bc

Sin

book_age16+
1.1K
FOLLOW
4.3K
READ
drama
comedy
sweet
humorous
lighthearted
serious
realistic earth
school
slice of life
sassy
like
intro-logo
Blurb

Uno, with his parents' support, left their place because of being broken hearted. He then met Aira, a mysterious, quite and a very beautiful girl. He only planned to finish his studies, to take a break from another possible heartbreak but because of her, his hopes of having a fun school-life turned upside down.

chap-preview
Free preview
1
-Uno "Basta itetext mo ako, ha? Sumulat ka." umarte si Carlo at nagkunwaring umiiyak. Nakahawak siya magkabilang balikat ko't patuloy na umaarte habang iniyuyugyog ako na parang gusto niya akong gisingin mula sa pagkakatulog. "Huwag mo akong ipagpapalit sa ibang lalake ruon!" "Para kang gago, you know?" Hinampas siya ni Christine o Tine kung tawagin namin, kaya ito napabitaw sa akin. Humarap siya sa akin saka ibinigay iyong isa kong bag na siya ang nag-ayos ng laman. Kinuha ko naman ito tapos ngumiti. "Basta huwag ka lang magpapalit ng sim. Hoy, Uno, ha? Huwag mong maisip isip na putulin ang communication natin kung hindi lagot ka sa akin. Susugurin ka talaga namin ruon." banta niya na may kasama pang pagduro. "Oo na." Hinawakan ko na iyong maleta ko saka sila nginitian. "Oh, paano? Alis na ako." pagpapaalam ko sa mga ito habang nakangiti. Inilibot ko muna ang mga mata ko sa buong unit saka ako bumuntong-hininga. Ilang beses ko na ba siyang dinala rito? Hindi ko na alam. Siguro nga martyr akong matatawag dahil iniisip ko pa rin ang babaeng dahilan kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko na siguro maiiwasan iyon. She's someone that made a huge impact in my life, my heart, and my mind. Lumabas na kami ng unit saka nila ako inihatid sa kotse ko sa parking lot ng building. Ilang paalala lang ang sinabi nila habang panay ang kunwaring pag-iyak ni Carlo, na hindi naman talaga naiyak dahil nangchachansing lang kay Tine dahil niyayakap niya ito. Si Tine naman, akala siguro ay malungkot talaga ito dahil aalis na ako, pinabayaan na lang. Para naman kasing ang layo ng pupuntahan ko. At hindi na siya nasanay sa lalakeng iyon. Para-paraan din iyong gagong iyon, makachansing lang sa kaniya, eh. Nagpaalam na ako sa kanila dahil may pupuntahan pa akong lugar bago ako lumuwas papuntang Manila. Duon ko na kasi napagpasyahang mag-aral. Alam niyo na... para makalimot. Ipinark ko ang kotse ko sa parking lot ng school-- ang eskwelahan kung saan ko siya nakilala. Kung saan... umibig ako sa ikalawang pagkakataon. Dahil bakasyon ngayon, walang pasok ang mga estudyante. Kilala naman ako ng guard dahil naging malapit ako rito kaya pinapasok na ako. Ito rin ang saksi sa paghihintay ko parati sa kaniya tuwing uwian na nila. Pagkatapak ko pa lang sa loob, biglang nagsisulputan isa-isa sa isip ko ang mga nangyari sa akin sa school na ito. Masasaya at masasakit na alaala. Kung ano pa kasi ang masayang bagay na inaalala mo, iyon pa ang masakit. Kasi wala nang paraan para mangyari ulit ang masasayang pangyayaring iyon. Nang madaanan ko iyong isa sa mga bench na nakapuwesto sa quad, naupo ako ruon. Dito. Dito sa bench na ito. Dito ko siya nakitang umiiyak dahil sa lalakeng iyon. Umuulan pa nga noon at basang-basa na siya kaya pinayungan ko siya. Iyon ang unang araw na dinala ko siya sa unit ko. Tandang-tanda ko pa kung saan iyong eksaktong puwesto niya dati rito kaya naman hinawakan ko ang inupuan niyang iyon. Nagbabakasakaling... baka kahit papaano... maramdaman ko ang presensiya niya. Kahit presensiya niya lang, solve na ako. Ganuon yata talaga? Kahit na ang sakit-sakit na ng nararamdaman mo dahil sa mga iniisip mo, hindi mo kaagad agad ito maiaalis sa sistema mo, lalo pa at kasama rito ang taong mahal mo. Tumayo na ako at iniayos ang sarili ko. Napagpasyahan ko kasing maglakad-lakad at libutin ang buong school. Ito naman rin kasi talaga ang dahilan kung bakit ako narito. Well actually the main reason is to reminisce. Iyon kasi ang gusto kong gawin bago ko simulang kalimutan ang lahat lahat. Nang mapadaan ako sa isang room, napagpasayahan kong pumasok ruon. Tumayo ako sa harap, sa tapat ng whiteboard, saka tinignan ang kabuuan ng kwarto. Mukhang nalinis nila bago dumating ang weekends, ha? Wala kasi akong makitang kalat. Ito iyong room namin dati. Pinasadahan ko bawat sulok hanggang sa napako ang paningin ko sa puwesto niya dati. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa puwesto niyang iyon, sa harap ng puwesto ng upuan ko. Habang naglalakad ng mabagal, biglang pumasok sa isip ko iyong kahihiyang - pero worth it - na ginawa ko dati. Umaga noon. Kinuntsaba ko ang mga teammates ko para gawin ang katutuwang bagay na iyon. Inulan ako ng tukso pero nakisama naman sila dahil alam nila ang nararamdaman ko. Kinantahan namin siya noon. May lollipop pa nga. Kahit sintunado, talagang kumanta ako para lang sa kaniya. Kumanta ako para lang sabihing hi. Kahit na ipahiya ko ang sarili ko, maiparamdam ko lang sa kaniya iyong gusto kong iparamdam. Nakakatawa, ano? Pero... wala. Ganuon kasi talaga kapag nagmahal ka. Maging katawa-tawa ka na, okay lang, mapangiti mo lang ang taong mahal mo. Maiparamdam mo lang kung gaano mo siya kamahal. Pero noong time na iyon, hindi niya yata naramdaman ang gusto kong iparating sa kaniya: ang pagmamahal ko. Nakakatawa mang isipin pero may pagkamanhid kasi ang babaeng iyon. Nandito ako, nakaupo sa harap ng puwesto niya, nagsasalita mag-isa na parang may kinakausap. Naiimagine ko kasi na narito siya sa kwartong ito, kasama ko, nakangiti sa akin, nakatingin sa akin, nakikinig sa akin, nasa harapan ko. Napahugot ako ng malalim na paghinga saka nagsalita ulit. "Kung hindi ba ako nagpakatorpe... nasa akin ka kaya?" Heto lang siya sa harap ko, nakangiti habang nakatingin sa akin. Hindi siya nagsasalita. Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Kung umamin kaya ako... masaya kaya ako ngayon? Ang gara mo naman kasi." Napakagat ako sa ibabang labi ko saka kinuha ang panyo sa bulsa ko at ipinampunas ito sa mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo mula sa mga mata ko. "Hindi pa man ako nangliligaw, hindi pa man ako nagpaparamdam, pinakiusapan mo na kaagad akong huwag ma-in love sa iyo. Nakakagago lang kasi napakaimposible ng hiling mo. Kagusto-gusto ka kasi. Sobrang kagusto-gusto ka." Tumingala ako sa kisame, nagbabakasakaling tumigil sa pagtulo ang mga luha ko pero wala rin. Naiipon lang siya at kapag umapaw, tumutulo pa rin. Parang iyong sitwasyon ko ngayon. Inilihim ko, umapaw, lumabas lahat ng sakit. Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa kaniya, sa babaeng nasa harap ko na binuo lang ng figments ng imahinasyon ko. "Hayaan mo, hinding-hindi ko kayo guguluhin. Hindi ko naman ugali ang manggulo ng relasyon." Inilahad ko ang kamay ko sa armchair niya at inisip ko na ipinatong niya iyong kamay niya ruon. Tinignan ko siya sa mata. Hindi pa rin naaalis iyong ngiti sa labi niya. Isa sa mga pinakamagandang nakita ko sa tanang buhay ko ay ang ngiti niya. Oo na, ang cheesy masyado pero kasi iyon talaga. "Kung siya ang dahilan kung bakit ka masaya ngayon, siguro pipilitin ko na lang iyong sarili ko na maging masaya. Kahit masakit, iintindihin ko. Sa kaniya ka masaya. Anong magagawa ko ruon?" Naglabas lang ako sa room na iyon ng lahat ng sakit na naipon sa dibdib ko, sakit na siya lang ang may kakayanang ibsan. Lumabas na rin naman ako ruon nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko at nagpatuloy na sa paglilibot sa school; sa gymnasium, sa ground, sa lahat ng puwedeng puntahan, sa lahat ng lugar kung saan nakasama ko siya. Inabot ako ng 3PM dahil sa paglilibot at napagpasyahan ko nang dumiretso na sa Manila. Ang tagal ko rin pala sa school na iyon? Ang dami ko kasing inalala. Hindi na rin ako nag-abalang magpaalam pa sa kaniya. Para ano pa? Malamang ay makita ko lang ang mukha niya, marinig ko lang ang boses niya, umatras na naman ako sa plano kong ito. Ni hindi ko na nga siya itinetext o tinatawagan dahil kailangan ko talagang umiwas. Oo, may karapatan ako dahil magkaibigan kami pero... hindi na. Tama lang na iwasan ko siya para makalimot ako. Ayoko man na magalit siya sa akin dahil sa hindi ako nagpaalam sa kaniya na sa ibang eskwelahan na ako mag-aaral, okay lang. Tatanggapin ko iyong galit niya. Buong puso kong tatanggapin iyon. Karapatan ko naman sigurong maging masaya ulit, hindi ba? Tama. Karapatan ko iyon. At ang tanging paraan lang ay umalis ako sa lugar na iyon para makalimot at nang makamove on na. "Yes, Pa." Tinanggal ko ang seatbelt na yumayakap sa katawan ko saka lumabas sa kotse. Naipark ko naman na ito sa parking lot ng building ng condo na tutuluyan ko. "Sige na, Juan, may mga kailangan pa akong asikasuhin." "Pa, how many times have I asked you to call me Uno? Ang gara naman kasi ng pangalan na ibinigay niyo ni Mama." Tinawanan niya lang ako saka nagpaalam. Itinago ko na sa bulsa ang cell phone ko at kinuha na iyong mga gamit ko sa trunk ng kotse tapos pumunta na sa elevator. It's a good thing na nakatira lang rin si Tita sa building na ito kaya nakuha ko kaagad ang susi ng unit ko. Hassle pa kasi kung kukuhanin ko pa sa ibang lugar iyong susi gayong pagod rin ako sa biyahe. Buti talaga at kay Tita ipinaabot ni Papa iyong susi. Halos karamihan ng mga babaeng nadaanan ko papunta sa lobby ng building, napapatingin sa akin. Sanay na ako sa mga tingin na iyon kaya tinapunan ko na lang ang mga ito ng ngiti dahil hindi ko ugali mangsnob ng mga tao. Nang makarating ako sa bagong unit ko, itinabi ko muna ang mga gamit na dala ko sa gilid ng kwarto saka ako nahiga sa kamang nakahanda ruon. Wala pang mga unan pero okay lang. At least may kama nang mahihigaan. Mamimili na lang ako ng mga gamit na kailangan ko. Medyo spacious naman ang kabuuan ng unit kaya okay lang bumili ng marami. Next week na nga pala ang sinabi ni Papa na pasukan ng bago kong school. I already took their exam months ago and I passed kaya ready na ang lahat. Transferee ako kaya medyo maraming iniayos pero dahil sa tulong ni Papa at ng mga galamay niya, napadali ang pagpasok ko sa school na iyon. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising na lang kinagabihan. "Augh. Hindi pa pala ako nakain." nakasimangot na bulong ko sa sarili habang nakahawak sa tiyan ko na kumukulo na dahil sa gutom. Naligo at nagbihis muna ako saka ko kinuha iyong wallet at cell phone ko bago lumabas ng unit. Bukas ko na lang aayusin ang unit ko tutal wala pa namang mga gamit. Bukas na rin ako mamimili. Siguro kukumpletuhin ko na para hindi na hassle sa pagpapabalik-balik sa mall. Nagtanong muna ako sa guard ng building kung saan ako puwedeng kumain; iyong malapit lang dahil gutom na talaga ako. Narinig niya pa nga ang pagkulo ng tiyan ko kaya alam niya na gutom na talaga ako. Sinabi naman niya na ang pinakamalapit ay iyong Rex's Diner. Naalala ko na lang na nadaanan ko nga ito kanina. Tama. Duon na lang ako kakain. Nagpasalamat naman ako sa guard saka ako dali-daling pumunta sa nasabing lugar. Hindi na ako nagkotse dahil sa tingin ko naman ay three minutes walk lang ang layo ng restau na iyon. Naupo ako sa tapat ng floor-to-ceiling glasswall ng restau, iyong pwestong tulad ng sa mga fastfood na bulgar na bulgar talaga ang ginagawang pagkain dahil salamin lang iyong pader. May lumapit na waiter saka ako binigyan ng menu. Nagpasalamat naman ako at tinignan ang mga isineserve nila. Nang makapili, sinabi ko na iyong order ko at iniwan na ako nito para maiayos ang mga inorder ko. Tumingin na lang ako sa labas at pinagmasdan ang mga sasakyan pati ang mga naglalakad na mga tao. Nagulat na lang ako nang mapatingin ako sa isang bahagi. May dalawa kasing babae na nakaangat iyong cell phone at nakaharap ito sa direksyon ko. Pinipicturan ba nila ako? Lumingon-lingon muna ako sa tabi at likuran ko pero mukhang ako nga ang pinipicture-an. Wala naman akong nagawa kung hindi ang ngumiti ng bahagya. Nang makunan na yata nila ako ng picture, para silang bulate na inasinan kung magalaw. Marahil ay sa kilig? Ewan. At tama nga ang hinala ko na ako ang pinipicturan dahil kumaway sila sa akin habang nakangiti tapos naglakad na papalayo habang tinitignan yata iyong picture ko. Napailing na lang ako saka kinuha ang cell phone ko at nagkalkal ng mga picture. Hindi naman ako vain pero may mga picture ako rito. Iyon nga lang, may kasamang iba. Hindi ako nagseselfie. Ang awkward lang kasi sa pakiramdam. Kalalake kong tao, magseselfie ako nang magseselfie? Hindi na. Hanggang sa nang maiswipe ko para tignan iyong next picture, bumungad sa akin ang stolen shot niya habang tulog. Napabuntong hininga ako. Ito iyong unang picture niya na nagkaroon ako. Ito iyong naglasing siya at napulot ko siya na natutulog sa garden ng bahay ng kaibigan ko (may party kasi noon) kaya dinala ko sa kwarto ng kaibigan ko. Dito ko rin napagtanto na binubully sa school namin dati ay sobrang ganda pala. Ayaw ko pa sana siyang ibalik sa nagmamay ari sa kaniya noon pero ano ba ang magagawa ko? Wala naman akong karapatan sa kaniya. Isa pa, isa ako sa mga gumawa ng masasamang bagay sa kaniya. Hindi ko man ginusto iyon, nagawa ko pa rin para lang mapasagot ko iyong nililigawan ko. Ewan ko ba. Ang tanga ko kasi pagdating sa pagmamahal talaga. Ilang saglit lang rin nang mapansin ko na may papuntang babae, isang waitress, sa pwesto ko habang dala iyong tray na may mga pagkain. Malapit na siya sa akin nang bigla siyang madapa kaya naman nagliparan iyong pagkain at ang malala, sumakto sa hita ko iyong soup. At tanginangshet lang dahil ang init ng soup tapos nakashorts lang ako. "s**t!" Napatayo ako bigla saka kinuha iyong table napkin sa mesa tapos pinahiran ko ang hita ko. s**t lang. Malalapnos yata balat ko dahil sa sobrang init. At dahil sa eksena, nakuha namin ang atensyon ng buong laman ng restaurant. Habang nagpupunas ako, napansin ko na may lalakeng parang galit na galit na nakatingin sa waitress na nakatapon ng pagkain sa akin. Ibinaba ko na muna iyong table napkin saka ko nilapitan iyong babae. "Miss, are you okay?" Lumuhod ako para tulungan siyang tumayo saka ko inioffer iyong kamay ko. Nang iniangat niya iyong tingin niya, hindi ko mabasa ang ipinakita niyang expression. Ewan. Straight-faced lang kasi siya. "Aira!" Napatingin naman ako sa sumigaw. Iyong lalakeng masamang nakatingin kanina sa babaeng ito. Tinulungan ko na itong tumayo pero nang makatayo na ito, inialis nito ang pagkakahawak ko. Now what's her problem? Humarap naman siya sa lalake, na boss niya yata? "Anong katangahan na naman ba ito?!" puno ng pagtitimping tanong niya sa babae na Aira yata ang pangalan. Iyon iyong sinabi niya, eh. "Sorry, Sir." nakatungong sagot naman nitong Aira. "Hindi na po--" "I've had enough of your stupidity! You're fired!" Humarap naman siya sa akin saka ngumiti ng bahagya. "I'm very sorry, Sir--" I signaled him to stop. She already said sorry, bakit kailangan pa siyang sisantihin? Can't he just scold her somewhere private? Like his office or this restaurant's kitchen for instance. Hindi iyong dito pa talaga sa harap ng mga costumer niya. What kind of a boss is he? Ipinapahiya niya iyong tao. "Why are you firing her?" Binigyan lang niya ako ng confused expression abang iyong babae naman, nasa gitna lang namin, nakatungo. "If the reason why you're firing her is because of this incident, don't bother. I'm telling you, it's okay. I'll still pay for the food that I've ordered even though I haven't eaten it yet." kalmadong sinabi ko bago ako kumuha ng pera sa wallet ko. At nang makakuha na ako, inilapag ko ito sa lamesa na pinwestuhan ko. Shete naman. Nagugutom ako pero iyong pagkain ko, na hindi ko naman nakain dahil nagsiliparan na, binayaran ko pa rin. Sobra pa kamo dahil wala akong barya. Nakanangbuhay naman, oo. Mukha pa tuloy akong umihi dahil sa medyo basang short ko. "Sir--" Hindi ko siya pinansin at hinarap sa akin iyong babaeng nakatungo. "Are you okay?" Tumungo lang ito saka inialis ang pagkakahawak ko sa kaniya at naglakad na papunta sa kitchen yata ng restaurant. Napabuntong hininga na lang ako saka tinignan ulit iyong boss niya. "Don't fire her. It's not her fault. It's nobody's fault. It's not like she wanted that to happen." Lumabas na ako ng restaurant at naglakad pabalik sa condo. Shete nga lang, eh. Medyo napagtatawanan ako ng ibang tao na nadadaanan ko on the way back sa unit ko dahil medyo basa nga iyong short ko. At ang malala, tiniis ko talaga iyong gutom. Hawak-hawak ko nga ang tiyan ko habang naglalakad dahil kulo nang kulo. Hindi bale, magpapalit lang ako ng short at makakabili na ako ngpagkain. Shet. Gutom na gutom na talaga ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook