S Y R A N A H
"HINDI sasama ang mga elementalist," sabi ni Dark sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Pinaliwanag niya sa akin kanina ang lahat, kaming tatlo lang ni Light ang pupunta.
Ang elementalist ay may jewels hindi ba? Ang mga jewels na iyon ay maibibigay ng dalawang Empires which is sina Light and Dark. Kukunin nila ang Darkness and Lightness na espada para maibigay ang jewels sa mga elementalist para makatulong sila sa pagsugpo ng Dempires.
Bakit ako sasama? Alam kong kaya nilang dalawa iyon pero may pakiramdam ako na mas mainam kung sasama ako. Ayaw pumayag ni Light pero may magagawa ba siya? Hindi niya ako makukulong o mapipigilan ng basta-basta.
"Bakit hindi namin alam na may kakambal si Creseal?" tanong ng katabi ko. Kami lang dalawa ni Dark dito sa balkonahe ng sala at pinapanood ang kalangitan na may maraming mga bituin.
"Nakatakda ang paglisan ni Creseal kaya inilayo nila ako sa kanya para hindi ako masaktan o kaya ay sumunod sa kanya," pagpapaliwanag ko.
Actually, nakalimutan ko na lahat-lahat pero naalala ko dahil pinaalala sa akin ni Creseal ang lahat noong nagkita kami. Wala pa akong muwang sa panahong iyon, siguro ay binura nila o baka na alog ang utak ko noon kaya hindi ko maalala.
"Hindi iyon sapat na dahilan para paghiwalayin kayo."
"Sapat man o hindi, basta may dahilan at nasa tama, walang problema iyon."
Ramdam ko ang tingin niya sa akin kaya napailing-iling na lang ako.
"May gusto ka ba kay Creseal?" tanong ko at tumingin sa kanya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at tumingin sa malayo. Halata masyado e.
"W-Wala... b-bakit naman ako magkakagusto sa kanya?" pagtatanggi niya.
"Talaga? Anong ibig sabihin ng nasa history ng Mystic?"
Tumingin siya sa akin ng seryoso.
"History nga 'di ba? Matagal na iyon."
"Ba't ka namumula?" tanong ko kaya ang seryoso niyang mukha ay mas lalong namula.
Galit ba siya o kinikilig? Iyong totoo?
"Aalis na ako, mamaya na ang alis natin kaya maghanda ka na."
Bigla siyang umalis at naiwan akong nalilito sa kinatatayuan ko. Anong problema niya?
Napabuntong hininga naman ako. Sana makasundo ko silang dalawa sa paglalakbay na tatahakin namin. Well, kasundo ko na kahit konti si Dark, si Light na lang ang problema.
"Ate Sy!"
Napabalik ako sa reyalidad at napatingin sa harap ko.
"Bakit?"
"Tara, lipad tayo!" pag-aaya ni Selene habang lumilipad sa harap ng balkonahe. Ngumiti ako ng tipid at umiling-iling.
"Ayos lang ako, magsanay ka ng mabuti sa paglipad," sabi ko kay Selene at tumango naman siya bago lumipad sa itaas ng kalangitan.
Napahilot ako sa sentido at tumalikod para maghanda na para mamaya. Ano nga pala ang ihahanda ko?
J E D
"Aalis na kami," pagpapaalam ni Dark sa amin.
Nandito kami ngayon sa harap ng gate ng palasyo. Ngayon ang alis nina Dark, Light, at Syranah. Nakatingin ako kay Syranah at sinusuri siya ng mabuti. Naiinis pa din ako sa inasta niya noong tinanong ko siya tungkol sa Ama ko.
Ama? Oo, may ama pa ako at nalaman ko iyon dahil sa libro na ibinigay sa akin ni Nanay Elley na ibinigay ko naman kay Syranah.
"Babalik kami agad," seryosong sabi ni Syranah at tumingin sa akin.
Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Hindi ko talaga mabasa ang ekspresiyon ng mukha niya lalo na ng isip niya.
"Mag-iingat ka," paalala niya at tumingin kay Kelly. Lumapit si Syranah kay Kelly at hinawakan ang dibdib nito. Umilaw ang kamay ni Syranah at paglayo niya kay Kelly ay may suot-suot ng kwintas si Kelly.
"Huwag mong aalisin 'yan, Kelly. Magiging maayos rin ang lahat."
Tumalikod na silang tatlo at hindi rin naman masyadong nagsalita si Light. Naglaho sila ng sabay habang naglalakad papalayo sa amin.
Sana... Sana maging maayos ang paglalakbay nila. Nasa kanilang tatlo nakasalalay ang kabutihan at kapayapaan hindi lang ng mundo ng Mystic kung ‘di pati na rin ng ibang mundo.
"Sana magtagumpay sila ‘no?"
Biglang sumulpot si Selene sa harap ko. Imbis na sumagot ay tumalikod ako at pumasok sa loob ng palasyo. Pagbalik nila, sisiguraduhin kong malalaman ko kung nasaan ang Ama ko. Hindi ko naman nararamdaman na hindi sasabihin sa akin ni Syranah ang totoo. Baka naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon.
Napailing-iling na lang ako habang papasok sa loob ng palasyo. Salamat naman at mawawala ng ilang araw si Syranah, mababawasan ang inis ko araw-araw. Palagi niya kasi akong tinatawag na bubwit. Kayo kaya ang tawagin ng ganoon? Sa tingin niyo maganda pakinggan?
S Y R A N A H
"Why are you wearing that?" tanong ni Light na katabi ko habang naglalakad. Actually, pinapagitnaan nila akong dalawa.
"Pakialam mo ba? Ikaw ba ang nagsusuot?" walang gana kong sabi at nauna nang maglakad. Ano bang problema ng niya? Pakialam niya ba kung magsuot ako ng black hair wig, eyeglasses, at contact lense? Inaano ko ba siya?
"Magka-ugali nga kayo ni Creseal," rinig kong sabi ni Dark kaya napahinto ako at lumingon sa kanya.
"Anong sabi mo — "
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may biglang lumabas na mga nilalang sa paligid namin. Nasa gubat kami kaya sa tingin ko ay nagtago sila sa mga halaman at puno dito. Napapikit ako at pagmulat ko ay nagulat ako sa nakita ko.
"What the heck?" bulong ko at inikot ang tingin ko sa paligid. Nasaang lupalop na ako napunta?
"Iha, bakit ka nag-iisa? Gusto mo bang sumama muna sa akin? Ngayon lang kita nakita dito, isa ka bang dayo?" sabi ng isang babaeng may katandaan na, nasa harap ko siya.
Wala naman sigurong masama 'di ba? Mukhang hindi rin naman siya masamang nilalang kaya tumango ako at nauna na siyang maglakad. Sumunod lang ako habang tumitingin sa paligid. Hindi ko alam kung saang lugar ito pero mukha itong isang lungsod.
Para akong nasa palengke, busy lahat ng nilalang sa pagtitinda at pagbili ng mga kasangkapang hindi ko pamilyar. May mga nilalang na gumagamit ng mahika at may mga nilalang din na may kakaibang mga mukha. Mas maliit ang palengkeng ito sa palengke ng Mystic.
"Maliit lang ang bahay namin pero palagi kaming tumatanggap ng bisita," sabi ng matanda habang pumapasok sa loob ng isang bahay.
Hindi malaki at hindi rin maliit, katamtaman lang naman ang laki nito. Mukhang mabait na nilalang ang matandang ito, naalala ko tuloy sa kanya si Nanay Elley. Napabuntong hininga naman ako, hindi na maibabalik pa ang mga nangyari.
"Tuloy ka, Iha," sabi ng matanda sa akin.
Ngumiti lang ako ng tipid at pumasok sa loob ng bahay niya. Inikot ko ang mata ko sa kabuuan nito. Simple lang ang loob at mga gamit sa paligid.
"Umupo ka muna. Madalas akong tumatanggap ng mga dayo dito sa amin kaya tratuhin mo na parang iyo ang bahay na ito," nakangiti niyang sabi.
"Salamat pero aalis rin naman ako, may hinahanap lang akong mga kaibigan."
Nanatiling kalmado ang mga salita at aura ko.
"Hinahanap?" Tumango ako at umupo sa may upuan sa tabi ko.
"Dalawang lalaki na nagngangalang Light at Dark. Bigla na lang kasi silang nawala sa paningin ko kanina," pagpapaliwanag ko. Bakit? Kasalanan ko bang hindi ko sila nasama sa paglalaho ko? Well, kaya na naman siguro nila ang sarili nila 'di ba?
"Dadaan lang ako dito sa lugar ninyo. Kinakailangan ko talagang mahanap ang dalawang nilalang na iyon."
Tumayo ako at tumalikod. Ayokong nag-aaksaya ng oras lalo na ngayong nahiwalay ako sa kanila.
Wala akong narinig na salita galing sa matanda kay nagsimula na akong humakbang palabas kaso napahinto ako dahil may biglang pumasok. Isang babae ang pumasok sa loob.
"Inay! May bago na namang nahuli ang Prinsesa!" natataranta niyang sabi sa matanda. Inay? Anak siya ng Matanda?
"Ano? Sino raw?" tanong ng matanda sa babae. Nanatili lang ako sa posisyon ko at nakinig sa pinag-uusapan nilang dalawa.
"Hindi ako sigurado pero Liwanag at Dilim yata iyon? Ang sabi ng karamihan ay papakasalan daw niya ang isa sa mga dayo dahil ang gaganda raw nilang lalaki. Alam mo naman na iyon ang matagal ng hinihintay ng Prinsesa 'di ba Nay? Ang makahanap ng makisig at gwapong lalaki!" mahabang sambit ng babae. Teka — ano raw?
"Liwanag at Dilim?" tanong ko dahilan para mapatingin silang dalawa sa akin.
"Sino ka?" tanong ng babae sa akin.
"Ituro mo sa akin ang Prinsesa na sinasabi mo. Kasamahan ko ang hinuli nila," kalmado kong saad.
"Hindi iyon madali, Iha. Walang ni isang nilalang ang nagtatangkang harapin ang Prinsesa, lahat ng gusto ng Prinsesa ay nakukuha niya."
"Oo nga pero may isang paraan pa para mabawi mo ang iyong kasamahan — "
Pinutol ng kanyang Ina ang sasabihin niya.
"Ang paraang iyon ay imposible."
"Ano ang paraang iyon?" seryoso kong tanong sa kanila.
"Kailangang may makahigit sa kanya," sabi ng babae.
"Ang mabuti pa ay pag-usapan natin iyan habang kumakain ng hapunan. Dito ka na rin matulog, Iha," suhestiyon ng matanda.
"Ako nga pala si Grace, siya naman ang Ina ko na si Nay Selia," pagpapakilala ng babae kanina na si Grace.
"Syranah," maikli kong pagpapakilala.
Sinilip ko ang labas, magdidilim na pala. Bakit ang bilis ng oras nila dito?
Nagluto si Nay Selia ng pagkain habang nag-uusap naman kami ni Grace tungkol sa Prinsesa at kung paano makukuha sina Light at Dark.
"Sa palasyo niya dinala ang dalawang lalaki. Sa pagkakaalam ko ay ang nagngangalang Liwanag ang pipiliin niyang pakasalan."
Si Light? May nagkakainteres pa rin talaga sa kanya?
"Ano ang sinabi mo kanina na kailangang may makakahigit sa kanya?" tanong ko dahilan para sumeryoso ang mukha niya.
"Kain na mga anak," tawag sa amin ni Nay Selia kaya tinungo namin siya na naghahanda sa mesa. Nagsiupo kaming tatlo at nagsimula nang kumain. Kakaiba ang ulam nila pero masarap din naman.
"Ang Prinsesa ang pinakamagandang dilag sa lugar namin. Walang nakakahigit o makakahigit sa kagandahan niyang taglay. Maraming humahanga sa kanya," pag-uumpisa ni Grace.
"Kailangan ko ba siyang higitan sa ganda para makuha ko ang dalawa kong kaibigan?" tanong ko sa kanya.
"Parang ganoon na nga kaso nga lang..." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Oo na, alam kong pangit ako. Susunduin ko ba ang kambal ko sa itaas para dito? Well, bakit ko naman siya susunduin kung kambal kami?
"Kapag may makakahigit sa ganda niya, nasisiguro ba kayo na makukuha ko talaga ang mga kasama ko?" pagsisiguro ko sa kanila.
"Sigurado kami pero sino ang ipangtatapat mo sa Prinsesa, Iha?" tanong ni Nay Selia. Nakakainsulto na sila.
"Samahan mo ako bukas sa palasyo, Grace," sabi ko kay Grace at sumubo ng pagkain. Masarap ang luto ni Nay Selia at nakakabusog talaga.
"Sigurado ka ba diyan, Iha?" tanong ni Nay Selia. Tiningnan ko si Nay Selia at ngumiti.
"Huwag kayong mag-alala, Nay Selia, hindi madadamay o mapapahamak ang anak niyo," paninigurado ko.
Wala rin naman akong balak na gamitin ang anak niyang pain. Hindi pa ako ganoon ka samang nilalang.
"Ikaw ang bahala, basta binalaan ka na namin," sabi ni Grace.
Hindi na ako nagsalita at kumain na lang. Kailangan na naming magmadali sa misyon dahil hindi namin alam kung kailan lulusob ang mga Dempires. Maaaring nagpaplano pa sila pero hindi natin alam, baka ang plano na iyon ang uubos sa mga nilalang na inosente sa iba't-ibang mundo.
T H I R D P E R S O N
"BWESIT! Why do she leaves us?" sigaw ni Light habang napasabunot sa buhok niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa mga nangyayari ngayon.
"Baka nabigla lang siya kaya naglaho kaagad," komento naman ni Dark na nakaupo sa isang kama.
Nasa isang kwarto sila na puno ng mahika at hindi sila makakalabas ng basta-basta sa kwartong iyon.
"Nabigla? Is she a coward? Akala ko ba sumama siya para makatulong?" Naiinis na si Light, hindi lang dahil sa nahuli sila ng mga nilalang na hindi nila mawari kung anong klaseng mga nilalang iyon kung ‘di dahil na rin sa bigla-biglang paglalaho ni Syranah.
"Hahanapin niya rin tayo, isipin mo muna kung paano malulutas ang kasal mo," natatawang sabi ni Dark dahilan para tingnan siya ng masama ni Light.
"I hate that thing! Hindi mangyayari ang gusto ng babaeng iyon!"
"Prinsesa siya Light at maganda pa!"
"Kung gusto mo, ikaw na lang ang magpakasal sa kanya. Huwag mo akong isali sa trip mo, Dark."
Napailing-iling na lamang si Dark. Wala siyang naiintindihan sa nangyayari, basta bigla na lang naglaho si Syranah at hinuli sila ng mga nilalang at dinala sa isang palasyo. Ang malala sa lahat ay ang pagpili kay Light na maipakasal sa isang Prinsesa, isang Prinsesa ng kagandahan.
Kahit baliktarin pa ang mundo, walang makakahigit sa kagandahan ng isang babaeng kilala nila. Alam ng dalawa na isa lang ang pinakamaganda at magpapatunay na may perpektong nilalang na nabubuhay sa mundo, iyon ay si Creseal.
Si Creseal nga ba o si Syranah? Kambal ang dalawa pero hindi pa rin mawari kung sino ang pinakamaganda sa magkambal. Pareho lang naman siguro dahil kambal sila.
"Itulog mo na lang 'yan, Light," suhestiyon ni Dark kay Light na palakad-lakad.
"Yeah, yeah whatever," wala sa mood na sabi naman ni Light at tinungo ang kabilang kama para magpahinga.
Marami ang mga nangyari sa araw na iyon. Ayaw na muna nilang mag-isip ng sobra dahil sila lang rin ang mahihirapan s pag-iisip.
Nakatulog na si Dark habang si Light ay gising na gising pa rin. Hindi niya alam pero iba ang inis na nararamdaman niya. Naiinis siya kay Syranah dahil bigla na lamang itong naglaho at ni hindi man lang sinabi kung saan pupunta o babalik pa ba ito. Nag-aalala siya sa maaaring mangyari lalo na't alam niyang bago pa lamang si Syranah sa mundo nila. Wala itong kaalam-alam sa mga nilalang na puwede niyang makasalamuha.
Sa kabilang banda naman ay nagpapahinga na ang mag-inang Selia at Grace. Si Syranah ay nasa kwarto kung saan siya ipinatulog ng mag-ina. Komportable at wala namang problema sa kwarto. Hindi pa siya natutulog sa mga oras na iyon dahil iniisip niya ang mga gagawin para mabawi ang dalawa na sina Light at Dark.
Mas mabuti kung magplano muna bago gumawa ng aksiyon. Ang plano niya sana ay sunduin ang kakambal niya sa itaas at ipangtapat sa Prinsesa ng kagandahan pero alam niyang malaking abala iyon.
Ano pa nga ba ang magagawa niya? Tatanggalin na naman niya ang mga bagay na nagtatago ng pagkatao at pisikal na anyo niya. Ayaw niya kasi ang sinasamba at ginagalang dahil makapangyarihan o malakas siya. Gusto niya na respetuhin siya at pakitunguhan ng mabuti dahil doon, mas nakakahalubilo siya.
"Sana, matapos na 'to," bulong ni Syranah sa sarili bago ipinikit ang mga mata.