Chapter 6

2482 Words
S Y R A N A H NANDITO ako ngayon sa kama ko na nakaupo habang nakatingin sa libro na nasusunog na harap ko. Ako ang nagsunog ng libro. Iyon ang libro na ibinigay ni Jed sa akin galing kay Nanay Elley. Nabasa ko na ang nakasulat dito. Napabuntong hininga na lang ako. Unti-unti na itong naging abo. Nakarinig ako ng katok sa may pintuan. "Come in." "Sy? May bisita ka," bungad ni Travious. Tumango ako at mula sa likod ni Travious ay may babaeng pumasok sa kwarto ko. "Sy..." tawag niya sa pangalan ko. "Maiwan ko muna kayo, Syranah. Aalis muna ako, ikaw na ang bahala sa bahay," paalala ni Travious. Tumango ulit ako at isinarado na niya ang pinto. "What do you want?" deretsa kong tanong sa babaeng nasa harap ko na. Tumabi siya sa akin sa kama at naupo rin. "We need your help, Sy," may lungkot na sabi ni Shandie. Yes, it's Shandie. "Help?" Tumango naman siya. "Hindi ito pilit Syranah, nasa sa'yo na kung tutulungan mo kami." May iniabot siyang medyo may kaliitan na libro sa akin. "Nakalagay diyan ang lahat ng impormasyon na dapat mong malaman na nalaman na namin at ang mga dahilan kung bakit kailangan namin ng tulong mo," paliwanag niya. Tumayo siya at tumalikod na. "Sana tulungan mo kami." Pagkasabi niya no'n ay bigla na lang siyang naglaho. Napatingin naman ako sa libro na nasa tabi ko. Sinimulan ko na ang pagbabasa ng libro. Ayon sa nabasa ko — actually kung hindi ako nagkakamali ay history 'to ng Mystic World. “Noong sinaunang panahon ay may isang Diyosa. This Goddess is a proved na may isang perpektong nilalang na nabubuhay sa mundo. Creseal — which is the Princess of the Mystic Palace. Bata pa lang si Creseal ay alam na niya kung paano gamitin ng husto ang tinataglay niyang kapangyarihan. Tinataglay ng Prinsesa ang lahat ng kapangyarihan ng Elementalists which is air, water, ice, nature, and fire. May dalawang matalik na kaibigan ang Prinsesa, sina Light at Dark.” Napahinto naman ako sa pagbabasa. Sina Light at Dark? Sila kaya 'yong mga transferees? “Silang tatlo ay hindi mapaghihiwalay. Years passed at lumaki na nga sila. Lumaki ng makisig at magandang lalaki sina Light at Dark samantalang lumaki namang magandang dilag ang Prinsesa.” Seryoso ba ang story na 'to? Hindi ko alam kong maiinis ba ako sa story o kaya ay makokorni dahil hindi ako nakakarelate. Wala rin naman akong choice kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa. Naumpisahan ko na kaya dapat tapusin talaga. “Umibig ang dalawa sa Prinsesa at sa panahon rin na iyon ay kinoronahan sina Light at Dark bilang mga Diyos. Sa pagsapit ng tamang panahon ay nakatakda na ang pagpili ng magiging kabiyak ng Prinsesa. Hindi pumili ang Prinsesa at siya ay lumisan na lang nang bigla at hindi na bumalik pa.” Binasa ko na lang ang nasa may huling bahagi ng libro. “Pagsapit ng unang kabilugan ng buwan ay kailangang makabalik na ang Prinsesa kung ‘di maglalaho ang mundo ng Mystic.” Napakunot naman ang noo ko, bakit? Sa tingin ba nila ako ang Prinsesa? Nalito ako sa nakasulat kaya bumalik ako sa isang pahina na hindi ko pa nabasa. "Maghanap ng Prinsesa upang hindi maglaho ang mundo," pagbasa ko sa nakasulat. Bakit? Prinsesa ba ako? Ano ba namang kabaliwan 'to. Hinawakan ko ang libro ng mahigpit at naglaho ito. Tumayo ako at isinara ang pinto sa kwarto ko. Gabi na pala dito sa mundo ng mga tao. Humiga ako sa kama para matulog pero hindi ako makatulog. Bumaba ako ng kwarto para magtimpla ng gatas. After some minutes ay natapos rin, ininom ko ito at dumeretso na ako sa kwarto para makapagpahinga. Nakakapagod mag-isip. S H A N D I E IKATLONG araw na ngayon mula noong pumunta ako sa bahay nina Syranah. "Pupunta ba siya dito?" tanong ni Liry na katabi ko lang. "I don't know," wala sa mood kong sabi. Kainis! Ba't pa kasi ako naging elementalist?! Yes, I am an elementalist — Nature Elementalist. Lima kaming lahat — Si Krioz as Fire Elementalis, Si Draz as Air Elementalist, Liry as Water Elementalist, Irza as Ice Elementalist, at ako as Nature Elementalist. Nalaman ko iyon noong sinundo kami sa bahay ni Mike, sinundo sa marahas na pamamaraan. "Bukas na ang kabilugan ng buwan." Biglang sumulpot si Luke sa tabi ko. "Pupunta siya," biglang sabi ni Selene. Napatingin naman kami sa kanya na para bang may malaking question mark sa ulo namin. "Basta darating siya," sabi ni Selene at umalis. Nasa sala kami ngayon ng palasyo. Ako, si Luke, si Liry, at si Jed na lang ang nandito. Ang Empires ay abala para bukas ng gabi at ang iba naman ay nasa labas ng palasyo. Si Mike at Kelly ay nakatira sa labas ng palasyo dahil tao si Kelly at bawal siya dito. Bawal din ang Bampira dito kaya sinamahan siya ni Mike. Hindi naman mahirap pakisamahan ang mga Royalties except sa Empires na parang wala sa mood at lalo na si Light na parang laging galit sa mundo. Sina Dark at Light ang tinutukoy ko na Empires. Nakakatakot ang dalawang iyon pero may kabaitan din naman silang taglay. "Hindi ka ba dadalaw kina Kelly?" tanong ni Luke. Ayaw kong magkulong na lang dito sa palasyo habang buhay at hintayin si Syranah. "Sasama ako," sabi ko at sumama na ako sa kanila. Okay na rin ito para mas marami akong malaman sa mundong ito, sa mundo kung saan talaga ako nababagay. Si Luke, si Jed, si Liry at si Selene ang kasama ko ngayon. Paglabas ng palasyo ay bumungad agad sa akin ang maaliwalas na kapaligiran. Buti pa dito, presko ang hangin. Sa mundo ng mga tao halos polusyon ang paligid. "Ate, maglilibot lang ako sa paligid babalik agad ako," pagpapaalam ni Selene. Bago pa ako makapagsalita ay inilabas na niya ang papak niya. "Ahhh!" sigaw ni Jed nang hawakan siya ni Selene at hilain siya nito paitaas. Tumawa naman si Selene habang tumataas pa ang lipad niya. "Mga bata nga naman," bulong ni Liry. Napailing-iling naman ako at na una ng maglakad. S Y R A N A H "HINDI mo yata suot ang wig at eyeglasses mo?" tanong ni Travious. Kumakain kami ngayon ng breakfast. Nasa harap ko siya ngayon. "Napagtripan ako ng isang Imp at ayoko nang maulit iyon," walang gana kong sabi. "Imp? At saan ka naman nakakita ng Imp?" tanong niya. "Sa Mystic World," maikli kong sagot. Hindi kami close ni Travious pero sinasabi ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko. "Really? Paano mo natuklasan ang mundong iyon?" medyo gulat niyang tanong. "Marami akong kilala na doon nakatira." Bumuntong hininga naman siya. "Matagal na rin akong hindi nakarating doon." Since I was three years old, siya na ang nagpalaki sa akin. Natagpuan lang niya akong palaboy-laboy sa kalsada and I'm thankful for him. Kahit parang walang kwenta ang buhay ko, nagpapasalamat pa rin ako at nabuhay pa ako hanggang ngayon. "Wala ka bang balak bumalik doon?" tanong ko. "Depende." "Kailangan ka ni Jed." "Hahanapin niya rin ako." Napahinto ako saglit sa sinabi niya. Well, he have a point. Pinagpatuloy ko na lang ulit ang pagkain. "Ikaw? Hindi ka ba pupunta?" seryoso niyang tanong. "Sino naman ang pupuntahan ko roon?" pabalik kong tanong sa kanya. "Malay mo, may malaman ka about yourself in that world, besides doon ka naman talaga nababagay 'di ba? You're immortal and not a mortal, Syranah," seryosong sabi niya. Uminom ako ng tubig bago siya tiningnan. "I have my responsibilities here, Travious." "Sa school ba? Ako na ang bahala roon, just make sure na babalik kayo next month." Napahilot naman ako sa sentido. "Yeah right, kahit 'di mo sasabihin. I need to," walang emosyon kong sabi. Next month na pala ang event. Well, as if I have a choice? Pinagtatabuyan na nga ako 'di ba? Bahala na nga. May event pa na magaganap next month at hindi ako puwedeng mag-excuse dahil ako ang ginawa nilang representative. "Nabalitaan ko ang paghingi ng tulong ng Mystic creatures sayo," pag-iiba niya. "Updated ka pa rin pala sa mundong iyon," sarkastiko kong sabi. "Yes I am, ang Mystic ang tahanan ko." "Pero iniwan mo." "Nope. Hindi ko iniwan at iiwan iyon." "Babalik ka?" tanong ko. Tumayo siya at ginulo ang makukulay kong buhok. "It depends, just remember, Syranah... piliin mo ang tama at magdesisyon ka ng tama," paalala ni Travious. "Yeah yeah yeah," bored kong sabi. "Ako na ang magliligpit dito baka may pupuntahan ka pa," nakangisi niyang sabi. Tiningnan ko na lang siya ng ilang sandali. "Fine. I gotta go." "Okay. Be safe, sweetie." Tumango ako at tinungo na ang kwarto. Nagbihis ako ng kulay white na dress at black na knee boots with heels. Tumingin ako sa malaking salamin na nakadikit sa cabinet ko. Hindi ko na iniba ang kulay ng buhok ko. Hinayaan ko na lumabas ang makukulay nitong kulay at wala na rin akong suot na eye glasses. Tinali ko ang buhok ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay pumwesto na ako. Nakatayo ako sa may kama ko. Pinikit ko ang mga mata ko at pagmulat ko ay nasa isang pamilihan na ako na maingay at may mga iba't-ibang nilalang sa paligid na may kanya-kanyang ginagawa. S E L E N E TAWA ako ng tawa pagbaba ko galing sa paglipad. Hindi kasi maipinta ang mukha kasi ni Jed! Sa sobrang pagtawa ko ay napahawak pa ako sa tiyan ko. "Lagot kang ibon ka!" sigaw ni Jed at hinabol ako. Tumakbo naman ako at itiniklop agad ang pakpak ko. Nakarating kami sa lugar kung saan kami dumaan noong una naming punta rito. Maraming nilalang kaya hirap na makisiksik si Jed para mahabol ako. Huminto ako para habulin ang hininga ko. Nagpalinga-linga ako at hindi ko na nakita si Jed. Yes! I'm the winner! Oh yeah! Halos magsasayaw ako sa kinatatayuan ko kaso may biglang dumapo sa akin na maliit na nilalang. "Ahhhh!" sigaw ko at pilit na inaalis ang maliit na iyon. Halos magtatalon na ako. Iyong mga nilalang sa paligid ay nagbubulungan na. Anong klaseng creature ba ang maliit na ano na 'to! Napaupo ako sa hiya at takot. Wala naman kasi akong masyadong alam sa mga nilalang dito e. "What do you think your doing bubwit?" rinig ko na boses sa may harap ko. Napatingala ako sa pamilyar na boses at pagtingin ko — diyosa. Ang ganda niya! "Get up, Selene." "Ate Syranah! Buti bumalik ka!" sigaw ko at niyakap siya ng mahigpit. "Yeah. I'm back." As usual wala namang nagbago sa emosyon niya except lang sa beauty niya na talagang wala nang makakapantay pa. "What's your name bubwit?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong ni Ate Sy. Nanlaki ang mata ko dahil nakatingin siya sa may balikat ko. "Zas, ako po si Zas," isang napakaliit na boses ang narinig ko mula sa may bandang balikat ko. Akmang sisigaw na sana ako kaso pinigilan ako ni Ate Sy gamit ang ability niya? Ewan! Hindi ko naman siya nakita na may inilabas na power o iniangat ang kamay niya, basta ang alam ko lang ay hindi ko maigalaw ang bibig ko. "He's an Imp, Selene. You have to respect them if you want them to respect you," kalmadong sabi sa akin ni Ate Sy. Ang mga tao este nilalang kanina na nakatingin sa akin ay wala na, bumalik na sila sa mga kanya-kanya nilang ginagawa. Mabuti at hindi sila kagaya ng mga tao na halos wala na lang magawa kung ‘di manglait at makichismis. "I'm Syranah, how can I help you?" tanong niya kay Zas. I think siya ang Imp na nang-inis kay Ate Sy noong una naming punta dito. "Ang aming tahanan ay sinasalakay ng mga Gnome," sabi naman ng maliit na nilalang na si Zas. Napakunot naman ang noo ko. "Gnome?" tanong ko. Napatingin naman ako kay Ate Sy. Naghihintay ako sa paliwanag niya tungkol sa Gnome? "A small humaniod creature who lives and moves beneath the earth," paliwanag ni Ate Sy. "Hoy ibon!" rinig kong sigaw ni Jed. "Stop calling me that Jed, hindi ako ibon," pairap kong sabi. "Bakit ba? Ibon ang pakpak mo e." "Bakit? Magkapareho ba ang ibon at cherubim? Spelling pa nga hindi na magkaparehas pano pa kaya kapag meaning na?" pambabara ko. "Sy! Long time no see," nakangising sabi ni Jed. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to, walang galang kay Ate Sy! Inilahad ni Ate Sy ang kamay niya kay Jed kung saan nakapatong si Zas. "Ang liit naman! Ang cute naman ng nilalang na 'yan!" naaaliw na sabi ni Jed. Ngumiti at mas lalo namang nagpa-cute si Zas kay Jed. "Parehas lang kayong bubwit," seryoso at walang emosyong sabi ni Ate Sy dahilan para humalakhak ako ng malakas. Si Jed? Epic ang mukha! Parang matatae na ewan! Hahaha, buti nga sa kanya! "I'm not a bubwit!" inis niyang sabi. Ang Imp naman ay wala lang. Palipat-lipat lang ang tingin niya kay Ate Sy at Jed. "Where do you live?" tanong ni Ate Sy kay Zas. "In the forest," sagot naman ni Zas. Nagsimula ng maglakad si Ate Sy. "Teka — saan ka pupunta Ate Sy? Bukas na ang kabilugan ng buwan!" tanong ko ng bigla siyang naglakad papalayo. "I'll be back before midnight." Sa isang kurap ay bigla na lang silang naglaho ni Zas. Napakamot naman ako sa ulo. Ano ba 'yan! Kakarating lang niya e! "Bumalik na tayo sa palasyo," sabi ni Jed. Tumango na lang ako dahil parang wala sa mood si Jed at baka ako pa ang mapagbuntunan galit niya ng galit. Naglakad na lang ako para masabayan ko si Jed. Tahimik lang kami habang pauwi sa palasyo. May malalim siyang iniisip. "May problema ba?" tanong ko. "Nothing, kailangan ko siyang makausap." "Bakit? Anong mayro’n?" curious na tanong ko. "Sasabihin ko sayo kapag nalaman ko na ang dapat kong malaman. I know may alam si Sy," seryosong sabi ni Jed. Kahit nalilito ay tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa mga sinabi niya. Wala naman sigurong masamang ginawa si Ate Sy sa kanya 'di ba? Hindi ko alam kung bakit si Ate Syranah ang pinili bilang Prinsesa. Hindi naman sa mukhang ano si Ate Sy. Feeling ko kasi hindi siya Prinsesa... feeling ko mas pa siya sa isang Prinsesa. Napahinto naman ako saglit, hindi kaya — siya ang pinili dahil alam nilang malakas at hindi mapantay-pantayan ang ability ni Ate Sy? Nakakaramdam ako ng ability, isa iyon sa sinanay namin ni Ate Sy noon at base sa nararamdaman ko kay Ate Sy ay parang may pumipigil na kung anong bagay sa akin para ko hindi maramdaman ang ability niya. Siguro nga malakas talaga si Ate Sy. "Hoy! Bilisan mo nga diyan ibon!" sigaw ni Jed. Natauhan naman ako at malayo na si Jed sa akin. Agad naman akong tumakbo at sumabay sa kanya sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD