-Uno Napahugot ako ng malalim na paghinga saka tumayo mula sa kama. Lumapit naman ako sa bintana saka hinawi iyong kurtina nuon para mamaya, kapag sumikat na ang araw, pumasok iyong liwanag sa kwarto ko. Well, sana tumila na iyong ulan. Ang lakas, lakas kasi ng ulan simula noong isang araw pa. Lumabas na rin naman ako sa kwarto ko saka lumapit sa glassdoor ng balcony. Hinawi ko rin iyong kurtina nuon saka binuksan iyong glassdoor para pumasok iyong hangin. It's only four fourtyfive am, and I just woked up. Early bird talaga ako, huwag na kayo magtaka kung bakit palagi akong nagigising ng maaga. Pinakiramdaman ko naman iyong paghampas ng hangin sa balat ko. Ang sarap. Ang kaso lang, sa lakas ng hangin, tinatangay na iyong drops ng ulan kaya pumapasok sa unit ko. Isinara ko na lang ulit iy

