'zack, I want this ring." saad ko sa kanya saka ipinakita ang screen ng mcbook ko, isa yong website ng magaganap na subastahan ng mga mamahaling alahas, at kung ano-ano pa, pag dating sa ganitong mga bagay maasahan ko talaga si zack, isang sing sing na white gold na may malaking diamond na color blue, 'alam kong magugustuhan ni kate ito." saad ko pa! ngumiti naman sya 'grabe ka bro, wala pa ngang malay yung tao parang gusto mo na itali sa katawan mo." anito na tinawanan ng lahat.
'basta gawin mo nalang paniniguro ko." nagtaas naman ito ng kamay, 'okay fine bro." saad nito..
tumingin naman ako sa relo ko pambisig, ng makita ang oras ay nagpaalam na ako na aalis, 'bro sa hospital kaba didiretso." tanong ni laurence tumango naman ako, pupunta din kami mamaya para bumisita." anito. 'sige." saad ko saka nagtaas ng kamay bilang pagpapaalam sa kanila,
nang makarating na hospital nakita ko si elise na natutulog sa tabi lamang ni kate, bahagya itong nagising ng maramdaman ang prisensya ko.
'kuya liam, andyan kana pala." anito,
ngumiti naman ako, 'magpahinga kana elise, mukhang pagod kana." saad ko ngumiti naman ito at saka tumayo at nahiga sa sofa.
tinitigan ko si kate, sobrang miss na miss ko na sya, yung pang aaway nya saakin, naalala ko ng mag punta kami ng japan, kahit natatakot sya mag skiing nag try parin sya dahil gusto ko, saka ko naisip, na lahat ng ginawa nya, dahil sa kagustuhan ko, puro para sakin, pero ako wala pa akong nagawa para sa kanya, di ko napigilang mapaluha lalo na nang maalala ko yung huling sinabi nya sa akin bago sya maaksidente, I play with her heart, I'm so sorry kate." bulong ko sa kanya at hinalikan ito sa nuo, mahal na mahal kita, I'm sorry kung pakiramdam mo pinaglalaruan kita, I'm sorry because I am too stupid, but please come back to me, I promise that I will make you happy this time, please kate I love you comeback to me."
napatayo ako ng bigla na lamang tumunog ang EKG monitor, dahil nag flat line ito, parang nanikip ang dibdib ko pero ni revive ko sya kaagad, hangang pumasok ang mga nurse, 'ihanda ang defibrillator." sigaw ko habang pinapump ang dibdib nya, si elise naman ay nakatayo sa gilid habang gulat na gulat, ng naiready na ang defibrillator nilapat ko ito sa katawan ni kate, isa sa bandang itaas at isa sa bandang ibaba ng puso nya, 'clear." saad ko sabay ng pag angat ng katawan nito, pero di parin nag normal kaya inulit ko pa clear, ngunit bigo ako, bigla naman dumating sila laurence kaya naabutan nila ng nirerevive ko si kate, sa pangatlong beses clear, parang gumuho ang mundo ko ng makitang walang resulta ang ginawa ko, kaya umibabaw na ako sa kanya at pinump muli ang puso nya, habang patuloy sa pagtulo ang luha ko, 'kate!." lumaban ka! please, kate! dont do this to me, wag mo ko iwan." usal ko habang patuloy parin sa pagpump ng puso, nya umaasa na muli itong tumibok, pero inawat na ako nila laurence ngunit hinawi ko ang mga kamay nila, 'hindi!! hindi maari!, hindi nya ako iiwan." halos pasigaw kong sabi, kaya pinump ko muli ang puso nya, ng hindi na ako makapagpigil ay pinukpok ko na ito gamit ang mga kamay ko ng tatlong beses.
Kate's POV
nakita ko ang sarili ko sa isang lugar na hindi ko alam kung anong lugar,
pakiramdam ko ito ay isang kawalan, nag lakad ako sa kawalan ng may marinig akong tumatawag sa akin, ng marinig ko ang tinig nya nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam, parang gusto ko malaman kung sino sya, para bang may nagsasabi sa akin na alalahanin ko kung sino sya, kaya sinundan ko ang tinig nya, ng marinig kong sabihin nya na mahal nya ako, mas naging malakas ang kagustuhan kong makita sya, kaya tumakbo ako papunta sa tinig, ngunit unti unting nilalamon ng kadiliman ang paligid, ''kate wag mo ko iwan!!." sabi ng tinig kaya napaluha ako at di sumuko, pinilit kong maabot ang natitirang liwanag na pinanggagalingan ng tinig nya, 'gusto ko sya makita."
Liam's POV
tuluyan na akong napaluha maging si elise ay walang tigil sa pag iyak, lumapit naman si laurence at tinapik ang balikat ko, 'bro." mahina nitong sabi na nagpipigil ng luha nya, 'you have to declare it." at mas lalo na akong napaiyak sa sinabi nya, hindi ko kayang bumitaw sa kanya, hindi ko kayang ideclare na patay na sya, 'hindi, hinawakan ako nito pero ayoko umalis sa pagkakayakap ko kay kate, ng maramdaman ko ang maiinit na palad na yumakap sa akin, agad akong natigilan na wari isang panaginip, ng bumaling ako sa kanya, halos hindi ako makapaniwala ng magtagpo ang mga mata namin, 'kate, buhay ka!." di makapaniwalang saad ko, saka niyakap ito ng mahigpit, hindi din makapaniwala sila laurence ng makita nga nilang buhay si kate, sobrang saya ko, walang mapagsidlan, halos ayoko na syang bitiwan, inawat nalang ako nila shaun zack at laurence, dahil nakaibabaw pa ako sa kanya, nagsagawa ng ilang test sa kanya sina laurence at lahat naman ay ok ang resulta,
ilang araw mula ng magising si kate ay hindi parin ito nagsasalita, dahil narin sa epekto ng aksidente, inabutan ko naman agad sya ng fruit shake na ako pa mismo ang nag blend, nang lumapit ako sa kanya nakatuon lang ito sa akin, naisip ko tuloy baka galit pa ito sa akin dahil sa nangyari, hindi ko naman sya masisisi, pero ok lang, mag ttyaga ako hanggang maibigay nya ang pagpapatawad sa akin, nakangiti kong binigay ang juice sa kanya pero hindi ito gumalaw at nanatiling nakatingin kaya hinawakan ko ang mga kamay nya at inilagay duon ang baso ng juice, saka ko naman hinawi ang mga takas na hibla ng buhok nya, ang ganda parin nya kahit medyo namayat ito, akma kong hihimasin ang pisngi nya ng hawiin nya ang kamay ko, pero ang ikinagulat ko ay ang ekspresyon nya na parang gulat na gulat sa ginawa ko, kaya para akong nababaghan habang nakatingin sa kanya, 'anong problema tanong ko?, ayaw mo bang hawakan kita dagdag ko pa." sino kaba? anito na nagpagulat sa aming lahat, kaya ng marinig ito lumapit agad si laurence. 'kate! kilala mo ba ako." 'aahhm, ikaw yung doctor diba." sabi nito, lumapit naman si elise, 'ate ako kilala mo ba." nangiti naman ito, 'syempre kilala kita, ano kaba!?." saad nya, ibig sabihin kami lang ang di nya nakikilala, 'ee si daphny kilala mo ba? dagdag ni elise, 'uo naman si daphny paba, ee parang kambal ko yun." saad nito, sa madaling salita kami lang ang di nya nakikilala, nakaramdam ako ng lungkot pero mas lamang ang saya, ang importante buhay sya, sa ngayon yun lang ang mahalaga, kaya lumabas muna kami ng ward kung nasaan si kate, dumating na rin ang pamilya nya at tuwang tuwa, ang saya nilang pag masdan, sa tingin ko nagkaroon sya ng short term memory lost." ani laurence
'ayos ka lang ba bro." tanong ni kenzo
tumango naman ako, 'uo ang importante okay na sya." saad ko...
ng magpaalam ang magulang ni kate na uuwi na ay lumapit sa akin si tita.
'liam! alagaan mo si kate ha! sabay kindat pa nito, tumango naman ako at ngumiti kahit na hindi ko alam kung paano iaaproach si kate, nagpaalam naman sila laurence pero nagpaiwan si kenzo at zack, ng pumasok kami sa room napansin ko ang masamang tingin nito, pero lumapit padin ako.
'may kailangan ka paba?." tanong nito
hindi naman ako makaimik, hindi ko naman malamang kung anong gagawin ko?, tinitigan ko naman siya, 'a-ako kasi yung nutritionist mo para gumaling kana, utos kasi sa akin siguraduhin ko daw na masustansya kinakain mo...24/7." pagsisinungling ko, nakatuon lamang ang mata nya sa akin, ngunit mas pinili na lamang nitong mahiga, 'tungkol kanina nabigla ba kita?." tanong ko naman sa kanya pero ni hindi ito naagabalang tignan ako, kaya pinagsawalang bahala ko nalang, nag paalam naman sina roxanne na uuwi na kaya ako na lamang ang kasama ni kate, tahimik kong pinag mamasdan ito mula sa pwesto ko ngayon, hindi man nya ako nakikilala sa ngayon umaasa ako na someday maalala nya ako.
kinabukasan maaga akong nagorder ng food para sa kanya, maaga din na dumating si roxanne, 'ohh, liam nakapagpahinga kanaba?." tanong nito.
'uo, nakaidlip naman ako." saad ko
'naku, sapat ba yun, simula pa naman nung una di kana natutulog ng maayos dahil lagi ka nandito." saad nya 'baka mamaya nyan ikaw naman ang magkasakit." dagdag pa nya, wag kang mag alala, makita ko lang ang ate mo malakas na ako." pagbibiro ko,
napatawa naman ito, 'nagaadik ka ano." saad nito na natatawa...
ng magising si kate ay inasikaso ko na ito kaagad, 'inihanda ko na yung pagkain mo." saad ko ng nakangiti, salamat." mahingang anito, akma akong lalapit ng mapansin kong bahagya syang kumilos papalayo kaya natigilan ako, pwede bang si roxanne nalang ang magpakain sa akin." saad nito, hindi naman ako nakaimik, lumapit naman si roxanne, 'sige na liam ako na muna ang bahala, wag kang magalala." saad nito tumango naman ako, saka lumabas, medyo masakit din pala, akala ko okay lang basta magising na sya, although totoo naman, basta buhay sya, pero ngayon gusto ko maalala nya ako, parang ang sakit na kinalimutan nya lahat ng alaala naming dalawa, lahat pati yung mga masasaya naming alaala, napabuntong hininga na lamang ako.
Kate's POV
ng magising ako mukha nya kaagad ang bumungad sa akin, hindi ko sya kilala pero nakakapagtakang masaya ako na makita sya.
'sino ba kasi sya, bakit close sa kanya ang pamilya ko, sino ba sya." tanong ko sa sarili, pero kahit anong isip ko di ko talaga siya kilala. saka naiilang ako sa way kung paano nya ako titigan, pero sa totoo lang, ang gwapo nya pwede nga yata syang mapagakalaan na artista, mas lalo akong napaisip kung boyfriend ko sya, swerte ko naman kaya imposible, ayoko rin naman syang ipagtabuyan, pero ayoko sa way ng paglapit nya, naiilang ako, naalala ko pa kahapon hihimasin nya ang mukha ko na parang jowa k, ee hindi ko nga sya kilala kaya napapaiwas talaga ako sa kanya, naiilang kasi ako.
samantala habang inaalalayan ni roxanne na kumain si kate napatuon naman sya kay kate, 'ate, wag mo naman ipagtabuyan ng ganun si liam." saad nito dahil sa awa nya sa binata, dahil nakita nya kung paano nito alagaan si kate habang ito ay walang malay...
binalingan naman sya ni kate, hindi ko naman sya pinag tatabuyan ahh, ani naman nito.
napabuntong hininga na lamang si roxanne, saka naman dumating si daphny na naluluha pa ng makita ang kaibigan na may malay na, lumapit naman ito at yumakap sa kaibigan..
'kate I cant believe this, your finally awake, best, I missed you so much." anito habang naluluha.
ngumiti naman si kate, bakit? ganun ba talaga ako katagal na natutulog." saad nito...
'bakit nga pala nasa labas si liam?." tanong ni daphny, napayuko naman si roxanne habang si kate ay parang nagtataka sa tanong nito.
di na nito napigilang magtanong 'nakakapagtaka bakit sino ba sya at lahat yata kayo ay close sa kanya." usal nito
napatingin naman si daphny kay roxanne na parang nagtatanong ng anong nangyayare, tumikhim naman si roxanne saka bahagyang bumulong sa kaibigan.
'walang maalala si ate di nya makilala si liam, nagulat naman si daphny at napatakip ng bibig at napatingin kay kate.
'bakit? sino ba sya? ano mag sasalita ba kayo or what." inis na saad nito.
nagtinginan naman si roxanne at daphny, habang iniisip kung sasabihin ba o hindi, 'ang totoo." usal ni roxanne at nag buntong hininga saka tumingin ng diretso sa nakakatandang kapatid...
'hindi!! kailangan nyang malaman ito, dahil ayokong maging unfair kay liam." anito, 'nuong una ayoko sa kanya dahil parang wala syang magandang maidudulot kay ate, pero nakita ko kung paano sya nag sacrifice na alagaan si ate, naisip ko kung gaano kahalaga si ate sa kanya, kaya masasaktan sya kung magpapatuloy ito, kung hindi mo man sya maalala atleast treat him well." saad ni roxanne kaya napa kunot ang nuo ni kate, 'ano bang sinasabi mo?." tanong nito, humugot muna ng hangin si roxanne saka siryosong tumingin sa kanya, 'ate boyfriend mo sya." saad nito, napa awang naman ang labi ni kate sa sinabi sa kanya ng kapatid.
halos mapaawang naman ang labi ni kate sa sinabi ng kapatid, no! imposible sinasabi mo ba na pumatol ako sa mas bata sa akin." saad nito ng hindi makapaniwala...
tumango naman ang dalawa habang nakatuon kay kate, paano nangyare yun? takang tanong nya, ewan basta nalaman nalang namin, na may boyfriend ka,
hindi naman makapaniwala si kate sa nalaman, 'paanong pumatol ako sa lalaking mas bata ng 2 taon sa akin, ang mga tipo kong lalaki yung matured at mas may edad sa akin." saad nito...
bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si liam kasama si yuan,
wala naman itong imik na umupo lang sa sofa na nasa harap lang ng bed ni kate.
para naman kuminang ang paligid ni kate ng makita si yuan, 'sya ang tipo kong lalake! bulong nito sa isip nya, kaya bahagya itong napangiti.
ngumiti naman si yuan at lumapit sa kanila, 'dumaan ako para ibigay ito." sabay labas ng ice cream sa bitbit na plastik napangiti naman ang dalaga, lalo na ng makita ang flavour ng ice cream, mango graham wow, salamat." pag papasalamat nito habang nag niningning pa ang mga mata sa tuwa.
para namang nakaramdam ng kirot sa dibdib si liam ng makita niya ang matamis na ngiti ng dalaga sa kaibigan,
kaya napasimangot ito at nag iwas ng tingin, alam nyang hindi sya dapat magselos pero di nya maiwasan.
paano mo nalaman na ito ang paborito kong flavor, takang tanong nito na pinagtakhan ng lahat maging si liam.
tumikhim naman si yuan, dati kasi madalas tayong magpunta sa ice cream parlor, at sinabi mo na yan ang paborito mong flavor, saad nito napa ahh naman si kate...
nagulat naman si liam sa nalaman, hindi kasi nito alam na lumalabas ang dalawa para kumain ng ice cream
habang tuwang tuwa si kate na kumakain ng ice cream, nag paalam na si yuan na aalis at sinamahan sya palabas ni liam.
'balik ka ahhh." saad ni kate, nag tinginan naman si roxanne at daphny na parang nababaghan sa kinikilos ni kate.
ngumiti naman si yuan saka tuluyan ng umalis, habang si liam ay tuluyan ng sumama ang timpla.
ng tuluyang makaalis ang binata ay nagbulungan naman si daphny at roxanne, 'ano nangyayari? bakit parang kay yuan sya may interes." ani daphny...
malay ko dyan kay ate?." ani roxanne
'malaking problema to?." ani daphny na sinang ayunan ni roxanne..