-Uno "I think it is best kung umuwi ka na nang makapagpahinga ka na." Tinignan ko iyong wristwatch ko saka ko ibinalik sa kaniya iyong tingin ko. "Hindi ko rin kasi alam kung anong oras na ako makakabalik-" "Kaya nga ako sasama sa iyo, e. Para no choice ka kung hindi umuwi ng maaga." Pagpuputol niya sa sinabi ko habang nakangiting nakatingin sa bintana, sa bahay niya. "You're really impossible." Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kakulitan niya saka ko binuhay iyong makina at pinaandar na iyong kotse. Habang pinagbubuksan kami ng gate ng guard nang makarating kami sa guard house, kinuha ko iyong cell phone sa bulsa ko saka ko inilahad sa kaniya. "Call ate Aya. Sabihin mo, kasama pa rin kita." "'Kay." Kinuha niya naman iyon sa akin matapos niya magkibit balikat. "May load ba ito?"

