S Y R A N A H "GUSTO kitang makausap," bungad sa akin ni Jed sa palasyo. Kagagaling ko lang sa mundo ng mga Imp. "What?" tanong ko. Malalim na ang gabi at paniguradong tulog na ang mga nilalang sa palasyo. Lumitaw lang ako sa loob ng palasyo at mukha agad ng bubwit ang nakita ko. Hindi ako sinagot ni Jed pero hinila niya ako sa kung saan. Isa lang siyang bubwit at hindi ko alam kung saan nanggaling ang kakapalan ng budhi niya para hilain ako. "I know you know him," sabi niya nang makarating kami sa isang maliit na harden. "I know? If you know that I know then why are you asking if I know him when you know that I already know him?" sabi ko naman at umupo sa may bench sa may 'di kalayuan. Nakita kong nag-iisip siya sa sinabi ko. Actually, nililito ko lang siya at nasa sa kanya na kung

