-Uno Nagtime travel ba ako? Iyan ang paulit ulit na tanong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa court na nakatayo hindi naman kalayuan sa building ng condo ko. Paanong hindi ko iyan tatanungin, e, halos lahat ng makasalubong ko, parang galing sa future - iyong mga lalake, parang ewan na foil iyong suot tapos nakataas ala Johnny bravo iyong buhok. Iyong mga babae naman, ang lalaki ng palda na parang ballerina tapos iyong mukha pa nila, parang pinagkatuwaan ng paint artist. Iyong buhok nila, nakataas rin na parang... iyong Sandara yata iyon? Basta, Sandara nga yata. Ang ipinagkaiba lang, parang sungay iyong sa mga nadadaanan ko kasi dalawa iyong nakataas at hindi isa tulad nuong sa Sandara na iyon. Ang weird nila. Ang dami, dami nila kanina na nadadaanan ko - halos fifty yata. E

