-Uno Pauwi na kami ngayon. At tulad ng puwesto sa sasakyan kanina, nasa gitna pa rin namin ni ate Aya si Aira. Maingay sila at masayang nagkukuwentuhan. Napupuno na rin ng tawa ang bawat sulok ng sasakyan dahil sa kulitan nila. Hindi ko naman sila masisisi kung bakit naging ganiyan na lang sila kasaya kasi kahit ako, abot langit na iyong pasasalamat ko dahil sa wakas, sa tagal ng hinintay ko, naisipan na rin ni Aira na magmove on. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at sobrang nakahinga ako ng maluwag. Halos wala nang mapaglagyan iyong tuwa ko dahil sa ibinalita niya sa amin, iyong regalo niya sa amin. Sa wakas, may tiyansa nang matapos iyong paghihirap niya dahil sa pagkamatay ni Jake. Sa wakas kasi napagdesisyonan niya nang kalimutan si Jake, iyong nakaraan niya. Salamat kasi mala

