nya pa ang sinabi ko saka lang nya naintindihan ang ibig kong sabihin kaya nanlaki ang mata nya at napaawang ang labi. 'wait best, ibig sabihin ginawa niyo na iyon." nabibiglang saad nito.'best, pwede bang wag mo muna ako kwestyonin, ipapaliwanag ko din sayo ang lahat, pero sa ngayon, samahan mo muna ako." saad ko sa kanya, tumugon naman ito sa pakiusap ko at di na nagtanong pa.
nang makarating kami sa mall, imbes na mag shopping ay nagpunta kami sa pharmacy para bumili ng pregnancy test.
5 klase na ang binili ko para makasiguro at sinamahan ako ni daphny sa rest room para isagawa ang test.
halo halong emosyon ang nadama ko ng makita ang resulta ng test and its possitive, bahagya din naman ako nakaramdam ng saya ng maisip na magkakababy kami ni liam,
'kailangan nya itong malaman." saad ng isip ko, kaya agad ako nagpasama kay daphny sa office ni liam.
nang marating namin ang building, pumasok ako kaagad at lumapit ako sa receptionist, akma akong mag tatanong ng bigla nalang sumulpot mula sa ilalim ng lupa itong si stacey.
'hey!." maarteng anito, 'what are you doing here?." pagtatanong nya..
'its none of your business." mataray kong sabi..
'oohhh!! really pang uuyam nya." hulaan ko hinahanap mo si yuan!, oh no!, baka si laurence tama ba?." saad nito, sabay tawa na parang baliw sino ba kasi sa kanila ang feel mong landiin ngayon." pangiinsulto nito.
'ang kapal ng mukha ng isang ito!." galit na sabi ni daphny, pinigilan ko naman ito, 'hayaan mo na yan, wag mo na patulan, masasayang lang ang panahon natin." saad ko, nakinig naman ito kahit nagpupuyos sa galit.
ngumisi naman si stacey, 'by the way sige na nga imbitahin ko na kayo sa kasal namin, sa 5 star hotel iyon gaganapin nextweek." maarte nitong sabi...
napangisi naman ako, 'anong sinasabi ng isang ito, imposible yun dahil sinabi ni liam na hindi nya itutuloy ang pagpapakasal, at kapag nalaman nyang buntis ako alam kong magiging masaya sya." bulong ng isip ko.
nagpatuloy naman sa pagsasalita si stacey, 'sabi ko nga wag syang mag madali dahil okay lang naman sakin kahit umabot pa ng ilang bwan ang kasal pero mapilit sya." aniya na parang tuwang tuwa pa..
bahagya naman akong natawa at napairap pa sa kasinungalingan niya, 'imposible yun." mahinang sabi ko sa sarili..
'sabi nya saakin mas maganda daw na makapag pakasal na kami, habang hindi pa lumalaki ang tyan ko." nakangiting saad nito.
sa narinig ko biglang huminto ang mundo ko, 'teka totoo ba ito, o baka gawa gawa lang ito ng bruha na ito, imposible!
sabay ng pagbukas ng elevator at iniluwa nuon ang lalaking hinahanap ko kasama si laurence kasama ng iba pa. agad naman lumapit sa kanya si stacey at humalik sa labi nya, they even do peck kiss in front af all people, para akong natuod sa nakita ko.
'kate!! pagtawag ni laurence sa akin saka ito lumapit, 'anong ginagawa mo dito?." tanong nito pero hindi ako umimik, nanatili ang mga mata ko kay liam..
nabigla sya ng magtapo ang tingin namin, lumapit naman ako sa kanya, at diretsong tumitig dito, 'sabihin mo totoo ba ang sinabi ng babaeng ito!!." saad ko, hindi ito nakaimik kaya inulit ko ang tanong, 'totoo ba ang sinabi niya?." halos pasigaw kong sabi.
tumingin ito ng diretso saakin. 'I'm sorry kate." saad nito.
nang marinig ang sinabi nya parang nanikip ang dibdib ko, at bahagya ako nahirapang huminga, nanghina ang tuhod ko kaya muntik ako matumba, mabuti na lamang at nahawakan ako agad ni laurence, sabay sabay na tumulo ang luha ko, habang nahihirapang iproseso ang lahat ng nangyayari.
'bakit liam?," saad ko habang patuloy parin na tumutulo ang luha ko, ni hindi naman nya ako matignan ng diretso pero nag patuloy parin ako sa pagsasalita.
'bakit mo nagawa sakin ito? sabi mo mahal mo ako, naniwala ako sayo!!." napatawa pa ako ng peke sa sarili ko habang walang tigil sa pagluha..
'ano masaya ka naba sa paglalaro mo sa damdamin ko." saad ko sa kanya, at tuluyan ng umalis sa harap nya.
lakad takbo akong papalabas ng building, habang patuloy sa pagluha, wala akong pake kahit na pinagtitinginan ako, narinig ko naman na tinatawag ako ni laurence at daphny.
pero ayaw ko munang makipag usap, gusto ko lang mapagisa kaya mas binilisan ko pa ang lakad, hindi ko na napansin ang mabilis na takbo ng isang kotse, narinig ko nalang ang malakas na preno nito, habang si laurence at daphny ay nag mamadaling palapit, at nagdilim na ang paligid..
Liam's POV
sinubukan ko syang habulin, pinigilan ako ni stacey pero hindi ako nag papigil, hinawi ko ang mga kamay nya at mabilis na tumakbo.
wala na akong pakialam sa pagkakataong ito, di ako papayag na mawala sya saakin, dahil hindi ko kaya!, akala ko makakaya ko pero after ko siya makita ngayon, hindi pala! nagkamali ako, hindi ko kayang mawala siya sa akin!.
hinabol ko sya, papalapit na ako nauna lang ng konti sila laurence, ng biglang sumulpot mula sa kung saan ang kotse at sinagasaan si kate, isang malakas na preno lang ang narinig ko at para bang huminto ang mundo ko at bumagal ang paghinga ko, nakatulala ako habang si daphny at laurence ay nasa tabi ni kate na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo.
dahan dahan ko itong nilapitan, hirap akong iproseso ang lahat, ilang beses pa akong nanalangin na sana isa lamang itong masamang panaginip, pero ng mahawakan ko sya tuluyan ng bumalong ang luha sa aking mga mata.
'kate!!." sigaw ko, 'gumising ka please, kate! hindi ito pwede hindi!." sigaw ko. habang si daphny naman ay umiiyak, si laurence ay agad na kumuha ng mga gamit na kakailanganin nya upang lapatan ng paunang lunas si Kate, 'liam!!." pagtawag ni laurence sa akin Liam!."uling sigaw niya, ng hindi parin ako kumikibo at nakahawak lamang kay kate, hinawi nya ako kaya napaupo ako, 'shaun, hawakan mo si liam." utos nito na sinunod agad ni shaun.
hinawi ko naman ang kamay nito, 'hindi tutulungan kita, kaya ko syang gamutin." saad ko, tinignan naman ako ni laurence,
'sa estado mo ngayon makakagulo ka lang, kaya umalis kana dyan kung gusto mo syang matulungan." sigaw niya, para naman akong natauhan at hindi na ako nakaimik at nagpatianod nalang ng itayo ako ni shaun.
habang pinipigilan nila ang pagdurugo ni Kate pinagmamasdan ko sila, 'kasalanan ko ito, hindi ito mangyayari kung hindi ko sya sinaktan ng sobra." mahinang usal ng isip ko, napasabunot naman ako sa sarili habang pinagmamasdan si Kate na walang malay
'laurence!! pag agaw ng attensyon ni cedrick, kaya napatingin kami sa kanya 'anong problema?." maagap na tanong ni laurence, 'sa tingin ko buntis sya." saad nito na lalong nagpabigat sa dibdib ko. nakita nga namin ang pagdurugo sa pateng ibaba nya." napatingin si laurence sa akin dahil sa pagka bigla.
napaluhod ako sa nalamang ako, 'ano itong ginawa ko?, buntis si Kate." usal ng isip ko, 'laurence." pagtawag ko dito, sabay hawak sa braso nya, 'please, iligtas mo ang anak ko." nakitaan ko naman ng matinding awa ang mga mata nito, 'liam, gagawin ko ang makakaya ko." tugon nito, hinawakan naman ako ni shaun, dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin si Kate, at makalala lang ako ng sitwasyon
mayamaya pa ay dumating na ang ambulansya, medyo nahimasmasan na ako kaya pinayagan na ako ni laurence na sumakay sa ambulansya kasama siya.
hawak ko ang kamay ni kate, habang papunta ng hospital, bigla syang mag cardiac arrest kaya agad kami nag sagawa ng cpr, at ng hindi parin nag normal ang vitals nya inihanda na ni Laurence ang defibrillator at inilapat sa katawan ni kate, sa pag sambit ni laurence ng clear sunod ang pagangat ng katawan ni kate, saka ito nag normal sakto naman ang dating namin sa hospital at dineretso na ito sa OR,
napaupo naman ako habang nakasapo sa mukha ang dalawa kong kamay, si laurence at cedrick parin ang nagopera sa kanya, gumawa ng paraan si laurence para sya ang makapagopera kay kate, ilang sandali lang at dumating sila yuan at ang iba pa.
bumaling ito sa akin 'bro, anong balita?! kamusta na sya?." agarang tanong ni yuan...
nasa loob na sya at inooperahan ni laurence, nagaantay pa din kami." tugon ni shaun ng hindi ako makapagsalita,
habang ako ay nakayuko at nasa batok ang mga kamay, dahil sa sobrang bigat ng dinadala ko...
alam kong nakatingin lang sila sa akin, tinapik naman ni yuan ang balikat ko tanda ng pakikisimpatya nito..
nilapitan naman ni shaun si daphny na walang tigil sa pag iyak...
may lumabas naman na nurse sa OR. 'sir si mr kenzo daw po, pinapapasok po ni doctor lee." saad nito, agad naman sumunod si kenzo...
maya maya pa ay lumabas na sila laurence, habang si kate ay inilipat ng ICU
'Bro!! ano ng nangyare?." Agad kong tanong tumingin naman ito sa akin ng diretso...
'napigilan namin lahat ng internal bleeding nya pero ang lakas ng impact ng aksidente sa ulo nya, she's in coma, walang makakapagsabi kung kelan sya magigising." diretsong saad ni Laurence.
parang bumagsak ang mundo sa akin sa narinig ko, 'as for the baby, I'm sorry bro. pero hindi nasave ang baby." malungkot nitong saad.
tuluyan na akong napaupo at napasabunot sa buhok ko, habang sabay sabay na tumulo ang aking mga luha. 'hindi!!, Hindi ito pwede." usal ko habang umiiling na sabi ko, para na akong mababaliw 'kasalan ko ito!." sigaw ng isip ko.
'I'm sorry bro." pero ginawa namin lahat ng makakaya namin, nagpatulong pa kami sa pinakamagaling na obgyne dito, at kahit si kenzo wala nang nagawa, I'm sorry." saad nito habang nakahawak sa balikat ko.
'kailangan mong magpakatatag bro." anito, tumango naman ako habang nakayuko at walang ekspresyon sa mukha, 'kaya mo yan bro. dagdag pa ni ced.
nauunawaan ko sila, pero hindi yun ganun kadali, masyadong masakit para sa akin ang lahat, nawala ang anak ko, at ngayon nakalagay sa panganib ang buhay ng babaeng pinaka mamahal ko, at di ko alam kung magigising pa nga ba siya o hindi, at lahat ng ito ay dahil sa akin,
ilang sandali pa at dumating ang mga kapatid ni kate, 'anong nangyare?." Sabay na tanong nila ng makalapit kay daphny.
'nasagasaan si kate." umiiyak na tugon nito, natigilan naman ang magkapatid sa narinig.
ngumisi naman si roxanne, 'ano to? prank nyo nanaman ito ni ate noh?, hindi nakakatuwa." saad nito na hindi matanggap ang nalaman, ng hindi umimik at nag patuloy lang sa pag iyak si daphny, di ito makapagsalita na.parang pilit na kinukumbinsi ang sarili, 'no way di ito totoo." ani pa nito
sinamahan naman sila ni laurence papasok sa room kung nasaan si kate, 'no!! ate gumising ka dyan nagbibiro ka lang tama, usal ni roxanne, lumapit naman si elise at tuluyan ng naiyak sa kalagayan ng kapatid, pero si roxanne patuloy lang at pinipilit gisingin ang kapatid nya, at nang hindi padin ito magising ay tuluyan na rin itong umiyak....
'ako ang dapat sisihin, ako ang may kasalanan." saad ko sa sarili, gusto kong mapag isa at nag lakad ako papalabas may nakita akong chapel at umupo muna ako dun.
'for the first time in my life lalapit ako sayo, pls!! tulungan mo si kate, gisingin mo sya, wag mo syang kunin sa akin." usal ko at tuluyan na akong napaluha.
'alam kong marami akong kasalanan, but please I'm begging you, wag si kate, ibalik mo sya sa akin. I promise I will do every thing for her." pagmamakaawa ko sa diyos.
'hindi ko pa napapatunayan sa kanya kung gaano ko sya kamahal, please im begging you." pagsusumamo ko....
nakaramdam naman ako ng kamay sa balikat ko at nakita ko si yuan, inabot nya ang puting tshirt sa akin, 'magbihis kana, punong puno ng dugo ang damit mo." Saad nito, tinanggap ko na lamang at hindi na umimik.
I love her at nabuntis ko sya." saad ko habang nakayuko.
I know, sinabi ni laurence sa amin." anito and i used to love her too, napatingin naman ako sa kanya sa sinabi nya, ng makita ang reaksyon ko ay natawa naman sya, kaya nga ang swerte mo kasi ikaw ang minahal nya, dagdag pa nya, anong feeling kapag niyayakap mo sya at nakikita mo syang masaya." tanong nito, nakatuon naman ako sa kanya, galit kaba sa akin dahil sinaktan ko lang siya, magiging ayos lang sa akin kung susuntukin mo ako." saad ko. tumuon naman ito sa akin, 'oo nagagalit ako, pero kaibigan kita Liam." sinserong saad nito, ngumiti naman ito na may lungkot sa mga mata, wala naman akong magagawa dahil ikaw ang pinili niyang mahalin." saad nito, natahimik naman ako at napayuko.
'bro." pagagaw niya ng attensyon ko, 'pipilitin namin ni kenzo na makagawa or makahanap ng gamot para sa fast recovery nya upang magising sya, gagawin ko ito para matulungan ka, kaya sana kapag nagising siya wag mo nang sayangin ang pangalawang pagkakataon na ibibigay ko sayo." dirersong saad nito, 'salamat bro." usal ko.
'Tumayo ka na at mag palit, ayusin mo ang sarili mo, wag kang panghinaan dahil mas lalo ka nyang kailangan ngayon." anito, napaisip naman ako sa sinabi nya, 'tama sya kailangan ako ni kate."