Chapter 7

2568 Words
S Y R A N A H "GUSTO kitang makausap," bungad sa akin ni Jed sa palasyo. Kagagaling ko lang sa mundo ng mga Imp. "What?" tanong ko. Malalim na ang gabi at paniguradong tulog na ang mga nilalang sa palasyo. Lumitaw lang ako sa loob ng palasyo at mukha agad ng bubwit ang nakita ko. Hindi ako sinagot ni Jed pero hinila niya ako sa kung saan. Isa lang siyang bubwit at hindi ko alam kung saan nanggaling ang kakapalan ng budhi niya para hilain ako. "I know you know him," sabi niya nang makarating kami sa isang maliit na harden. "I know? If you know that I know then why are you asking if I know him when you know that I already know him?" sabi ko naman at umupo sa may bench sa may 'di kalayuan. Nakita kong nag-iisip siya sa sinabi ko. Actually, nililito ko lang siya at nasa sa kanya na kung magpapalito ba siya. "I'm serious Syranah..." seryoso nga niyang sabi habang nakatitig sa mata ko. "Who? Your Father? Do you want to meet him?" pabalik kong tanong sa kanya. Nanatiling kalmado at matigas ang boses ko. Gusto niyang makilala ang Ama niya? I will point his father to him para malaman at makilala niya. Hindi naman ako pakialamera para itago pa iyon as long as gusto at interesado siya, why not? Positive or negative man ang outcome, in the end, may masasaktan pa rin so better tell or point the truth and fact. "Nasaan siya?" halata sa boses niya ang lungkot, pangungulila, at pagkadismaya. "Nasa bahay niya," seryoso kong sabi sa kanya. Sinipa naman ni Jed ang bato na nasa harap niya. "Hindi mo ba talaga magawang magseryoso Sy?!" galit at may pagkainis niyang bulyaw sa akin. Seryoso naman ako, nasa bahay ng Ama niya ang Ama niya. Kasalanan ko ba na magseryoso? Kasalanan niya, hindi siya nagtatanong ng maayos. "Mukha ba akong hindi seryoso?" cold na sabi ko sa kanya dahilan para mapatigil at mapaatras siya. "Kung magtatanong ka, magtanong ka ng maayos hindi 'yong ako pa ang sinisisi mo na hindi marunong magseryoso," pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay agad na akong naglaho sa harap ni Jed. Lumitaw ako sa palasyo at hinanap ang kwarto ko. Humiga agad ako sa kama. Pakialam ko kung magalit siya? Ako pa ang mali? Iyan ang problema sa mga nilalang sa daigdig e, padalos-dalos. Hindi nila inaalam ang tama at naninisi pa ng kapwa nilalang... makatulog na nga lang. NAGISING ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Anong mayro’n? Tumayo ako at lumabas. Nakita kong busy ang mga nilalang sa paligid. Naghahanda sila para mamaya. Mamayang gabi na gaganapin ang seremonya sa koronasyon ng Prinsesa at hindi ako iyon. Hindi ako ang Prinsesa mamaya, bumalik na ang tunay na Prinsesa nila. Kanina lang ito bumalik. "Sy!" Napalingon ako sa nilalang na tumawag sa akin. Nakita ko si Luke na paparating sa kinaroroonan ko. "Bakit?" tanong ko sa kanya pero tanging ngiti lang ang sinagot niya at hinila ako sa kung saan. "Siya si Creseal, ang nawawalang Prinsesa," pagpapakilala ni Shandie sa babaeng nasa harap namin. Kasama ko sina Luke, Selene, at Shandie sa loob ng isang kwarto dito sa palasyo. Tahimik lang na nakikinig sina Luke at Selene. She is really beautiful, may pula na mata at buhok. I can sense na malakas nga siya. "Syranah," tawag niya sa pangalan ko. Hindi pa ako nagpapakilala pero kilala na niya ako. "Cres!" Napalingon kaming lahat sa may pinto at iniluwa doon sina Light at Dark. Tumakbo sila sa kinaroroonan ni Creseal at niyakap nila ito. Halo-halo ang emosyon ng dalawa nang makita si Creseal. "Hindi ako magtatagal dito Light... Dark. Babalik din ako sa mundo kung saan ako nararapat," tumingin sa akin si Creseal. "Mamayang gabi, tatapusin ko ang sumpa. Mabubuhay ang lahat ng nilalang na nandito kahit wala ako o wala ang isang Prinsesa," dugtong niya. "Mamaya na kayo mag-usap, iwan niyo na muna kami," seryoso kong sabi dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. "How dare you to command — " Bago pa natapos si Light sa sinasabi niya ay pinutol na iyon ni Creseal. "Sige na Light, mag-uusap tayo mamaya," kalmadong sabi ni Creseal. She is really a perfect creature pero para sa akin she is just an almost perfect one. Wala nang nagawa sina Light, Dark, at ang iba pa. Umalis sila sa kwarto at isinara iyon. Ipinikit ko ang mga mata ko at pagmulat ko ay may barrier na ang kwarto. Baka kasi may chismosa sa labas. "Ako nga pala ang nagpadala ng apat na lalaki sa bahay ni Mike para kunin sina Shandie." "Alam ko pero hindi mo dapat sinaktan si Selene," kalmado kong sabi. "Lumaban kasi siya, pasensya na." Hindi ako umimik at tumahimik ang buong paligid. Akala ko ay si Lanzea ang may gawa no'n pero hindi siya umamin kaya hindi talaga siya. "Kailangan mong mapatumba ang pinuno ng Dempire," pambabasag ni Creseal sa katahimikan. Magkakakilala kami? Oo, kilala nga namin ang isa't-isa. "Ikaw ang gumawa, kaya mo naman iyon," walang gana kong sabi. "Alam mo namang kaunting oras lang ang ibinigay ng nasa itaas sa akin dito sa mundong ito." Hindi ako sumagot. Hindi dahil sa ayokong tumulong. Baka kasi sa huli ay hindi maging maayos ang kahihinatnan. Kaya kong talunin ang pinuno ng Dempire pero... "Kapag natapos mo ang misyon na iyon, babalik nang pansamantala ang pagiging mapayapa ng buhay mo." Tiningnan ko naman siya. "May magagawa pa ba ako?" bored kong sabi. Wala na akong magagawa, part na iyon ng buhay ko at misyon ko pa! Naglakad siya papunta sa may pintuan at binuksan ang pinto. Bago pa siya nakahakbang papalabas sa pinto ay lumingon siya sa akin. "Matatapos rin ang lahat ng ito... kapatid ko." NAPAHILOT ako ng noo ko habang nakatingin sa langit. Nasa may puno ako ngayon, sa labas ng palasyo. Gusto kong mapag-isa at hindi ko trip sumali sa seremonya nila. Nalilito ba kayo sa mga nangyayari? Mabait ako ngayon kaya sige, ipapaliwanag ko ng maayos. Si Creseal ay isang Diyosa na lumaki sa mundong ito. Ang history ng Mystic World ay medyo tama at mali. Hindi siya umalis, kinuha siya ng nasa itaas. Nasa itaas? Siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat-lahat. Diyosa si Creseal kaya kailangan siya sa itaas para gampanan ang dapat niyang gampanan at doon din siya nababagay. Paano ko siya naging kapatid? Noong isinilang siya ay isinilang rin ako. Sabay kaming isinilang pero nauna nga lang siyang lumabas sa akin. Kambal nga kami. Parehas kami ng mukha pero hindi masyadong halata iyon. Pareho rin kami ng ugali pero hindi kami parehas ng kapangyarihan. Isang Diyosa si Creseal samantalang ako ay hindi. Hindi ako isang Diyosa pero huwag niyong maliitin ang kakayahan ko. Actually, ang totoo niyan ay ngayon ko lang nalaman na magkapatid kami. Nalilito ba kayo? Ngayon pa lang ako nakarating ulit sa mundong ito. Sa mundo ng mga tao ako lumaki dahil doon ako nilagay ng mga magulang namin ni Creseal. Paano ko nalaman? Through my powers. Nang makita ko si Creseal kanina ay doon pumasok sa utak ko lahat ng mga impormasyon na connected kami. Iniisip ko ang nangyari kay Nanay Elley at kung sino ang mga nilalang na sumugod ng gabing iyon. Ang mga nilalang na iyon ay nagbabalat kayo bilang mga werewolf. Hindi kaya mga Dempire ang mga iyon? Posible nga iyon. Mula dito sa kinatatayuan ko ay kita ko ang pagliliwanag ng palasyo. Tapos na ba ang seremonya? Tumingin ako sa langit nang makikita ang bilog na bilog na buwan. Napakunot ang noo ko nang unti-unti itong nagiging pula. May kakaiba sa buwan, nagiging pula ang kulay nito. "Ahhhhh!" Napalingon kaagad ako sa palasyo. May malakas na boses akong naririnig na sumisigaw dahil sa sakit. "Kelly..." bulong ko at agad na naglaho at lumitaw sa loob ng palasyo. Kitang-kita ko kung paano higopin ng isang itim na nilalang ang enerhiya ni Kelly. Bakit ganoon? Walang pumipigil sa kanya? Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at lahat sila ay busy sa pakikipaglaban sa mga nilalang na teka... mga nilalang na lumilipad, itim ang buong katawan, may tatlong mata, mahahabang pakpak at parang tao ang katawan. May nakalaban na akong nilalang na katulad nila! Bakit ang dami nila? Para silang mga paniki na nakawala sa hawla. 'Huwag mong pabayaan si Kelly.' Isang boses ang narinig ko sa isip ko. Isa lang ang makakaggawa ng bagay na iyon. Kahit sinong nilalang ay hindi ko makakausap sa isip kapag isinara ko ang isip ko. Si Creseal lang ang makakaggawa ng bagay na iyon. Tumingin ako sa gawi ni Kelly at tinitigan ko ang nilalang na humihigop sa enerhiya niya. Nawala iyon at bago pa bumagsak si Kelly sa sahig ay nasalo ko na siya. Inihiga ko ng maayos si Kelly at dumating si Mike na hinahabol ang hininga niya. "Bantayan mo siya," malamig kong sabi. Tumayo ako at patuloy pa rin sa pakikipaglaban ang mga nandito. Ang mga elementalists, royalties, at empires ay nakisali na rin. "Hindi sila nauubos," biglang sumulpot si Creseal sa gilid ko. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumisi. We snap our fingers together and in a second, nawala na lahat ng mga nilalang na pangit sa paligid. Napalingon ang mga nilalang na kakampi namin sa gawi namin ni Creseal dahil umiilaw ang kinatatayuan namin. Napatakip kaagad ako ng mata at yumuko. Pahamak naman! "Don't hide it," saway ni Creseal sa akin at ipinaharap ulit ako sa mga nilalang na nakatingin sa amin. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakatakip at sinamaan siya ng tingin. "Ate Sy! Parehas kayo ng kulay ng mata!" biglang sabi ni Selene at tumakbo papunta sa akin. Pumikit ako at nagmulat. "Mas maganda ka kung pula ang mata mo," sabi ni Luke. Compliment ba iyon? Tiningnan ko lang siya ng bored look at nilapitan si Creseal na pinapaggaling si Kelly. Yeah, I have my red eyes. Parehas kami ni Creseal. Kanina red eyes but ngayon, ibinalik ko na sa black. Hindi naman sa ayoko na pula ang mga mata ko, trip ko lang baguhin. "Malaki ang enerhiya na nawala sa kanya," sabi ni Creseal na katabi ko lang. Hinawakan ko ang kamay ni Kelly at umilaw ito. "Bumalik na ang enerhiya niya, kailangan lang niya ng pahinga," sabi ko naman at tumayo. "Oras na para umalis ako," sabi ni Creseal. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papalayo. Ang daming nangyari at alam ko na sa Dempire galing ang mga nilalang na sumalakay. "Hindi ka ba magpapaalam?" rinig kong tanong ni Dark kaya napahinto ako. "Kanino?" pabalik kong tanong. Naglalakad na kasi ako papalayo sa kanila. "You're a rude creature," galit na sabi ni Light. Lumingon ako sa kanila at tiningnan sila ng walang emosyon. "Bakit ako magpapaalam kung magkikita pa kami?" sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad papalayo. 'Ingat kambal.' Mga salitang sinabi ko kay Creseal through telepathy bago ako naglaho sa harap nila. S H A N D I E NAIWAN kaming nakanganga sa inasta ni Syranah. Anong mayro’n? May hindi ba kami alam? Napatingin kami kay Creseal na ngayon ay napailing-iling na lang. "Parehas talaga kami ng ugali. Pasensya na sa inasta ng kakambal ko. Naayos ko na ang lahat, wala na ang sumpa sa Mystic. Sa susunod na lang ulit," kalmado niyang sabi at biglang naglaho. Nanigas naman kami sa kinatatayuan namin. "Kambal?!" sigaw nina Draz at Krioz. Don't tell me, isang Diyosa rin si Syranah? Kaya ba sobrang lakas niya? Kanina ipinaliwanag sa amin ni Creseal lahat-lahat simula noong una hanggang sa pagkawala niya. Diyosa siya kaya kinuha siya ng nakakaitaas kaya naglaho siya noon. Napakurap ako ng ilang beses dahil sa mga kakaibang mga nangyayari ngayon. "Meet us in the meeting room, pag-usapan natin ang mga nilalang na sumalakay ngayon," maawtoridad na utos ni Light. Naglaho si Light kasabay si Dark. Medyo naguguluhan ako ngayon sa mga nangyayari. Bakas rin sa mga ksamahan ko na nalilito rin sila sa mga nangyari. Kahit naguguluhan ay nagpunta na lang kami sa meeting room. Wala si Mike dahil inaalagaan niya si Kelly, ang sweet lang e. Teka... isa pala! Bakit si Kelly ang puntirya nila? Ano ba ang mayro’n kay Kelly? Tao nga lang ba talaga siya? "BARTZ — isang uri ng nilalang na kumakain ng enerhiya. They are known as the 'bats of spirit' sa mundo natin," sabi ni Dark. "Anong kailangan nila?" tanong ni Irza. Nandito na kami sa meeting room. Sina Light, Dark, Liry, Irza, Krioz, Draz, Liry, Luke at iba pang Royalties ang nandito. "Hindi rin naman alam pero base sa pag-iimbestiga, kakampi sila ng mga Dempire," sabi ni Light. Dempire? Bakit ba sila big deal? Ang Dempire ang mga pinakamasamang nilalang na nabubuhay sa mundong ito. Napag-usapan na namin ito noong napunta kami dito. Dinala nila kami dito para tumulong at gampanan ang mga responsibilidad namin. Kapag hindi naubos ang Dempire ay hindi lang ang mundo namin ang maaapektuhan, pati na rin ang iba pang mga mundo. Marami pa ang mundo at kakaibang mundo sa daigdig. "May sandata para mapuksa ang Dempire, hindi ba?" biglang tanong ni Liry. Nagkatinginan sina Dark at Light. "Mayro’n nga, ang Jewels, Lightness, and Darkness," sabi ni Light. "Sa pagkakaalam namin ay kailangang makuha ng mismong may-ari ang mga sandatang iyon dahil kung iba ang kukuha ay mamamatay kapag hindi ang may-ari ang kukuha," dugtong ni Dark. Jewels? "Hindi namin maintindihan, anong mga sandata ang mga ito?" tanong ko. Hindi ba espada, b***l, o ano mang sandata? "Ang Jewels ay pagmamay-ari ng mga elementalists, mga dyamante ang mga ito samantalang ang Lightness and Darkness naman ay mga espada," pagpapaliwanag ni Light. "Saan ito matatagpuan?" tanong ni Krioz. "Malayo ang lugar na iyon at delikado," sabi ni Draz. "We have no choice but to get those things dahil kung hindi, lahat ng mundo ay mawawasak ng kadiliman," seryosong sabi ni Light. Gaano nga ba kamakapangyarihan ang Dempire? I don't exactly know dahil sa pagkakaalam ko ay marami pa silang nilalang na kakampi sa iba't-ibang lupalop ng mundo. "Kailan tayo mag-uumpisang maghanap?" tanong ni Liry. "Pag-iisipan pa namin iyan, may pipiliin kami para mangalaga sa palasyo habang wala kami ni Light. The elementalists, Light at ako lang ang maghahanap," sabi ni Dark. Nagsitanguan naman kami. "Sasama ako." Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Naglakad siya papunta sa kinaroroonan naming lahat. "Si Luke, Lanzea, Selene, at Jed ang magbabantay ng palasyo," dugtong ni Syranah. Oo, si Syranah nga ang biglang sumulpot. Seryoso ang mukha niya na nakatingin kina Light at Dark. Tahimik ang buong paligid at parang silang nag-uusap na hindi namin naririnig. Telephaty? "I'm serious," biglang sabi ni Syranah at tumingin sa aming lahat. "Trust me if you really trusts my twin sister," kalmado niyang sabi at ibinalik ang tingin kina Light at Dark. Lahat kami ay naghihintay sa sasabihin ng Empires. "Tomorrow, maghanda kayo, aalis tayo." Tumayo si Light at biglang naglaho sa harap namin. Anong nangyayari? "Sorry for the attitude, Syranah. Sige, sina Luke ang pagbabantayin ko," sabi ni Dark at ngumiti kay Syranah. Tumango naman si Syranah at naglaho rin sa harap namin. Seryoso? Anong nangyayari sa mundo? "Ipapaliwanag ko ang iba pang detalye mamaya, the meeting is now over," sabi ni Dark dahilan para magsipagtayo kaming lahat. Nagpaalam na kami at lumabas sa meeting room. So 'yon na? Napakamot naman ako sa ulo ko at tinungo ang kwarto ko. Ang g**o nila ‘no?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD