Chapter 12

2230 Words
S Y R A N A H NAPAHINTO ako mula sa pagkakahila sa akin ni Light nang maaninag ko ang mga nangyayari sa paligid. Dugo, bangkay, abo, at mga nilalang na naglalaban ang makikita sa paligid. Ano ang nangyayari? Napalingon sa akin si Light. Hindi ko magawang ihakbang ang paa ko sa mga nakikita ko sa paligid. Hindi ganitong eksena ang inaasahan ko. Nakita ko si Selene sa may 'di kalayuan. Puro galos na ang mga pakpak niya. Napatingin naman ako sa isang nilalang na kung hindi ako nagkakamali ay ang kalaban ni Selene. Kung simpleng nilalang lang ang titingin sa kanya, mapagkakalan itong kaparehas niya... isang cherubim kaso iba ang kulay ng pakpak nito, itim. Naikuyom ko naman ang kamao ko. "Light... Syranah... kanina ko pa kayo hinihintay. Saan ba kayo nanggaling?" biglang sumulpot si Dark. May galos rin siya sa katawan at hinihingal siyang bumungad sa amin. "Binungad kami ni Jed sa palasyo kaya medyo natagalan kami," sagot ni Light. Napatingin ako sa may likuran ni Dark. May nilalang doon na nakatayo habang nakatingin sa kinaroroonan namin. Nang magtama ang aming tingin ay nawala ang ngisi sa labi niya. "Hindi mo ba mapigilan ang pagkauhaw mo sa kapangyariha, Demetre? Kaya narito ka para kampihan ang taong kinasusuklaman mo noon?" tanong ko sa kanya na ikinabigla niya.  Humakbang ako ng ilang hakbang paharap sa kanya. "Kilala mo siya, Syranah?" gulat na tanong ni Dark sa akin. "Dinudungisan mo na ng sobra ang pangalang 'Demetre'. Hindi ka ba nandidiri sa pinaggagawa mo?" tanong ko na naman. Gulat pa rin ang ekspresiyon niya habang nakatingin sa akin. Kaya pala kawawa ang mga nilalang sa mundong ito, kasali pala siya sa mga puno't dulo ng mga kadilimang nangyayari dito. "Hindi ka ba nandidiri, Demetre? O baka naman gusto mong gamitin ko ang tunay mong pangalan para tuluyan ka nang mandiri? Ganoon ba ang gusto mo, Lucas?" dugtong ko na naman. Nanatiling tahimik ang kaharap ko. "Ano ba ang pakialam mo? Bumalik ka na sa tunay mong mundo, Syranah. Kinuha namin si Creseal para may kasama ka pabalik. Huwag ka nang makialam sa mundong ito. May kanya-kanya tayong mundo at hindi mo mundo ito," seryoso niyang sabi. Hindi ko mundo pero dito ako nagmula. "Sy, what's happening? Hindi namin naiintindihan," biglang tanong sa akin ni Light. Hindi ko naman siya pinansin. "Demetre is not Demetre, he is Lucas. He was pretending as someone who is not really him. Hindi ba Lucas? Well, saan mo nga ba nakuha ang ganyang ideya na manggaya?" Ibinaling ko ang tingin kay Demetre na ang tunay na pangalan ay Lucas. "Huwag kang makialam, Syranah. Sa tingin mo ba kabilang ka sa mundong ito? Binibilog lang nila ang utak mo, ginagamit ka lang nila para maging mapayapa ang mundong ito. Bakit mo aaksayahin ang oras mo na tumulong kung sa huli ay wala ka rin namang mapapala? Nasaan na ang mga sinasabi mo noon, Syranah?" May ngisi sa labi niyang sambit. It hits me. Masakit ang katotohanan pero mas masakit magsisi ng paulit-paulit. Yes, past years, ayoko ng tumutulong kasi inaabuso ako ng nakararami. But, palagi akong nagsisisi in the end. I was always thinking kung bakit hindi ko man lang natulungan 'yon kahit maliit lang naman ang tulong na hinihingi nila. Nagsisisi ako sa huli. If I was helping others, marami sana akong naisalbang buhay. Still, I was thankful pa rin dahil kahit nangyari ang mga iyon, sa ngayon, binibigyan na naman ako ng chance para tumulong. Eventhough palagi akong nagsisisi, still, there are a billions of chances in the world kaya narito ako ngayon sa kinatatayuan ko. I am here to help and not to back out like a coward. Tiningnan ko naman siya ng maigi. "Sa tingin mo? Sino kaya ang nambibilog ng ulo ngayon? Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan Lucas, tigilan niyo na ang kahibangang ito." "Naumpisahan na namin, bakit namin ititigil?" pabalik na tanong niya. Naikuyom ko ang mga kamao ko ng bigla siyang nawala sa harap ko. "If he is not Demetre then nasaan ang tunay na Demetre?" tanong ni Dark. "Walang nakakaalam sa mukha ng tunay na Demetre, that's why napaniwala ni Lucas ang nakakarami na siya si Demetre. Demetre was known as bad creature pero hindi iyon totoo. He was alive and he was now ruling a pack. He was an Alpha of the wolves. Pinalitan ng Lolo niya ang pangalan niya kahit ang pangalang Demetre ay ang sumisimbolo sa mga werewolf. Napilitan ang Lolo niya dahil baka ikakasama iyon ng pack. Bata pa lang ang tunay na Demetre ay ginamit na ni Lucas ang pangalan nito," mahaba kong sabi at tumingin sa kinaroroonan ni Luke. "What? Si Luke ay si Demetre?" tanong ni Light. Paulit-ulit talaga? Napaatras naman ako ng may maramdaman akong bagay na paparating sa akin... isang matulis na metal. Napatingin ako kay Light na kinakalaban na ngayon si Lucas. Tiningnan ko rin kung saan nanggaling ang matulis na metal na muntik ng tumama sa dibdib ko. "Magaling ka pala talagang umilag, Syranah," may ngising sambit ni Jed. "Matuto kang makinig sa iba, Jed, huwag puro opinyon mo ang paniwalaan mo." "Nangangaral ka na naman, Sy? Wala namang patutunguhan ang mga salita mo, e." "Kung ganoon, bakit mo nakokontrol ng maayos ang kapangyarihan mo? Bakit ka nakinig sa mga salita ko kung wala rin namang patutunguhan ang mga ito?" Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ako kumurap at nakipagtitigan din sa kanya. Unti-unti, napapansin kong itinataas niya ang kanang kamay niya. "Huwag mong gawin 'yan, Jed," pigil ko sa kanya. Tanging ngisi lang ang nakita ko sa mukha niya kasabay nang pagbagsak ng katawan ng isang nilalang. Hindi ko nakikita ang nilalang na iyon pero pagbagsak niya sa lupa ay unti-unti nang nakikita ang anyo niya. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Napaluhod ako at napatulala. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang pag-alala sa mga pangyayaring kasama ko ang nilalang na nakahilata na ngayon sa lupa. Halata sa buong katawan niya ang paghihirap dahil marami siyang galos, pasa, at sugat. Pinapahirapan siya ng sobra ng mga nilalang ng Dempire. "Travious..." tanging sambit ko sa pangalan niya at napayuko. Napahagulgol naman ako sa iyak. Hindi ganito ang gusto kong mangyari, gusto kong makausap ang mga kasapi ng Dempire ng matiwasay. Gusto kong magkabati ang dilim at liwanag kahit magkaiba ang kanilang pinapaniwalaaan. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Tama na. Tama na ang pagkawala kay Nanay Elley, ayoko ng madagdagan pa iyon. "Heal..." bulong ko at tiningnan ang katawan ni Travious na umiilaw na ngayon. Pinahiran ko ang mga luha sa mga mata ko. "Ganyan na ba katigas ang kaluluwa mo, Jed? Pati sarili mong Ama ay nagawa mong paslangin?" galit na turo ko kay Jed. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Oo, si Travious ang ama mo. He is Jedlon at ang nagpakilala sa'yo na tatay mo ay walang iba kung ‘di si Zandro, ang kapatid ni Jedlon… ng ama mo." "Tama na, Syranah." Napalingon ako sa nagsalita. Ayos na siya, wala ng kahit anong galos ang makikita sa katawan ni Travious. "No! He need to know everything, Travious! Sino ang nagapatay kay Nanay Elley? Si Zandro, siya ang puno't dulo ng lahat ng walangyang nangyayari ngayon! Bakit ko alam? Bakit hindi ko sinabi? Because I have no right na makialam sa mundo niyo!" sigaw ko sa kaniya. Tumulo na naman ang mga luha ko. I hate it. I hate everything in my life. Sa dinami-dami ng tao bakit sa akin pa napunta ang responsibilidad na ito? I can slay demons and evils pero hindi ako puwedeng mangialam sa mundo. Bumaba ng tingin ko sa mga kamay ko. I snap my fingers in my two hands together habang humihikbi. Lahat ng mga kalaban sa paligid ay bigla na lang naging abo. Mabilis na naglaho si Demetre kaya hindi siya nasali sa mga naging abo. Galit ako, galit na galit na ako pero hindi ko maipakita sa kanila. Luha at tanging hikbi lang ang nailalabas ko ngayon. Ang unfair lang e! Ang unfair talaga! Tumahimik na ang buong paligid. "Pakialamera ka masyado, Syranah. Ganyan ba talaga kahalaga ang mga tao sa Mystic para isakripisyo mo ang sarili mong buhay? Sa mga pinaggagawa mo ngayon, alam kong alam mo ang kapalit ng pangingialam mo." Biglang sumulpot sa kung saan si Zandro. Napalingon ako sa kanya. Hawak-hawak niya ang kakambal ko na si Creseal. Halatang nanghihina na ito at hindi makagalaw. Isang Diyos si Zandro at isang Diyosa ang kakambal ko kaya hindi na ako magtataka kung natalo ang kapatid ko mula kay Zandro — Diyos ng kababalaghan.  Alam ko rin na hindi magagawang lumaban ni Creseal dahil lalabag siya sa batas ng nakakaitaas. "Ayos lang siguro sana kung si Creseal ang mangialam pero ikaw?" "Pakawalan mo siya," seryoso kong sabi. "Kahit pakawalan ko siya at kahit matalo mo ako walang magbabago. Hindi na mababago ang mga nagawa mo." Napalingon ako sa may 'di kalayuan. Akay-akay ni Mike si Kelly. Mukhang ayos ang lagay niya at mukhang hindi natuloy ang pag-alay. "Tapusin na natin ito," malamig kong sabi. Itinaas ko ang kamay ko at itinutok kay Zandro. Narinig ko ang malakas niyang sigaw. Umilaw ang buong paligid at napapikit na lang ako. Siguro, hanggang dito na lang ako. Hindi na ako malulungkot na iwanan ang Mystic World dahil alam kong pagkatapos nito ay magiging mapayapa na ang mundong iyon. Tungkulin kong tumulong, maaari akong mangialam pero hindi sa mundong ito. Sa mundo ng mga tao talaga ako dapat mangialam pero nangialam ako dito. Nangialam ako sa mundong ito kaya nararapat lang na maparusahan ako. Pagkatapos ng lahat ng ito, makakalimutan ako ng mga nilalang na nakatira sa Mystic. Alam kong ang drama pero napamahal na ako sa kanila. Sa panahong nag-iisa ako ay dumating sila. Napangiti naman ako, pati si Travious ay makakalimutan ako. Pati ang mga teachers at students sa school na pinasukan ko sa mundo ng mga tao ay makakalimutan ako. Makakalimutan nila ako pero hinding-hindi ko sila makakalimutan. IMINULAT ko ang mata ko. Isang paraiso ang bumungad sa akin, ang Enigma Paradise. Napakaganda ng paraisong ito, sa isang ordinaryong nilalang ay masasabing ito na ang pinakaperpektong paraiso sa buong mundo. Sariwa ang hangin, napakaganda ng mga halaman at kay linaw ng tubig. "Magiging maayos na ang mundo ng Mystic." Isang tinig ang narinig ko mula sa likod ko. Nilingon ko ang nilalang na iyon. Tumabi siya sa akin at pinagmasdan rin ang paligid. "Nilabag mo ang kagustuhan ng itaas. Lapastangan ka pero napakatapang mo. Sana ganyan din ako noon. Kayang isakripisyo ang buhay para lang sa mga taong napamahal na sa akin." May bakas na lungkot ang mga salita niya. "Nasa huli ang pagsisisi pero hindi pa huli ang lahat. Alam kong matapang ka, Creseal… hindi mo lang ipinapakita. Huwag kang mag-aalala, ang kinabukasan mo ay gaganda na. Hindi lahat ng batas ay kailangang sundin, minsan, mas maganda sa pakiramdam na ang puso mo ang susundin mo." Hinarap ko siya at humarap rin siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Hanggang dito na lang muna, Cres. Pinapangako kong magkikita pa tayo balang araw." "Mag-iingat ka, Syranah. Huwag kang mag-aalala. Makakalimutan man ng mga nilalang sa Mystic ang pangalan at pangyayari na kasama ka nila, mananatili pa rin sa isip nila na ang Slayer ang tumulong sa kanila para maging mapayapa ang kanilang mundo." Tanging tango lang ang isinagot ko at inilabas ang dalawa kong pakpak. Tumingin ako sa itaas at saka iwinagayway ang pakpak ko. Lumipad ako paitaas. Slayer, oo ako 'yan. I am a slayer pero hanggang sa mundo lang ng mga tao ako puwedeng mangialam. Puwede akong tumulong sa ibang mundo pero hindi ako dapat mangialam sa kanila. Sa kaso ko, sinabi ko sa kanila ang mga katotohanan na dapat ay sila mismo ang tumuklas. Kapag nilabag ko ang batas na iyon, may kaakibat iyon na kaparusahan. Ang Slayer ay ang kanang kamay ng nasa itaas na pinakamakapangyahiran sa buong kalawakan. Ang Slayer ay mas mataas pa sa isang Diyosa. Kaya naging madali sa akin ang lahat sa Mystic, kaya kong maglabas ng kapangyarihan gamit lang ang isip ko. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating din ako sa isang ulap na kung saan ay may simpleng bahay. Ulap iyon pero nakakalakad ako at para na rin iyong lupa sa akin. Akmang papasok na ako sa bahay ng biglang may ilaw na nagmumula sa may likuran ko. Napalingon ako at bumungad sa akin ang liwanag. "Lumabag ka sa batas..." Isang mahinahong tinig ang narinig ko mula sa kalangitan. Yumuko ako at lumuhod. "Patawad nakatataas, ginawa ko lamang ang tama." Matagal bago nagsalita muli ang liwanag. Hindi ko siya makita at hindi ko pa siya nakikita. Ang nakakataas na liwanag ang pinakamakapangyarihan sa lahat, at ako ang kanyang kanang kamay. "Gaya ng napagdesisyunan, ikaw ay nagkasala kaya ikaw ay mapaparusahan. Tatanggalan kita ng kapangyarihan at tatanggalin ko sa iyo ang pagiging Slayer mo. Mananatili ka sa mundo ng mga tao at mamumuhay ka ng normal. May kapangyarihan kang tataglayin, kapangyarihan hindi bilang isang slayer kung ‘di kapangyarihan bilang tao. Ang parusang ito ay mananatili hanggang sa maimulat mo na ang iyong sarili sa mga bagay-bagay." May likidong tumulo mula sa mga mata ko. "Tinatanggap ko ang aking parusa nakatataas. Hindi ko ito tatanggihan at bukas sa loob ko ang tanggapin ito." Mga salitang huli kong sinabi bago nagdilim ang mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD