Chapter 13

2380 Words
WALA na akong kapangyarihan bilang Slayer. Wala na akong misyon. Wala na akong karapatang mangialam sa ibang mundo lalo na sa mundo ng mga tao. Sinabihan ako dati ni Creseal na hindi na dapat ako mangialam sa mundo ng mga tao lalo na sa mundo ng Mystic dahil lalabag ako sa batas at kapag lumabag ako, may kaparusahang naghihintay sa akin. Hindi sa hindi ako nakinig dahil sa gusto kong magpasikat o maipakita kung gaano ako kalakas, hindi ako nakinig dahil gusto kong makagawa ng tama na hindi ko pagsisisihan kailanman. "Ma'am Syra, naipadala na po namin ang pera sa mga charities gaya ng inutos mo sa amin," sabi ng butler ko mula sa labas ng pinto. Hindi ako sumagot at ilang sandali lang ay umalis rin ito. Syra ang pangalan ko sa mundong ito. Iniba ko iyon dahil iba na rin kasi ang pamumuhay ko ngayon. Wala na ako sa bahay ni Travious. Bilang kaparusahan sa ginawa ko, nawalan ako ng kapangyarihan bilang Slayer pero paggising ko ay nandito na ako sa isang mansyon na pagmamay-ari ko. Mayaman, maraming pera, sosyal, at magara pero walang Travious. Walang Travious sa bahay, mga katulong lang ang mayro’n. Ayos lang sa akin noon na ako lang mag-isa pero hindi ayos sa akin ngayon na walang Travious na makita sa bahay kahit once in a week. It's been weeks had passed simula noong magising ako. Ayokong tumira noon sa mundo kung nasaan si Creseal dahil may sarili akong mundo at iyon ay ang huli kung pinuntahan. Ang ulap na kung saan nakalagay ang bahay ko at ako lang ang nakatira. Hindi ako nakakaramdam na mag-isa ako roon dahil dumadalaw ako sa mundo ng mga tao at noong nasa mundo na ako ng mga tao — kay Travious, akala ko gaya ito ng dati na hindi ako mag-iisa, hindi pala. Iba pala talaga ang dati at ngayon. Fifteen ako noong nalaman ko na isa akong Slayer at noong mga panahon din na iyon ay tinawag ako ng nakakakaitaas para gampanin ang responsibilidad na hindi ko kailanman pinangarap. Masuwerte ako dahil ang kaparusahan ko ay hindi pagdudurusa. Nakapagtataka nga, bakit iba ang parusa ko? Bakit parang may mali? Humarap ako sa computer ko at tiningnan ang detalye ng Shanlene University, ang dating pinapasukan kong paaralan. Kung hindi ako nagkakamali ay combination name iyon nina Shandie at Selene, naalala kaya nila ako? What do I expect? Lahat ng nakakakilala sa akin noon ay mawawalan ng ala-ala tungkol sa akin. Ano kaya ang nangyari sa kanila matapos akong mawala? "Kamusta ang parusa kambal?" Kaagad akong napalingon sa may couch nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. "Creseal..." bulong ko. Unfair... naibalik sa kanya ang kapangyarihan niya. Kinuha ni Zandro ang kapangyarihan niya kaya natalo siya laban kay Zandro pero naibalik iyon noong nakabalik siya sa Enigma Paradise. Paano ko nalaman? Nalaman ko noong nakapunta ako sa Enigma Paradise. "Ano ang ginagawa mo dito?" seryoso kong sabi sa kanya. "Dinadalaw ka, wala naman kasi akong ginagawa. Saka, kasabay nang pagkawala ng kapangyarihan mo ay ang pagkawala rin ng kapangyarihan ng mga Empires at Royalties. Kaya pansamantalang namumuhay sila ngayon dito, sa mundo ng mga tao," mahabang kwento ni Creseal. "Ano? Bakit daw? Bakit sila nasali?" "Hindi ko alam, hindi na ako nangingialam sa kanila. Baka kapag bumalik na ang kapangyarihan mo saka ulit babalik ang sa kanila. Ang weird, hindi ba?" Hindi na ako nagsalita at nag-isip na lang. Ano ba talaga ang nangyayari? Ang parusang ibinigay sa akin ng kataas-taasan ay parang wala lang? Ang parusa na dapat kong matanggap ay kamatayan pero iba ang nangyari. May mangyayari pa kaya? "Pero alam mo? Isa lang ang nasisiguro kong tama at totoo." Napatingin ako kay Creseal. "Mangyayari ang dapat na mangyari," dugtong niya habang nakatitig rin sa akin. Naalala ko naman ang sinabi ni Teresa. 'Ang nakatakda ay nakatakda.' 'Itinakda ka sa isa sa kanila.' 'Itinakda ka sa kaniya.' Napailing-iling naman ako. Ano ba namang itinakda iyon? Walang nakatakda sa akin dahil i***********l iyon. Ang kanang kamay ng nakatataas ay hindi puwedeng umibig o mabigyan ng kabiyak dahil tungkulin lamang nitong paglingkuran ang nakatataas at ang buong sanlibutan. Hindi na ako nagtataka nang nawala si Creseal sa paligid. Hindi niyo ba nahalata ang hobby niya? Ang hilig niyang magpakita na lang bigla at nawawala rin siya bigla. Napailing-iling na lang ulit ako at saka itinuon na naman ang pag-iisip tungkol sa mga nangyayari. Ano ba ang mayro’n? Ano ba ang mga itinakda? Ano ba talaga ang nakatakda? Ano ang dapat mangyari na naaayon sa kataas-taasan? Nakakalito pero dapat malaman ko ang sagot para mas maging handa ako at para maging malinaw sa akin ang lahat. Napalingon ako sa may pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa roon si Light. "Light..." sambit ko sa pangalan niya. Kaagad naman niya akong hinawakan sa kamay at gumawa ng portal sa harap namin. Nagulat naman ako sa ginawa niya. "Paano nabalik sa'yo ang kapangyarihan mo?" gulat na tanong ko. Ano ba talaga ang nangyayari? At bakit naaalala niya pa ako? "We'll talk it later." Hinila niya ako papasok sa portal at nakakasilaw na liwanag ang bumungad nito sa akin. Bigla namang nawala ang liwanag at nag-iba ang paligid. "Nasaan tayo?" "Nasa bahay ko." Napatingin naman ako sa kanya at napababa ang tingin ko sa kamay ko na hawak-hawak niya. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tiningnan siya ng masama. "Explain this things to me," seryoso kong sabi sa kanya. "Seriously? Hindi mo nga na pinaliwanag sa amin na isa ka pa lang Slayer!" may galit niyang sambit sa akin dahilan para magulat ako. "Saan mo nalaman 'yan?" kalmado kong tanong sa kanya. "Sa akin." Kaagad akong napalingon sa nagsalita. "Travious..." banggit ko sa pangalan niya at akmang lalapit sa kanya pero napahinto ako nang sumulpot si Jed sa tabi niya. "May kapangyarihan akong magbalik ng mga ala-ala, Syranah. Huwag ka nang magtaka. Naaalala kita, pati na rin sina Shandie, Liry, Irza, Draz, Krioz, Dark at Light. Hindi ka naaalala ni Jed at ng iba pa," pagpapaliwanag ni Travious. "Bakit? Sino ba siya, Pa?" tanong ni Jed. Pa? So, Papa na ang tawag niya kay Travious? Sana may magandang naidulot ang pagtulong ko sa kanila. "Siya si Syranah, ipaghanda mo muna kami ng makakain at maiinom, Jed," bigla namang sulpot ni Dark. Tumango naman si Jed. Mabuti naman at mabait na siya ngayon. "Paano nabalik kay Light ang kapangyarihan niya?" panimula ko sa usapan. "Maupo muna tayo," sabi ni Travious. Umupo ako sa couch at katabi ko naman si Light. "Hindi ko alam na binasa at inaalam mo pala ang nakaraan ko, Syranah," seryosong sabi ni Travious dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. Oo, totoo nga iyon. Sa kanya ko nalaman lahat ng mga nangyari noon at sa kanya ko nalaman na nabuhay ako muli. May kapangyarihan akong makabasa ng nakaraan at kinabukasan ng isang nilalang. Ginagamit ko ang pagbasa sa nakaraan kaysa sa pagbasa ng kinabukasan. Ang kapangyarihan ng isang Slayer ay napakalakas dahil ito nga ang kanang kamay ng nakakaitaas. "Gaya nga ng mga nalaman mo. Nabuhay ka dati bilang isang Diyosa at wala kang kakambal. Kasama mo sina Light, Dark at ang mga elementalists sa panahong iyon. Sina Dark, Light, at ako lang ang nakakaalala ng nakaraan. Diyos silang dalawa kaya nakakaala sila at kapangyarihan ko naman ang maalala ang nakaraan kahit naglaho na ito at nawala na sa isip ng ibang nilalang," mahabang paliwanag ni Travious. "Naalala mo ang mga iyon dahil kay Travious at hindi dahil sa isa kang Slayer. Bakit? Hindi namin maintindihan," nagtataka namang tanong ni Dark sa akin. "I was a Slayer, sa mundo lang ng mga tao ako tumutulong. Nang malaman ko ang tungkol sa nakaraan ko ay nawalan na ako ng gana na tumulong dahil sa pagkakaalam ko ay naabuso ako dati at iyon ang naging dahilan ng pagkamatay ko noon. The cycle of my life was so complicated kaya sana huwag niyo ng isipin iyon. Ngayon dapat ang pagtuonan natin ng pansin," pagpapaliwanag ko naman. "About that thing, nalaman namin na Slayer ka dahil nga kay Travious at naging malinaw sa amin ang kapangyarihan mo but the point is, bakit nawala ang mga kapangyarihan namin? Lalo na sa mga Elementalists?" tanong sa akin ni Light. Naibigay na pala nina Light and Dark ang mga Jewels sa mga Elementalist. "For now, I can't answer that question dahil limitado lang din ang alam ko, ikaw pa rin ang mas may nalalaman sa mga nangyayari, Syranah." Napatingin naman ako kay Travious sa sinabi niya. "Hindi ko alam pero teka — anong ibig ninyong sabihin? May kapangyarihan naman si Light, hindi nawala ang sa kanya." Napabaling ang atensiyon ko kay Light. May kinuha si Light sa likod niya at iniabot sa akin. Isa itong maliit na libro? "Nakita ko iyan sa library ng Mystic Palace. Napakaluma na niyan at nalaman ko diyan na ang muling pagkabuhay mo ay magiging muling pagkabuhay rin namin nina Dark at ng mga elementalists. We will stick to each other at lalakas tayo. Kaya nagamit ko ang kapangyarihan ko dahil ikaw ang nagpapabalik no'n. Gusto kitang makita at magteleport papunta sa iyo, bigla na lang akong sumulpot kanina sa harap mo," mahabang paliwanag ni Light. Napatingin naman ako sa kamay ko. Binuka ko iyon at ilang segundo lang ay lumitaw ang cellphone ko. Naiwan ko ito sa bahay at ngayon ay hawak ko na. Totoo nga. "Kapag kasama ko ang isa sa inyo ay nanunumbalik ang kapangyarihan niyo at kapangyarihan ko." "Talaga? Pero nalilito pa rin kami sa mga nangyayari, Syranah," naguguluhang sabi ni Dark. Napalingon kami kay Jed nang bigla siyang dumating na may dalang pagkain at juice. "Salamat, anak. Iwan mo muna kami." Tanging tango lang ang naisagot ni Jed kay Travious. Wala siyang naaalala at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag may maalala na siya. "Hindi pa tapos ang lahat. Buhay si Zandro at palabas lang ang mga nangyari noon sa pagsalakay natin sa kaharian nila." Napatingin silang lahat sa akin. Ngayon alam ko na. Alam ko na kung bakit simple lang ang parusa ko. Hindi pa pala natatapos ang lahat.  Masaya ako, masaya ako dahil hindi ako pinigilan ng nakakaitaas. Tunay nga siyang may malaking puso dahil alam kong naiintindihan niya ang sitwasyon. Hindi lang rin naman ito para sa akin, para ito sa lahat. Para matapos na ang lahat ng kasamaan ni Zandro. Si Zandro ay ang namuno noon para paslangin ang Ina't Ama ko. Nalaman ko iyon mula kay Travious. Ang dahilan niya sa mga kasamaan niya ngayon ay ang pagkamatay ng pagkatao niya. Sinalakay niya ang Mystic dahil itinaboy siya ng mga nilalang doon dahil sa mga kamaliang nagawa niya. Kasalanan rin naman niya iyon. Nagawa niyang paslangin ang Ina't Ama ko para makuha ang trono at para siya ang mamuno. Kasakiman ang pinagmulan ng lahat. Hindi namatay si Zandro noong namatay ako ilang daang taon na ang nakalipas. Nanahimik siya at pinapalakas ang hukbo niya para sumalakay muli pero pipigilan ko siya dahil binigyan ako ng pagkakataon ng nakakaitaas ngayon. Si Lucas naman na kanang kamay niya ay isang ordinaryong nilalang lang. Naging sakim rin siya sa kapangyarihan kaya naisipang kumampi kay Zandro kahit pinatay nito ang pamilya niya. Alam kong pinapaikot lang ni Zandro si Demetre — Lucas ang tunay na pangalan. "Kung hindi pa natatapos ang lahat, ano ang gagawin natin ngayon? Kapatid ko si Zandro pero hindi ko na siya kilala ngayon," sabi ni Travious. "Panatilihin natin ang lahat. Travious, hindi ka si Jedlon, ikaw si Travious. Luke will always be Luke, hindi siya si Demetre. Si Jedlon at Demetre ang kalaban dito, huwag na nating guluhin pa ang mga pangyayari. Kung ano kayo at kung sino ang pagkakakilala natin sa isa't-isa ay 'yon tayo," seryoso kong sabi. "Ngayong alam na natin na hindi pa tapos ang lahat ay dapat na maging handa tayo. Kung si Kelly ang pakay nila noon, ngayon ay iba na. Ako na ang pakay ng Dempire dahil para sa kanila ay nakakagulo ako at sagabal sa mga plano nila," dagdag ko. Alam kong alam ni Jedlon na buhay pa ako. May sapat na lakas siya para malaman iyon. "Hindi lang ikaw ang punterya, kasama na kaming mga nasa Mystic Palace lalo na kami nina Light at mga Elementalists," seryoso namang sabi ni Dark. "Kung ganoon ay dapat na palagi tayong handa sa mga — " Hindi natapos ni Travious ang sasabihin niya nang makarinig kami ng malakas na pagkawasak ng pinto. Napatingin kami sa may pinto at may nakita kaming nilalang na kung hindi ako nagkakamali ay mga werewolves. "Dempires are good at simulating creatures," sabi ko sa kanila at inayos ang eyeglasses ko. Nerd pa rin ako sa mundong ito kaya huwag na kayong magtanong. Ang pangalan ko lang ang iniba ko pero ganoon pa rin ako. Ako pa rin ang Syranah na pinalaki ni Travious sa mundo ng mga tao. Nagsitayuan at nagsihanda na sila sa pagsalakay ng mga werewolves na alam kong hindi talaga werewolves. Hinarap namin sila at ilang segundo lang ay nagsilapitan na sila. Sasali na rin sana ako sa bakbakan nang may maramdaman akong mga kamay na humawak sa braso ko at hinila ako sa kung saan. "Shandie..." bulong ko sa pangalan niya at dinala niya ako sa isang kwarto. May nakita akong nakabukas na portal doon. Hinila niya ako papunta roon. "Mag-iingat ka. Kami na muna ang bahala dito," seryoso niyang sabi at tinulak ako papasok sa portal. Napapikit naman ako sa liwanag na bumungad sa akin. Makatapos ang ilang minuto ay nawala iyon at bumungad sa akin ang isang madilim na kalsada at may mga patay na puno sa gilid nito. Kung titingnan ay nakakatakot nga ang paligid at tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng paligid. Napamura naman ako dahil paano nila haharapin ang mga kalaban? Dapat na nasa tabi nila ako para magamit nila ang mga kapangyarihan nila. "Sino ka?" Napalingon ako sa may likuran ko at nakita ko si Mike na nakatayo roon. Sobrang putla niy, at kulay maroon din ang mga mata niya. Napabuntong hininga naman ako. Nasa mundo ako ng mga bampira. At ang mas malala pa ay hindi ako nakikilala ng taong kaharap ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD