"INILIKAS na namin ang ibang nilalang sa mga bundok ng Mystic World para hindi sila madamay dahil paniguradong ang Mystic Palace at ang Mystic Village ang puntirya ng kalaban. May mga ibang nilalang din na sasama sa atin." "Ibang nilalang?" tanong ko kay Travious. Nakatayo kaming dalawa ngayon habang nakatingin sa mga elementalists at kina Dark at Light na nag-eensayo sa mga kapangyarihan nila. "May gustong sumama sa atin para lumaban at hindi namin sila mapigilan dahil desisyon nila iyon," sagot niya. Natahimik naman ako sa sinabi niya. "Alam na nila na hindi mo na masyadong nagagamit ang kapangyarihan mo bilang Slayer kaya handa silang tumulong at lumaban," dagdag pa ni Travious. Naikuyom ko naman ang kamao ko. Laban ko dapat ito, hindi dapat masali ang mga inosente sa labanan. Kung

