S Y R A N A H NANDITO ako ngayon sa kama ko na nakaupo habang nakatingin sa libro na nasusunog na harap ko. Ako ang nagsunog ng libro. Iyon ang libro na ibinigay ni Jed sa akin galing kay Nanay Elley. Nabasa ko na ang nakasulat dito. Napabuntong hininga na lang ako. Unti-unti na itong naging abo. Nakarinig ako ng katok sa may pintuan. "Come in." "Sy? May bisita ka," bungad ni Travious. Tumango ako at mula sa likod ni Travious ay may babaeng pumasok sa kwarto ko. "Sy..." tawag niya sa pangalan ko. "Maiwan ko muna kayo, Syranah. Aalis muna ako, ikaw na ang bahala sa bahay," paalala ni Travious. Tumango ulit ako at isinarado na niya ang pinto. "What do you want?" deretsa kong tanong sa babaeng nasa harap ko na. Tumabi siya sa akin sa kama at naupo rin. "We need your help, Sy," may lun

