Chapter 9

2396 Words
S Y R A N A H "ANO ang kailangan niyo?" tanong sa amin ng gwardiya ng palasyo. Kasama ko si Grace papunta dito. Sinamahan niya rin ako ng kusa at hindi ko siya pinilit. "Sige na Grace, ako na ang bahala dito. Salamat sa tulong niyong mag-ina." "Pero, ayos ka na ba talaga dito?" "Oo nga sabi, sige na at baka nag-aalala na ang Inay mo," pagtataboy ko. Ayoko rin na mapahamak siya. Kasama ko siya kaya talagang masasali sya sa g**o kapag nagkataon. "Sige, ikaw ang bahala," sabi niya at nagpaalam na. Hinarap ko ang dalawang gwardiya. "Papasukin niyo ako, nasa loob ang dalawa kong kasamahan. Kukunin ko sila ngayon na mismo," walang gana kong sabi dahilan para magtawanan ang dalawa. "Seryoso ka ba, Ineng? Ang mabuti pa ay umalis ka na dahil hindi ka puwedeng maglaro dito," sabi ng Manong. Ineng? Si Selene dapat iyon hindi ako. "Hindi ako naglalaro mga nilalang. Dalhin niyo ako sa Prinsesa niyo para makausap ko siya," maawtoridad at seryoso kong sabi sa kanila kaya napahinto sila sa pagtawa. "Sumunod ka," seryosong sabi ng isa sa mga gwardiya. Sumunod ako sa kanya papasok sa loob ng palasyo. Hindi na ako nag-abalang tumingin-tingin sa paligid dahil mabilis ang oras at kailangan na talaga naming matapos ang misyon na ito. Napabalik ako sa reyalidad nang makita ang isang babaeng maganda na nasa harap ko. Nakaupo siya sa isang trono at kung hindi ako nagkakamali ay siya siguro ang sinasabi nilang Prinsesa ng kagandahan, si Prinsesa Pretty. Noong una ay nainis nga ako dahil baka pinagloloko ako ng mag-ina sa pangalan ng Pinsesa pero kalaunan ay naniwala rin naman ako. "Kamahalan, nagpupumilit siyang pumasok dahil kukunin daw niya ang dalawang niyang kasamahan," sabi ng gwardiya na nasa tabi ko lang. "Dalawang kasama? Sino ang tinutukoy mo?" painosente niyang sabi. Para siyang manika sa hitsura niya at hindi iyon maganda sa paningin ko. Feeling ko kasi, isa siyang manikang kumikilos at nagsasalita. Ang creepy lang. I snap my fingers then lumitaw sa harap ko sina Light at Dark kaya napatayo ang Prinsesa sa kanyang trono. Gulat na gulat niya akong tiningnan samantalang ang dalawa ay papunta naman sa kinaroroonan ko. "Bakit ang tagal mo?" bungad na tanong sa akin ni Dark. "I thought that you ran away and leave us." Sinamaan ko naman ng tingin si Light. Hindi ko na lang siya pinatulan dahil baka humantong pa sa bangayan. "Tayo na, kailangan nating matapos ang misyon na ito," seryoso kong sabi. Nauna na silang lumakad samantalang ako naman ay napahinto sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos at parang may enerhiyang nakapalibot sa akin. "How dare you!" rining kong sigaw na nagmumula sa likod ko. May naramdaman akong malakas na enerhiya na dumampi sa may likuran ko dahilan para muntik na akong mapaupo. Nasalo ako ni Light kaya muntik lang iyon. Inayos ko agad ang sarili ko at biglang sumigaw ang Prinsesa. "Hindi lahat ng bagay ay nakukuha mo. Hindi rin lahat ng nilalang ay sumasamba sa kagandahan mo," seryosong sabi ko. Nilingon ko siya. Inatake niya ako gamit ang kapangyarihan niya pero bumabalik lang ito sa kanya. I snap my fingers dahilan para lumantad ang tunay na anyo ko. Napahinto ang Prinsesa sa pag-atake kaya lumapit ako sa kanya. "Here, makikita mo diyan ang hinahanap mo. Follow the dot at mahahanap mo ang Prinsipe ng kagwapuhan," bored kong sabi at inabot sa kanya ang isang mapa. "Sa muling pagkikita, Prinsesa Pretty," ngumiti ako ng tipid at tinungo ang dalawa. I used my ability to teleport kaya napunta na naman kami sa isang kagubatan. "Where are we?" tanong ni Light. "Still in the forest pero nalagpasan na natin ang palasyo," sabi ko at naglakad na. "Ano ang ibinigay mo sa kanya, Sy? Saka Prinsepe ng kagwapuhan? Kami 'yon e!" proud na sabi ni Dark. "Puwede ba? Manahimik ka nga!" inis na sabi ko kaya natahimik siya. Ang kulit ng loko! Saan ba siya pinaglihi? Akmang hahawakan ko na sana ang mahaba kong buhok nang pigilan ako ni Light. "Ano na naman?" inis na tanong ko. "Huwag mo ng ibalik sa itim ang buhok mo, let it be." May biglang sumulpot na pantali ng buhok sa kamay ko na hawak-hawak niya. Binawi ko ang kamay ko at naglakad ulit. Tinali ko na lang ang buhok ko at pumikit saglit. Ayokong pula ang mata ko kaya binalik ko ito sa itim. "We're at the middle," biglang sabi ni Light. "Puwede ba na maglaho at lumitaw na lang tayo? Kaya mo naman iyon Sy hindi ba?" Tiningnan ko si Dark. "Alam mo ba kung saan ang eksaktong lugar at kung ano ang nasa paligid ng lugar na iyon?" pabalik na tanong ko sa kanya. Umiling-iling naman siya kaya binatukan ko. "Aray naman!" reklamo niya. Napairap naman ako sa isip. Iba talaga kapag nakasama mo ang isang nilalang, doon mo malalaman kung ano ang totoo niyang ugali at kilos. "Susubukan ko," sabi ko dahil nabobored na rin kasi ako sa aura namin at mukhang malayo-layo pa ang lalakarin. Huminto kaming tatlo. Pinikit ko ang mata ko. Hindi ko sila hinawakan. "Uy! Baka maiwan na naman kami, Sy." Napamulat ako ng mata at siniko ko kaagad si Dark na nasa tabi ko lang. "Tatahimik ka o iiwan ka namin?" seryoso kong tanong sa kanya. Hindi na siya umimik kaya ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Pagmulat ko ay nag-iba na ang paligid. Hindi pa ako sigurado kung tama ba ang lugar na ito. "Ito na ba iyon? Seryoso?" sambit ni Dark. Bakit ba ang ingay niya? Hindi ba siya nagsasawang magsalita? "Let's find out," sabi naman ni Light at lumapit sa maliit na bahay. Kumatok siya ng ilang beses. Oo, may bahay nga na maliit sa harap namin. May harden rin sa may gilid nito at napapalibutan ng puno at bulaklak ang paligid. "Para namang walang tao," bulong ni Dark pero rinig na rinig namin. "Maghintay pa tayo ng kaunting oras," sabi ni Light. Makalipas ng ilang minuto ay may biglang bumukas ng pinto. Isang may katandaang babae ang bumungad sa amin. Mukhang nagulat siya nang makita niya kami. "Paano kayo nakapunta dito? Ang lugar na ito ay wala sa mapa. Walang nakakapunta dito dahil marami ang naliligaw," may pagkamangha na sabi ng nilalang na nasa harap namin. Tiningnan naman ako ng dalawa. Ano namang problema kung matunton ko ang lugar na ito? Para namang big deal iyon. "Nais naming makuha ang espada ng Lightness and Darkness," seryoso kong sabi. "Sila ang may-ari ng mga espadang iyon," dugtong ko at itinuro sina Dark at Light. "Ahh ganoon ba, tuloy muna kayo. Hindi kayo nagkamali, nandito nga ang hinahanap niyo," sabi niya. "Ako nga pala si Teresa, ang nangangalaga ng espada," pagpapakilala niya. Pumasok kami sa loob ng maliit na bahay at pinaupo rin kami ni Teresa. May kinuha siyang tatlong bolang crystal at inilagay sa harap namin. "Makukuha niyo ang espada kapag nakalampas kayo sa pagsubok na ibibigay sa inyo." Tatayo na sana ako para umalis dahil wala naman akong kinalaman diyan. Silang dalawa lang ang nagmamay-ari ng espada kaya hindi ako kasali pero pinigilan ako ni Teresa. "Hindi ako kasali diyan," walang gana kong sabi. "Hindi ka kasali pero hindi mo ba alam?" tanong niya. Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "Nakatakda ka sa isa sa kanilang dalawa." "Po? Seryoso? Wala pong nakatakda sa akin." Umiling-iling si Teresa at ngumiti. "Nakatakda ka sa kanya," tinuro niya si Light. Pinagloloko ba niya ako? Si Light? Ako? Kailan pa nangyari iyon? "Ang nakatakda ay nakatakda," may ngisi sa labi niyang sabi. Napatingin ako kay Light na ngayon ay nakatingin din akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin, hindi mangyayari iyon. Kung iyon man ang nakatakda ay wala akong pakialam. Bumalik ako sa pagkakaupo at nakinig sa kanila. "Ganito ang magiging pagsubok ninyong dalawa, ang tatlong crystal na nasa harap ninyo ay may mga imahe. Ang mga imaheng iyon ay hahanapin ninyo sa isang gubat na puno ng mga halimaw. Dadalhin ko kayo sa isang bahay sa gitna ng gubat. Ang bahay ay nakapaloob sa isang bilog. Ang bilog ay sangga sa mga halimaw at hindi sila makakapasok sa bahay. Bibigyan ko lamang kayo ng tatlong araw at dalawang gabi para hanapin ang mga imahe. Kapag nahanap niyo iyon ay makukuha niyo ang espada." Pagpapaliwanag ni Teresa. "Ano naman ang gagawin ko?" tanong ko kaya napabaling ang atensiyon niya sa akin. "Ikaw ang mag-aalaga sa kanila. Hindi kayo makakagamit ng kapangyarihan sa loob ng bahay kaya dapat may marunong magluto," sabi niya. So ano? Ako ang magiging tagapagluto ganoon? Wow! Ang swerte naman yata nila! "Kapag hindi kumain ang kasama mo ay hihina sila at hihina ang kapangyarihan nila sa labas ng bahay," dugtong ni Teresa at bigla na lang nawala. Bakit ba hindi sila marunong magluto? Palagi na lang kasing umaasa sa magic e! "Light! Siya pala ang sinasabi ni Creseal na nakatakda sa'yo?" biglang sambit ni Dark. Sasagot na sana si Light nang biglang nag-iba ang paligid. Nasa loob pa rin kami ng isang bahay pero iba na ang paligid. Napatingin kami sa harap namin nang umilaw ang bolang crystal. Lumabas ang isang imahe ng isang itim na espirito. "Alam ko kung ano iyan," sabi ni Dark kaya napatingin kami sa kanya. "Lets go, huwag tayong mag-aksaya ng oras," agad na sabi ni Light. "Teka, bago natin iyan mahuli ay dapat na sumanib muna ang espirito na iyan sa isang katawan tapos ano..." napakamot naman sa ulo si Dark. "Ano?" sabay naming tanong ni Light. "Kasi, kapag sumapi na siya, kailangan ng halik sa bibig para mapalabas siya ulit at mahuli," pagpapaliwanag ni Dark. "Madali lang iyon! Si Light ang sasaniban tapos ikaw naman ang humalik Dark," seryoso kong sabi. "Iyon na nga Sy e, dapat opposite gender. Kaya ka rin siguro ipinasama ni Teresa dito," napakamot sa batok na sabi ni Dark. Napahimas naman ako sa noo ko. Pinagtritripan ba talaga ako ng mundong ito? Sana pala, hindi na lang talaga ako sumama. "Lets do it," pursigidong sabi ni Light. Akmang aalis na siya nang pigilan ko siya. "Ako ang magpapasanib," seryoso kong sabi sa kanya. Nagtitigan kami, hindi ako nagpapatalo no! "Fine!" Oh 'di ba? Walang nananalo sa akin. Maaga pa naman kaya matatapos namin ito bago magdilim. Nauna akong maglakad sa dalawa. Nakamasid lang sila sa akin at tinuruan na rin naman kami ni Dark kung ano ang mga gagawin. Good news dahil wala pa rin naman kaming halimaw na nakakasalamuha. Mukhang safe pa ang paligid. Sa paglalakad ko ay may biglang lumitaw na usok at bumalot ito sa akin. Eto na ba iyon? Napapikit ako sa hapdi ng kung anong bagay na pumapasok sa buong katawan ko. Halos mawalan ako ng hininga hanggang sa bigla na lang naging itim ang paningin ko. T H I R D    P E R S O N Bago pa bumagsak si Syranah sa lupa ay nasalo na siya ni Light. Malapit nang dumilim kaya nagpagdesisyonan ng dalawa na umuwi na dahil mas delikado kung gagabihin sila sa gubat. Hindi pa sila nakakarating sa bahay ay may humarang sa kanila na halimaw. May sumunod na dalawa pa na humarang kaya nataranta na ang dalawa. Kaya nilang labanan ang mga halimaw pero hindi makakilos ng maayos si Light dahil bitbit niya si Syranah na walang malay. Sumugod bigla ang isang halimaw at si Dark kaagad ang lumaban. Sumunod naman ang iba pang mga halimaw kaya medyo nahihirapan na si Dark dahil malalakas ang mga halimaw. "Dito mo na gawin, Light!" sigaw ni Dark sa kasama niyang si Light. Wala ng choice si Light kaya pinaupo niya si Syranah sa may 'di kalayuang puno. Naglagay siya ng barrier sa paligid para kung may umatake man ay hindi sila masasaktan. Kinuha ni Light ang bolang crystal sa may bulsa niya. Maliit lamang ito at hindi rin ito nababasag. Bago pa naglaho si Teresa sinabihan muna sila ni nito kung paano gamitin ang bolang crystal. Itinabi ni Light ang bolang crystal sa kanan niya at saka tumingin kay Syranah. Napalingon siya sa gawi ni Dark na ngayon ay nakikipaglaban pa rin sa mga halimaw. Ibinalik ni Light ang atensiyon niya kay Syranah. Lumapit siya sa mukha nito at pumikit. Napalunok pa siya ng dalawang beses bago isinagawa ang dapat na gawin para mahuli ang espirito na kailangan nila. Nagdampi ang labi ng dalawa hanggang sa lumipas ang ilang segundo ay gumalaw ang labi ng dalaga. Tumugon ito sa halik na ibinigay ni Light sa kanya. S Y R A N A H Naitulak ko si Light dahil sa kakaibang enerhiya na gustong lumabas sa katawan ko. Napapikit ako at mga ilang segundo lang ang lumipas ay hinihingal na napabagsak ako kay Light. "Tapos na ba?" pabulong na tanong ko. "Almost," sagot ni Light at hinimas ang likod ko. Napatingin ako sa paligid. Madilim at magubat, napalingon ako sa gawi ni Dark na ngayon ay nakikipaglaban. Siniko ko naman si Light. "Bakit hindi mo tinulungan?" pabulong ko pa rin na tanong. "Ginawa ko agad ang dapat gawin. Sinugod kami ng mga halimaw and you're already pale at nanghihina na ang katawan mo that's why I didn't help him," sabi niya habang nakatingin sa ibang direksiyon? Sino ba ang kausap niya? Napailing-iling na lang ako at kinuha ang bolang crystal na nasa lupa. Ipinikit ko ang mata ko at pagmulat ko ay nasa sala na kami ng bahay. Katabi ko si Light samantalang si Dark naman ay nasa may pinto na nakatayo at hinihingal. "Ang saya!" tawa-tawang sabi ni Dark at tumingin sa kinaroroonan namin. Napahinto siya sa pagtawa at ngumisi. "Ibabalik kita roon kung nasasayahan ka," sabi ko at tumayo. Akmang iwawagayway ko ang kamay ko nang pigilan niya ako. "Biro lang naman e!" "Magluluto na ako," walang gana kong sabi at tumalikod na kay Dark. "Ayos ka na ba?" tanong ni Light kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. "Ayos lang," bored kong sabi at dumeretso na sa kusina. Mabuti na lang at nakapaglaho kami. Hindi ba bawal ang magic sa loob ng bahay? Napaisip naman ako. I snap my fingers and tada! May biglang lumabas na karne sa harap ko. I can use my power here? Bakit sina Dark and Light ay hindi? I can't sense their powers. Bakit ganoon? Ah... oo nga pala. I am Creseal's twin sister. The Goddess' twin sister.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD