agad akong nag palit at inayos ang sarili, bumalik sa ward ni kate, pagdating duon ay lumapit ako kay kate...
pinagmasdan ko ito, maamo at tahimik itong natutulog, hinaplos ko ang mukha nito, 'hindi ka paba aalis." napa baling naman ako kay daphny...
'pasensya na pero hindi ako aalis kung yun ang gusto mo." pagmamatigas ko.
habang sila laurence ay nakatingin lang sa amin.
'bakit daphny, may problema ba." tanong ni elise na nagtataka...
'diba buntis ang fiancee mo, asikasuhin mo sya bka mawalan ka ulit ng isa pang anak." saad nito na ikinakunot ng nuo ko
'anong sinasabi mo?." puno ng pagtatakang tanong ko, napagnisi naman ito, 'kunwari ka pang walang alam, hindi magkakaganon si kate kung hindi sinabi ng dimunyita mong fiancee na buntis sya kaya minadali nyo ang kasal ninyong dalawa." tuluyan na akong naguguluhan dahil sa sinabi nito.
'wait!." sabi ko pa habang inaanalisa ang lahat, 'ang ibig mong sabihin sinabi ni stacey na buntis sya." paglilinaw ko..
'oo, ganun na nga." tugon nito, napangisi naman ako ng mapakla, paano ko mabubuntis si stacey, ni dulo ng daliri nya hindi ko kinanti." saad ko na ikinabigla ng lahat.
'ibigsabihin sya ang may kagagawan ng lahat ng ito." bulong ng isip ko, sakto naman ang pagtawag nito, pinindot ko ang answer button at nilagay sa tenga ko, hindi ako umimik at nakinig lamang sa kabilang linya, 'hon hindi ka pa ba uuwi, kamusta na ano ng balita?." anito na parang nagaalala, mapait akonv napangisi, ngayon alam ko na kung bakit sya tinatawag ni kate na fake, 'nasaan ka?." walang buhay kong tanong, 'andito ako sa bahay inaantay kita." saad nito 'sige, antayin mo lang ako, uuwi na rin ako." saad ko, at sabay end ng call ng walang paalam...
'huminahon ka liam wag ka magpadala sa galit mo." saad ni laurence...
hindi ako kumibo at pumihit papunta sa pinto, pero hinarangan ako ni shaun at zack, 'tumigil ka liam, huminahon ka!! pagawat ng mga ito...
'lalo lang magiging komplikado ang lahat kung hindi ka magiisip." ani kenzo, 'umalis kayo!!."sigaw ko...
'sige papayagan kita umalis, pero ipangako mo na hindi ka gagawa ng bagay na magpapalala ng sitwasyon, dahil hindi kita tutulungan kapag nagkataon." walang emosyong saad ni laurence.
sa lahat ng pagkakataon na may problema ang isa sa amin, si laurence ang laging nadyan, siya na ang tumayong nakakatandang kapatid namin, kaya ganun nalang din ang pagsunod namin sa mga disisyon nya.
'sige, pangako." saad ko naman ng hindi nakatingin sa kanya, pagsenyas ni laurence ay umalis agad sila sa pag kakaharang at pinadaan ako...
mabilis kong pinaandar ang kotse papunta sa bahay, nang makarating ako sa bahay ay agad kong hinarap si stacey, sumalubong naman ito sa akin ng nakangiti, ngayon ko lang naisip kung paano ako pinaikot ikot ng babaeng ito, nagngingitngit ako sa galit, naikuyom ko ang kamay ko at nag igting ang panga ng makita ko ito.
'may problema ba hon?."tanong nya siguro nakita na nya kung gaano ako kagalit, hinawakan ko sya sa braso nya ng mahigpit at kinaladkad sya sa kwarto.
'umalis kana at bitbitin mo ang lahat ng gamit mo, wag kang magtitira kahit isa!!." sigaw ko sa kanya
'Hon anong problema, bakit mo to ginagawa sa akin, habang umaakto itong kawawa sa harap ko." wag moko matawagtawag ng ganyan pwede ba!!." galit na saad ko, 'alam kong sinabi mo kay kate na nabuntis kita kaya ganon ang naging reaksyon nya kanina!!." sigaw ko
Natahimik naman ito ng marinig iyon at nag simula syang kumapit sa akin...
'bitawan mo ko!!." Sigaw ko sabay hawi ng mga kamay.
''hon! I'm sorry, hindi ko naman alam na mangyayari yun malay ko bang magpapasagasa sya!!." Sabi pa nito na lalong nagapagalit sa akin, kitang kita na wala manlang itong pagsisisi sa nangyari, kaya matiim ko syang tinitigan at nilapitan, hinawakan ko ng mahigpit ang braso nito, nakita kong napadaing sya sa sakit.
'para sabihin ko sayo nasagasaan sya at hindi sya nagpasagasa, dahil hindi sya desperada kagaya mo na maglalaslas ng pulso wag lang kitang iwan, and you know what's more, you killed my child." nakita ko naman na nabigla sya sa sinabi ko.
'oo!! buntis siya at hindi ikaw! at hindi ako magtataka na nabuntis ko sya, dahil ginusto ko din yun, siya lang ang babaeng nararapat magdala ng anak ko, at kung hihingi ka ng tawad, sige, pero gisingin mo muna sya mula sa pagkaka coma nya!!." puno ng galit kong saad sa kanya
'hindi naman ito nakaimik, 'frim now on stacey, I wont allow you to hurt her again, now leave, kapag nadatnan pa kita dito baka makagawa ako ng hindi maganda." mahinahon ngunit puno ng puot kong saad sa kanya, ' hindi ako aalis!!." matapang nitong sabi
'baka nakakalimutan mo alam na ng lahat na ikakasal tayo, masisira ka din pati ang pangalan mo kapag umatras ka sa kasal." saad pa nito, natawa ako ng pagak.
'I dont f*****g care!, bulyaw ko, walang kasal na magaganap, at kung may ikakasal man, sisiguraduhin kong kami ni kate ang ikakasal." saad ko
'mananagot ka sa pamilya ko tandaan mo yan." matapang niyang saad
'sige, gawin mo, para malaman mo kung sino at kung anong kaya ko." walang pagaatubiling saad ko at tuluyan ng umalis...
bumalik ako sa hospital, pero ng makita ko sa labas ng pinto ng ward si kenzo at laurence, bahagya akong nagtaka
'may problema ba? Tanong ko sa kanila.
'dumating na ang parents ni kate." ani Laurence, nakaramdam ako ng kaunting pagaalala, dahil hindi ko alam ang iaakto ko kapag nakaharap ko na sila, lalo na at ako ang dahilan kaya nasa ganyang kalagayan ang anak nila.
kagaya nila nanatili nalang ako sa labas ng ward, ilang oras lang ang lumipas at lumapit sa amin ang magulang ni kate, napatayo naman kami ng tuwid, 'kayo po ba yung doktor na gumamot sa anak ko." pagtatanong nito na may luha sa mga mata.
'opo kami nga po." tugon ni laurence 'maraming maraming salamat po dok." saad nito at lalo pang lumuha, hinawakan nito ang mga kamay ni laurence, 'salamat po sa pagtulong nyo, wag po kayo mag alala gagawan namin ng paraan ang mga bayarin namin, basta pakiusap ko lang tulungan nyo ang anak ko!." Pagsusumamo nito habang umiiyak....
'hindi ko akalain na mangyayari ito sa anak ko!." saad naman ng tatay ni kate.
napayuko ako at hindi ko alam kung anong iaakto ko, nahihiya ako sa kanila at naiinis ako sa sarili ko.
'hijo pamilyar ka." Saad ng ina ni kate ng mapatingin sa akin, nabigla naman ako sa sinabi nya, hindi ako nakapag react at naestatwa ako ng ilang minuto, 'saan nga ba kita nakita?." takang saad nito na nag isip pa ng malalim, 'naalala ko na, yung picture sa phone ni kate noon, hijo artista kaba?." saad nito
Ngumiti nalang ako kahit pilit at naglahad ng kamay, hindi po ako artista, ma'am I'm liam han, sakin po namasukan si kate." saad ko.
'nandito po ako para tulungan ang anak nyo, naging malapit din naman po kami sa isat isa." dagdag ko pa, ngunit sobrang guilt ang nasa loob ko na hindi ko masabi ang totoo, para akong dinudurog..
'ganun ba! naku sir salamat, napakabait nyo." saad nito at hinawakan ang kamay ko, lihim naman akong naluha, wag po kayong magalala sasagutin ko po lahat ng gagastusin sa pagpapagamot ni kate." saad ko, lalo naman itong napaluha at yumakap pa saakin, 'maraming salamat sir." saad nito, 'Liam nalang po, saka pangako po, gagawin namin ang lahat para magising siya." saad ko, tumango naman ito.
nag paalam na ito na uuwi muna, naiwan naman sina daphny, elise at roxanne, pumasok naman ako sa loob ng ward, nakita ko siya na napakaraming aparatong nakakabit sa katawan, nasasaktan ako na makita syang ganyan, nilapitan ko sya at hinawakan ko ang kamay nya, kinausap ko sya na wari ba naririnig nya ako.
'naalala mo ba nung una tayong magkita, medyo natakot pa ako sayo, akala ko si sadako ang kaharap ko." bahagya pa akong natawa, 'tinarayan mo pa ako ng sinita ko ang buhok mo." pagpapatuloy ko. 'pero di mo ko magawang sigawan dahil ako ang boss mo."
'naalala mo lagi mong binabasag ang mga gamit ko, kaya tinanong kita kung wawasakin mo ba ang bahay ko, narinig ko naman na bahagyang natawa sila roxanne sa sinabi ko, 'si ate, ganun talaga sya sabi ko nanga ba at yun ang magyayari kapag namasukan sya." kwento nito..
pinagpatuloy ko naman ang pagkausap sa kanya, masaya akong alalahanin lahat ng panahong kasama sya, 'Pati nga glass wall ng bahay ko nabasag dahil sayo." saad ko, natawa naman sila kenzo sa sinabi ko, 'bro wag naman pati yun isisi mo sa kanya, sige ka gigising yan para lang bugbugin ka." pabirong saad nito, 'yun nga ang gusto ko, yung bumangon sya para awayin ako, hindi naman kasi siya ang bumasag nun nabasag, yun ng mag buno kami ni yuan....
'naalala ko pa para kaming aso at pusa nuon, kapag nakita nga kami ng iba..
hindi mo mapagaakalaang boss nya ako, mas madalas para magkapatid na nagaaway." patuloy kong pagkkwento
'sabi ko pa ayoko sa kanya, hindi ko sya type ang baduy kasi nyang manamit."
naringig ko naman natawa si daphny, 'ngayon alam ko na kung bakit bigla syang magdecide ng make over." natatawang saad nito...
'pero ang totoo, gusto ko na talaga sya noon pa, hindi ko lang matanggap sa sarili ko, na magkakagusto ako sa isang katulad nya, dati kasi ang mga tipo kong babae yung hindi makabasag pinggan, hindi yung laging nagbabasag ng pinggan ko, nakailang dosenang palit na ako dahil sa kanya, natatawang saad ko, na pilit inaalis ang lahat ng sakit na nararamdaman.
'kung naririnig ka nyan, malamang mata mo lang ang walang latay sa gulpi nya." ani laurence, napatawa naman ako, 'sige lang bumangon lang sya, bibili ako ng marami pang babasagin nya, basta gumising lang sya gagawin ko ang lahat.
biglang bumigat ang dibdib ko, hindi ko naiwasang maluha, 'sige na mag pahinga na kayo, kami nalang ang mag babantay sa kanya." ani roxanne
'pasensya na pero ako na lang ang bahalang mag alaga sa kanya, wag kayong mag alala hindi ko sya pababayaan, para makauwi narin si laurence." saad ko, nagtinginan naman sila roxanne na nagdadalawang isip pa, 'sigurado kabang ayos kana?." tanong ni laurence, tumango naman ako...
'sige na hayaan nyo sya, hindi lang halata sa kanya pero magaling syang doktor." pangkukumbinsi nito kina roxanne.
'ok sige, basta tawagan mo kami pag nagkaproblema, bukas babalik ako para palitan ka sa pagaalaga sa kanya." ani roxanne. 'sige." tugon ko, saka ito tuluyang umalis...
3 months later....
Kakatapos ko lang makipag meeting sa marketing team ko para sa bago kong ioopen na mall sa cebu, tinawagan ko naman si laurence para iupdate sya sa mga shares namin sa ibat ibang business kung saan kami nag invest, papunta na ako sa hospital at naabutan ko sila roxanne na pinupunasan si Kate..
nabibilib din ako sa kapatid nyang ito, although may pagka tomboy kung umasta, napaka maalaga naman nito, napansin ko nga close sila ni zack,
minsan inaasar ko sya kay zack, namumula naman ito at napapatawa namab ako, mag kapatid nga sila ni kate.
'kamusta naman sya." tanong ko..
ngumiti naman ito, 'yan ayos naman, pero di parin gumigising." saad nito
'itong si ate, napakahilig sa fairytale, sleeping beauty pa ang napili." pagbibiro nito
natawa naman ako sa sinabi nya, 'sige iwan na kita ,may pasok pa ako ee." pagapapaalam nito, ngumiti naman ako saka tumango, inaantay nya ako bago pumasok sa trabaho, minsan naman si elise ang pumupunta, si tita naman laging nagpupunta, may times din na nakikita ko itong umiiyak, at hindi ko maiwasamg makaramdam ng guilt...
lahat kami umaasa na gigising sya at muling ipapakita ang maganda nyang ngiti sa amin, hinawakan ko naman ang kamay nya.
'babe ang tagal mo ng tulog, bumangon kana dyan, miss na miss na kita." bulong ko sa kanya, at dinampian ko sya ng halik sa noo, medyo namayat na nga ito pero nanatili itong maganda...
Pinunasan ko ito gamit ang bimpo.
'oh liam, Andito kana pala, wala kabang meeting ngayon." pagtatanong ni tita na kararating lang.
hindi ako nagsasalita about sa amin ni kate, di rin naman na nya ako inusisa, pero sa tingin ko may idea na sya na mahal ko ang anak nya, siya pa nga ang nagsabing, tita nalang ang itawag ko sa kanya.
wala tita, tapos na po, saka dala ko naman ang loptop ko kya pwede ko na magawa dito ang work ko." magalang kong saad.
ngumiti naman ito, 'sya sige kainin mo ito, para sayo yan." sabay abot sa akin ng bagay na nilagay nya sa isang mankok, masabaw na malapot na kulay puti at may bilogbilog...
tinignan ko ito at inamoy, natawa naman si tita sa inakto ko, 'hindi ka pa ba nakakain nyan." aniya, tumango naman ako
'ginataang bilobilo yan masarap yan, try mo." dagdag pa nya, 'salamat po! ani ko. tinikman ko naman ito, at ang sarap nga, grabe, bakit ngayon ko lang nadiscover ang ganitong pagkain.
'tita ang sarap, alam ko na kung saan nag mana si kate ng galing sa pag luluto." saad ko, natuwa naman ito sa sinabi ko, 'ikaw talaga ang bolero mung bata ka." malamang marami ka sigurong pinaiyak na babae.
napatigil naman ako sa sinabi nya dahil pinaiyak ko ng maraming beses si kate..