Chapter 14

2495 Words
"SIYA si Syranah, kakampi natin siya kaya huwag kang mag-aalala," rinig ko namang sabi ng isang pamilyar na boses. May biglang lumitaw na nilalang sa tabi ni Mike. "Krioz..." banggit ko sa pangalan niya. "Ligtas ka ditto, Sy. Hindi ka niya naalala pero — " Pinutol ko ang sasabihin niya. "Kung ganoon ay ipapaalala ko sa kanya... sa kanila," seryoso kong sabi at ipinikit ang mata. "L'em rim'vier eim," bulong ko at may naramdaman akong enerhiya na lumalabas sa katawan ko. Translation: Let them remember everything. Habang tumatagal ay sumasakit ang katawan ko dahil sa enerhiyang lumalabas sa katawan ko.  Makalipas ang ilang minuto ay napasigaw ako dahil sa sakit na dulot ng paglabas ng enerhiya sa katawan ko. Hindi ko alam ang nangyari dahil bigla na lang nagdilim ang paningin ko at naramdaman ko na lang ang malamig na semento ng kalsada. Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa kung saan. Iminulat ko ang mata ko at inikot ang paningin sa paligid. Nasa isang kwarto yata ako. Sa pagkakaalala ko ay nasa mundo ako ng mga bampira at ipinaalala ko sa lahat ng nilalang na hindi ako naaalala ang tungkol sa akin. Hindi ko alam kung paano at bakit nangyari sa akin ang nangyari noong binanggit ko ang mga salitang makakapagpabalik ng mga ala-ala nila. Hindi naman kasi ganoon ang reaksiyon ng katawan ko kapag may pinapalabas akong malakas na pwersa gamit ang kapangyarihan ko. "Mabuti at gising ka na. Hindi mo dapat ginawa ang bagay na iyon dahil ikamamatay mo iyon, Syranah. Limitado na ang lakas mo lalo na ang katawan mo. Hindi mo basta-basta magagamit ang kapangyarihan mo na wala ang mga Elementalist. Maaaring pansamantala itong bumalik pero hindi ito buo." Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko si Travious na nakatayo sa bintana ng kwartong ito. Bumangon ako at umupo sa kama para mas kumportable. "Ano ang ibig mong sabihin Travious?" tanong ko sa kanya. "Isipin mong mabuti, bumabalik lamang ang kapangyarihan mo kapag may kasama kang isa kina Dark, Light o ng mga Elementalists. Ibig sabihin, limitado lang ng lahat. Kapag naglabas ka ulit ng malakas na pwersa ng kapangyarihan na wala ang mga Elementalist o kahit nasa tabi mo lang ay posibleng ikamatay mo iyon," pagpapaliwanag niya sa akin. Napaisip naman ako. Siguro nga tama siya pero hindi ko talaga matitiis na hindi maalala ng mga taong naging parte ko na. Nasasaktan ako na makita ang naguguluhan nilang mga mukha kapag kaharap ako dahil sa hindi nila ako makilala. Ayos lang sana kung ganoon ang mangyari sa kanila at wala na ko dito pero nandito pa ako, dapat maalala nila ako. "Tatandaan ko 'yan. Ano ang resulta? Naalala na ba nila ako?" seryoso kong tanong kay Travious. Bumuntong hininga naman siya at sasagot na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa roon si Kelly. "Iwan mo muna kami," sabi niya at tiningnan si Travious. Tumango naman ito at nilisan ang kwarto. "Kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba, Sy?" may pag-aalala niyang tanong. Mabuti naman at naaalala na nila ako. Mahirap kasi mabuhay sa isang mundong puno ng mga taong naging mahalaga na sa iyo na hindi ka naaalala. "Ayos na ako." Inalis ko ang kumot na nakapatong sa akin at saka bumaba ng kama. Tumayo ako at tinungo ang bintana. "I'm sorry, Sy," rinig kong sabi niya habang nasa labas ng bintana ang atensiyon ko. May araw ang mundong ito at ang mga bampira dito ay hindi nasusunog sa araw. Tanging matulis na metal lang ang pumapatay sa kanila. "Tapos na iyon. Kahit sinuway mo ako sa paghubad ng kuwintas ay wala na tayong magagawa. Ang mahalaga ay ligtas kayong lahat at sa pagkakataong ito ay dapat na nating labanan ng pwersa si Jedlon." Nakatingin pa rin ako sa labas ng bintana. Mukhang nasa palasyo ako at ang nakikita ko sa labas ay katulad pa rin kanina. Mga patay na halaman at puno sa paligid. May mga naglalakad rin na mga bampira sa labas. "Naghanap kami ng impormasyon at nalaman namin na si Jedlon ay kanang kamay ng pinakamataas sa kadiliman." Napalingon naman ako sa sinabi niya. "Ako ang tatalo sa kanya. I have my dark ability at dark rin ang sa kanya kaya may posibilidad na matalo ko siya." Bigla namang sumulpot si Dark sa gilid ni Kelly. "May limang porsyento ka na posibilidad na matalo si Jedlon at ang natirang ninety-five percent ay posibilidad ng kamatayan mo. May dalawang abilidad ang darkness. Iba ang sayo, Dark. May itim kang mahika pero ito ay kasama ng liwanag. Ang dark ability naman ni Jedlon ay talagang kadiliman, madilim ang pagkatao niya simula nang isinilang siya hindi tulad ng sa’yo," seryoso kong sabi habang nakatingin kay Dark. Mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng kwarto hanggang sa nagsalita na si Kelly. "Sy, nakahanda kaming tumulong," pusigido niyang sabi. Ibinalik ko ang tingin ko sa bintana at bumuntong hininga. "Hindi siya madaling kalaba, Kelly. Sa ngayon, ako, sina Dark, Light, at ang mga elementalists na muna ang bahala kay Jedlon. Malaki ang tiwala ko na matatalo namin siya," sabi ko. "Hindi ko maintindihan, Sy. Bakit nagkakaganoon si Jedlon? Hindi ba't ang tungkulin ng kanang kamay ng nakakaitaas na liwanag at dilim ay ang magbantay at magprotekta lamang sa mga kauri nila? Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Dark. "Nalunod siya sa kapangyarihan. May ginawang pagsubok sa mga kanang kamay ng nakakaitaas. Sinusubukan ang kanilang katatagan, kahusayan, at katangian. Mukhang ito na nga ang bagay na iyon." Hindi ko alam na kanang kamay pala si Jedlon ng nakakaitaas na kadiliman. Kaya pala natalo niya si Creseal at napaglaruan niya kami noon.  Pero noon 'yon, hindi na iyon mangyayari ulit. Sisiguraduhin kong matatapos na ang lahat ng ito. Wala akong pakialam kahit buhay ko pa ang nakataya. Narinig kong biglang bumukas ang pinto ng kwarto. "Kamahalan, may nanggugulong mga Ogre sa labas ng palasyo. May hinahanap silang nagngangalang, Syranah." Napalingon ako sa nagsalita at mukhang isa siya sa mga bampira sa palasyo. Tiningnan ko si Kelly na nakatingin rin sa akin. Yes, she was the Vampire Princess sa mundong ito. Prinsesa siya pero umaakto pa rin siyang Kelly sa harap namin. Hindi rin kasi siya sanay na maging Prinsesa at lalong hindi siya sanay magsuot ng mga kung ano-ano kaya Kelly is still Kelly no matter what. Alam kong mahirap para sa kanya ang pagiging bampira pero alam kong nalaman na niya kung papaano at bakit pinatay ang mga magulang niya. "Sige, kami na ang bahala sa kanila," kalmadong sabi ni Kelly. Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Sumunod naman si Dark ay syempre, hindi ako magpapaiwan dito lalo na't ako ang hinahanap nila. Lumabas kami ng kwarto at bumaba ng hagdan. Mas nakakapagod pa ang hagdan dito kaysa sa bahay noon ni Travious. Hindi pa puwedeng mag-teleport o gumamit ng portal? Makalipas ang ilang minuto ay nakababa rin kami at tinungo na namin ang labas ng palasyo.  Bumungad sa amin ang lumang pasilyo at mga patay na halaman sa paligid. Naglakad ulit kami hanggang sa maaninag ko ang mga Ogre na nakatayo at mukhang hinihintay kami. Lima sila at talagang malalaki nga. Hindi sila namiminsala kapag hindi inuunahan. "Bakit kayo naparito?" magalang na tanong ni Kelly. "Patawad kung nakakagulo kami Prinsesa pero naparito kami dahil sa kasama niyo," sabi ng isa sa kanila at nabaling ang atensiyon sa akin. "Ano ang kailangan niyo sa akin?" seryoso pero kalmado kong tanong sa kanila. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong atraso sa kanila kaya bakit nila ako hinahanap? "Ako si Ozcar, ang hari ng mga Ogre. Ayaw namin ng g**o. Naparito lang kami para sabihan si Syranah na bumalik na sa mundo niya. Sinalakay kami ng mga Bartz at malaki ang kanilang napinsala. Ang sabi ng isa sa kanila ay kasalanan iyon ni Syranah. Nanggugulo ka daw sa lahi nila at gusto nilang bumalik ka na sa mundo mo. Ayaw na naming mapinsala ang tahanan namin kaya sana, Syranah… bumalik ka na sa mundo mo," may pag-alala at pagsusumamong sabi ng nagpakilala nilang Hari. "Gusto ko rin pero hindi maaari dahil nawala ang kapangyarihan ko. Nililinlang lang kayo ng mga Bartz na iyon kaya huwag kayong maniwala. Huwag kayong mag-aalala, hindi na sila sasalakay sa inyo. Patawad pero hindi pa ako babalik sa mundo ko... pero makakaasa kayo na hindi na nila kayo guguluhin kapag tinanggap niyo ito," sabi ko at ibinuka ang kamay ko sa harap nila. May lumabas doon na kulay pulang bato na umiilaw. "Ito ay proteksiyon laban sa mga Bartz. Tanging ako lang ang nakakapagbigay ng ganito. Magtiwala kayo sa akin, gamitin niyo ito." Inilahad ko sa kanila ang bato at kinuha naman iyon ni Ozcar. "Maraming salamat. Malaki ang tiwala namin sa kanang kamay ng nakakaitaas na liwanag. Sanay magtagumpay ka sa iyong mga labanan," sabi naman niya. Ngumiti siya at nginitian ko rin siya pabalik bago sila naglaho sa harap namin. "Dark, Syranah, kailangan nating puntahan ang pack ni Luke, sinasalakay sila ng mga iba't-ibang nilalang," biglang sabi ni Travious na hindi ko alam kung saan nanggaling. Problema na naman? Dumadami na yata ang problema sa mundong ito. Dumadami pero isa lang ang may pasimuno. "Kelly, kami na ang bahala. Salamat sa lahat, ikamusta mo na lang ako kay Mike," sabi ko kay Kelly at ipinikit ang mata. Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at iminulat ko na ang mata ko. Kasama ko si Dark at Travious sa tabi ko. Nakatayo lang kami habang nakatingin sa mga naglalaban. Iba't-ibang nilalang ang mga nakikita ko sa paligid. Sinasalakay nila ang werewolves at nakita ko rin ang mga elementalists sa paligid na nakikipaglaban. Marami na ang mga galos nila dahil wala silang kapangyarihan. Nakita ko rin sina Jed, Selene, at Luke na nakikipaglaban rin. May kapangyarihan silang tatlo. "Jed!" rinig kong sigaw ni Travious at napatakbo siya sa kinaroroonan ni Jed na ngayon ay may tama na sa may tiyan. Mukhang natusok siya ng kung ano. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang dalawa kong kamay. Hindi ko alam ko ano na naman ang maging reaksiyon ng katawan ko sa gagawin ko pero sana umubra. I snap my fingers in my two hands at naging abo lahat ng mga sumalakay sa kanila. Ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Bago pa ako bumagsak sa lupa ay nasalo na ako ni Light. "Are you alright? Naririnig mo ba ako, Syranah?" natataranta niyang sabi. Napahawak naman ako sa balikat niya. "Ayos lang ako, medyo nanghihina lang ang katawan ko," pabulong kong sabi. Lumingon ako sa gawi ng mga werewolves at ng iba pa. Tinutulungan nila ang mga sugatan na tumayo samantalang may iba naman na nalulungkot at umiiyak dahil may nasawi. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. May namatay na naman dahil sa akin. Huli na naman ako gaya ng dati. "Magpahinga ka muna," narinig kong sabi ni Light at pansin kong nag-iba na ang paligid. Binuhat niya ako na parang bagong kasal at saka dahan-dahang inihiga sa isang kama na kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga kama dito sa kubo nina Luke. "Salamat," tanging sabi ko at ipinikit ang mata. Ramdam ko ang pagbuntong hininga ni Light at ang mga hakbang niya palabas ng kubo. Iminulat ko ang mata ko at umupo sa kama. "Kahit kailan talaga, Syranah. Kahit tumigas na ang puso mo ay lumalambot pa rin ito." Napatingin ako sa nagsalita. "Wala namang matigas na puso, Creseal, Lahat ay malambot. Bakit palagi ka na lang sumusulpot? Maswerte ka at hindi nawala ang kapangyarihan mo, kung ginamit mo lang sana iyan para tumulong — " Hindi niya ako pinatapos. "Hindi ako tulad mo na matapang, Sy. If you can die breaking the rules, well, I can't do that thing. Pasensya na, tanging pagbabantay at pagdalaw lang ang nagagawa ko," may lungkot na sabi niya. "You can die breaking the rules, Creseal. Buhay mo iyan, ikaw ang may hawak niyan. Huwag mong hayaang matali ka sa batas," deretsang sabi ko habang naktingin sa mata niya. "I hope I can..." Umiwas siya ng tingin sa akin at naglaho na sa paningin ko. Napabuntong hininga naman ako at saka tumayo. Nakakatayo naman ako kaya tinungo ko ang pinto. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang mga nilalang na busy sa kanilang ginagawa. Ang mga elementalists ay tinutulungang gamutin ang mga nasugatan at napuruhan. Mukhang nanunumbalik nga ang kanilang kapangyarihan kapag magkalapit kami. Tiningnan ko ang mga kamay ko at naglaho ito. Ginamit ko ang invisibility na ability ko para hindi nila ako makita at mapansin. Lumabas ako ng kubo at naglakad-lakad. Habang tumitingin sa paligid ay dinala ako ng paa ko sa isang kubo. Gusto ng kaluluwa ko na pumasok doon kaya pumasok ako dahil bukas rin naman ang pinto. Nakita ko si Travious na nakaupo sa gilid ng kama. Lumapit pa ako hanggang sa nakita ko si Jed na nakahilata sa kama. Wala siyang malay pero mukhang buhay pa rin naman siya. "Travious, halika muna. May ipapakita kami sayo." Napalingon kami pareho ni Travious sa may pinto at nandoon si Irza. Tumango naman si Travious at sinulyapan si Jed saka tumayo at pinuntahan si Irza. Isinara niya ang pinto. Lumapit ako kay Jed na mahimbing ang pagkakapikit ng mga mata. Nalaman ko noon na anak siya ni Travious dahil nga binasa ko sa isip niya ang nakaraan niya at doon ko rin nalaman na siya si Jedlon at ang kapatid niya ay si Zandro na nagpanggap na siya. Matagal ng kinalimutan ni Travious ang nakaraan niya dahil nawala ang anak niya at naging masama ang kapatid niya.  Nalaman niya ang tungkol kay Jed dahil nakita niya ang libro ni Nanay sa kwarto ko bago ko ito sinunog. Ako ang nag-iwan ng libro dahil alam ko na kasi na anak niya si Jed. Hinayaan ko siya na basahin ang libro para malaman niya ang totoo. Kahit galit na galit si Jed sa akin ay hindi ako galit sa kanya. Naging parte na siya sa akin dahil siya lang ang bubwit na laging naiinis kapag tinatawag ko siya ng ganoon. Kahit nilamon siya ng galit noon ay alam kong mabuti siyang bata at may marami pa siyang magagawa sa hinaharap. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Minsan lang natutuwa si Travious at alam kong sobra pa sa siya ang naramdaman niya noong nalaman niya na buhay si Jed. Tama si Nanay Elley, makakatulong si Jed sa akin. Naging rason siya para sumaya si Travious — ang taong kumupkop sa akin. Marami na ang ginawa niya sa akin kaya panahon na siguro para ako naman ang magbalik ng mga iyon. "Heal..." bulong ko at biglang umilaw ang katawan ni Jed. Ibinabalik ko sa kanya ang kapangyarihang nawala sa kanya. Makalipas ang ilang segundo ay napakapit ako sa gilid ng kama nang kumirot ang ulo ko. Napatingin ako sa mga kamay ko na unti-unti nang nakikita. Nawala na ang invisibility ko at nanghihina na naman ako. "Syranah..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD