Chapter 2

1499 Words
SUMMER *bzzzzzzzzt bzzzzzzzzt bzzzzzzzzt* Kumunot ang aking noo at napasimangot ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa ilalim ng aking unan. Nangangapang kinuha ko ito and was about to sleep again when I think I heard someone speak. Summer Romero, baka naman gusto mo nang bumangon at pumasok sa school? Napadilat ako at napabalikwas sa higaan sa narinig. Imagination ko na naman ba iyon? I looked around the room, and of course, kaming dalawa lang talaga ng anak ko ang nandito. Napailing na lang ako at napatingin sa phone na nakasilip sa may unan. Nang tiningnan ko 5:30am na pala. 5:30AM NA? Lintik! May pasok ako sa school! Dahan-dahan akong tumayo baka magising iyong angel na nasa tabi ko, ang naiiwang rason kung bakit ako nabubuhay. Nagluto ako ng aalmusalin namin at kumain at naligo na rin, mabuti na lang Friday na ngayon, at least makakasama ko ng matagal si Crystal. Ayoko namang maramdaman niyang pinapabayaan ko siya kahit kaming dalawa na lang.  Hinalikan ko muna sa noo ang aking anak na mahimbing pa rin ang tulog sa kama bago lumabas para naman pumasok sa school. "Summer? Hija papasok ka na?" Bati sa'kin ni Tita Martha. Tita ang tawag namin sa kaniya since siya ang landlady ng tinitirahan naming kwarto ni Crystal. "Opo Tita, maraming salamat po sa pagtingin niyo sa anak ko. May pagkain na po siya sa lamesa, hanggang tanghalian na po tutal sandali lang naman ako sa school ngayon" sabi ko naman habang nagsusuot ng sapatos. Siya ang natingin kay Crystal habang ako naman sa umaga nag-aaral, sa gabi nagt-trabaho. "Naku matutuwa iyang anak mo. Miss na miss ka na niyan!" Ika nito habang inaayos ang walis ting-ting na hawak. "Walang kaso sa amin ang pag-aalaga kay Crystal, alam mo naman na mahal na rin namin 'yang batang 'yan. Wag lang sanang abusuhin ang sarili mo ha?" paalala naman niya sa'kin. Halos lahat kase ng pagkakataon na may makikita akong trabaho ay kinukuha ko. I am from a well-off family pero ayoko namang umasa na lang sa kanila, in fact tinataguan ko pa nga.  Tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya at agad na ring umalis para makapasok at mag-review, may long test kami ngayon sa isang major subject. I'm on my 4th year in college, dapat matagal na akong graduate, kaso nga lang may nangyaring hindi maganda kaya naman nagpalipat na lang ako ng school. Si Daryll mismo ang may gusto na dito ako sa school na ito mag-aral. Bago niya kami iwan, he made sure that I'll continue my studies. His parents enrolled me here. Mahigpit akong napakapit sa strap ng aking back pack habang nakatingin sa mahabang hall way papasok sa University. Habang naglalakad ako sa hallway, pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante. Araw-araw ko iyong tinitiis dahil ayaw kong masayang ang pampa-aral sa'kin. Sa tuwing papasok ako ay hindi maari na wala akong marinig na komento tungkol sa'kin at sa kalagayan ko sa buhay. Noong una ay masakit pero unti unti ko ring natanggap na sa mundong mapanghusga ay wala akong boses. "Pumapasok pa rin iyong disgrasyada?" narinig kong bulong sa likod ko na sinasadya naman ata na iparinig. Nagpatuloy lang ako sa pagpasok sa classroom which made everyone in the room look at me— in disgust. Binalewala ko na lang iyon at umupo sa pinakadulong row kung saan walang may balak tumabi sa'kin. "Grabe talaga, nagagawa niya pang pumasok? Wala na ba siyang kahihiyan?" kilala ko ang may ari nang boses na iyon, si Chloe Nicole Valdez, ang self-proclaimed queen ng school. She's pretty, yes. Rich, yes. But she's a b***h. "Oo nga Chloe, dapat hindi tinatanggap ang mga katulad niya sa school natin, what a shame!" sabi naman ng babae sa kanan nito na si Alyza Smith. Kung nai-imagine mo na ngayon, para akong si San Chai ng Meteor Garden, iyong original version ha. Halos parehas lang ang kalagayan namin, except that I don't have a Dao Ming Si. Ako lang kase ang mahirap ata sa buong school, kaya ko lang naman din naman nagustuhan ang school na ito ay dahil flexible ang oras ng mga subject. Isa pa, may monthly support naman ako galing kay Kuya, but I rather save it for Crystal than spend it to myself. Natahimik lamang ang lahat ng pumasok ang proff namin. Niligpit ko na rin ang mga libro ko at nag-umpisang makinig nang may kasunod itong pumasok. Lahat kami ay sandaling natulala sa kaniyang ganda.  "Hi everyone I'm a transferred and sit in student from US. Marie Olivia Fuentes" sabi ni ganda sa unahan, lahat kami ay nakatingin lang sa kaniya. Maging ang mga magaganda kuno sa room ay tulala rin. "M-Marie Olivia? Di ba ikaw iyong sikat na model sa US? Wow you're really a beauty!" siyempre, pag mga sosyalan, nangunguna na iyong nguso ni Chloe diyan. "Ms. Fuentes you may sit kung saan mo gusto" sabi ng proff namin. Luminga si Marie Olivia sa kaliwa at kanan bago napatingin sa pwesto ko. Palibhasa ako lang ang walang katabi forever. "Olive! You can sit here with us!" tawag ni Alyza kay Olivia, lumingon naman ang huli kay Alyza pero imbis na umupo sa tabi nila ay inilapag nito ang mga gamit sa tabi ko. Sa tabi ko. Sa tabi— tumabi siya sa'kin?! Nanlalaki ng mga mata ko dahil sa ginawa niya, of all people siya lang ang tumabi sa akin simula ng malipat ako sa school na ito. Maging ang mga classmates namin ay na-shock din. "Hi! Anong pangalan mo?" tanong niya sa'kin with a struggling Filipino accent, I looked at her contemplating if she's really speaking with me. At oo nga kinakausap nga ako. Narinig ko rin ang ilang pagsinghap sa loob ng room dahil alam nila na walang kumakausap sa akin. "Hey! You okay?" parang nagising ako bigla sa pagmumuni-muni sa narinig. "Ah Summer, Summer Romero ang pangalan— I mean, I am Summer Romero" sabi ko naman. I've seen dagger looks that Chloe's group is throwing at me. Binigyan ako ni Olivia matamis na ngiti kaya nginitian ko rin siya, iyong usual na ngiti lang. Parang ngiting aso nga ata iyong nagawa ko. "Summer, please call me Mallow, my parents are fond of long names kase e" sabi naman ni Marie Olivia na naka-peace sign pa. She looks weird and cute at the same time. I can feel that we can be good friends, pero hindi naman ata posible. Sa estado ng buhay niya, dapat ang mga katulad ni Chloe ang kinakausap niya. Binigyan ko ng tipid na ngiti si Mallow. "I don't want you to be in trouble, kaya sana wag mo na akong kausapin, salamat na rin sa pagtabi sa akin" ibinalik ko ang focus sa proff na nagsusulat sa harapan. Hindi na rin naman ako kinausap ni Mallow kahit halatang nagtataka ito sa sinabi ko. Nang matapos ang klase ay agad na akong lumabas sa room, isa lang ang klase ko ngayon, matagal nga lang kaya naman pahapon na rin natapos. Palabas na ako ng gate ng may marinig kong may tumatawag sa'kin. "Summer! Hey Summer! Wait up!" nang lumingon ako nakita ko si Mallow na tumatakbo palapit sa'kin. Tumingin ako sa paligid bago siya binalingan, "Mallow? Bakit ka tumatakbo? May kailangan ka?" maraming estudyante ang nakatingin sa'min kaya naman hinila ko si Mallow paupo sa bench. Nang makaupo kami ay hinayaan ko munang makapagpahinga si Mallow dahil mukhang hindi siya sanay tumakbo o dahil naka-heels siya. "Summer, I don't understand. Ayaw mo ba akong katabi sa upuan? Mabaho ba ako?" napansin ko na naluluha si Mallow kaya naman agad ko siyang sinagot. "N-Naku Mallow hindi sa ganoon! Kaso lang kase hindi mo ako dapat lapitan." sabi ko naman habang lumilinga sa paligid, mamaya may makakita sa amin. "Why? Are you sick? Don't you want to be friends with me?" naiiyak na sabi naman ni Mallow. Hindi ko mapigilan ang pag-ngiwi. Hindi naman kase nito maiintindihan na since isa akong weirdo, single parent at kataka-takang nakapasok sa school ay pinag-uusapan ng buong campus. Wala akong kaibigan, o mas magandang sabihin na tinanggihan na ko na ang pagkakaroon ng kaibigan. Si Daryll lang ang kinilala kong kaibigan kaso nga lang iniwan din ako. It's not that I don't want to be friends with her, ayoko lang mapag-tripan siya dahil sa'kin. Ilang beses na kasing nangyari na may mga bagong estudyante akong nakikilala, after a day or two, hindi na nila ako papansinin at magso-sorry na lang sa'kin through text. Pinagbantaan daw sila nila Chloe na malilintikan kapag nilapitan ako. Hindi ko talaga alam kung bakit trip na trip ako ni Chloe. Insecure ba siya? Bored? Sa totoo, hindi ko na balak pang alamin. Iba din kase ang trip ng babaeng 'yon. "Hindi sa ganun Mallow, kaso lang... hay. Sige, Ikaw ang bahala.. kung gusto mo pa rin akong maging kaibigan, wala naman akong magagawa. But I'm sorry, I have to go now" agad akong tumayo dahil may pupuntahan pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD