-Uno "It's not what you think!" Sabay na naisigaw namin ni Apple habang nakatingin kay Aira dahil sa gulat. Dali dali akong gumapang para makaalis sa kama pero dahil sa pagmamadali, na sinamahan pa ng katangahan, sumabit iyong kumot sa paa ko kaya nalaglag ako. "Teka!" Sabay na namang sigaw namin kay Aira dahil bigla siyang tumakbo paalis sa pintuan. Tae, she got the wrong idea! "Uno, habulin mo!" Hindi ko pinansin iyong utos ni Apple. Dali dali akong tumayo saka lumabas ng kwarto. Sakto namang pagkalabas ko ay siyang pabagsak na pagsara ni Aira sa pintuan pagkalabas niya. Nang makalabas ako sa unit, luminga linga ako para alamin kung saan siya nagpunta. Nahagip ng mga mata ko iyong pagpasok niya sa elevator kaya dali dali akong tumakbo papunta sa kaniya. At bago pa man magsara iyong p

