-Uno "Wala pa rin?" Nabapuntong hininga ako saka tumango habang nakatingin sa screen ng cell phone ko. Pati si Angel na nagtanong, napabuntong hininga na rin dahil sa disappointment. Kahit maingay rito sa KFC dahil sa rami ng kumakain, para pa rin akong nabibingi dahil sa rami ng iniisip ko – and I don't even know how that's possible. Basta sa sobrang rami ng iniisip ko, halos occupied na talaga ako. The result? Tulala, hindi makausap ng maayos at palaging nakatingin sa cell phone. Ang nakakaloko pa, kahit empty na iyong battery ng cell phone ko at nakapatay na, tumititig pa rin ako duon, waiting for a miracle to happen, waiting for Aira's call, text o kahit pm man lang sa f*******: pero wala. "Dude, I think you should stop what you're doing." Payo ni Derek, and pity was evident in his

