Chapter 1
Summer
*krrrriiiiiiinnnnggggg*
Umalingawngaw ang ringtone ng cellphone ko kasabay ng pag-vibrate nito, agad ko itong dinukot sa bulsa ng aking uniform at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Tita Melissa.
Kasing bilis ng kidlat na naglakbay ang takot sa katawan ko nang mabasa ang pangalan. Agad akong nag-paalam sa supervisor ko na may importanteng akong tawag bago lumabas ng restaurant.
Bakit kaya siya tumatawag? May nangyari ba? Panginoon, sana naman ayos lang ang lahat.
Abot langit ang panalangin ko habang hindi magkandaugaga sa pagpindot para sagutin ang tawag.
"He-hello po? Tita Mel?" nag-aalangan na sagot ko sa kabilang linya. Matagal bago ito nakasagot.
"Sunny” I gulped. Pinigilan ko ang pagpatak ng namumuong luha sa aking mga mata. Pilit na ngumiti kahit na nanginnginig ang mga labi "Sunny, Love, pwede mo ba akong dalawin ngayon?" mahina at tila paos na sabi ng nasa kabilang linya.
"Love? Ikaw ba iyan?" hindi ako pwedeng magkamali, si Daryll nga ito "Daryll? A-andyan ka pa ba? Antayin mo ko h-ha? Papaalam lang ako kay Nathaniel, ok? Tapos na--" Tumikhim ako para tanggalin ang bara sa aking lalamunan, "Tapos na naman iyong gig ko, paalis na rin talaga ako" walang sumagot sa kabilang linya kundi isang tunog hudyat na naputol na ang tawag.
Agad akong nagbihis at nagpaalam kay Nathaniel, ang supervisor ko, when I told him that it's Daryll, pumayag siya agad. He even offered na ihatid ako but I said no. Nagta-trabho ako sa isang resto bar bilang isang part time singer. Pantustos sa araw araw na pangangailangan at sa pag-aaral ko at ng anak ko.
Siguro ay dahil sa madaling araw na rin ay mabilis akong nakarating sa ospital. Naabutan ko sa labas ang mga magulang ni Daryl na nakayuko at malalim ang iniisip.
"Tita Mel, Tito Randy" nag-angat ng paningin ang mag-asawa sa'kin, hindi nakaligtas sa mata ko ang mabilis na pagpahid ni Tita Mel sa luha niya.
"Sunny, mabuti at dumating ka na hija, kanina ka pa niya inaantay sa loob" sabi ni Tita Mel na halatang pinipigilan ang luha sa pagbagsak, agad ko siang niyakap bago pumasok sa loob.
"Tita, wag kang umiyak, magagalit sa'tin si Daryll kapag nalaman niyang umiyak tayo" matatag kong sabi kahit na maging ako man ay naluluha na rin. She nods at me and motioned me to get in.
Ilang beses akong lumunok ng laway habang nakahawak sa malamig na seradura ng pinto ng kwarto ni Daryll. Sa tuwing papasok ako sa silid na ito, abot langit ang panalangin ko na huwag maiyak, na maging matatag, na kailangan ako ng taong nakaratay ngayon sa higaan. But every time I do that, my heart is breaking ten thousand times.
Ninakaw ng cancer lahat sa kaniya, ang lakas ng katawan, ang kisig ng tindig, ngunit magkaganoon pa man, hindi nabawasan ang angkin nitong kagwapuhan. At ngayon buhay naman ni Daryll ang balak agawin ng kaniyang sakit.
Walang ingay akong pumasok. Ilang minuto akong nakatingin sa lalaking nakahiga, nakatulala sa kisame, bago niya ako napansin, he looked at me with tired eyes and faint smile. Nginitian niya ako at inaya na maupo sa tabi niya.
"Ano, Love? Miss mo na agad ako?" nakangiti kong tanong, isang ngiti na hindi umabot sa aking mga mata na namamasa na sa luha.
"I will miss you every day and forever, Sunny" tawag sa'kin ni Daryll habang pilit na inaabot ang mukha ko. Agad akong lumapit at inilagay ang pisngi ko sa kamay niya na halos buto at balat na lang.
"Daryll, magpagaling ka, ha? Miss ka na namin ni Crystal" naiiyak na sabi ko. Hindi ko kaya ang ganito. My heart is always breaking tuwing dadalawin ko siya. Kung pwede ko lang hilingin sa Lord na sana, hati na lang kami sa sakit at paghihirap.
Summer ang pangalan ko pero Sunny ang tawag niya sa'kin, mas bagay daw sa'kin dahil palagi akong nagdadala ng liwanag sa buhay niya. But he was wrong. He is my sunshine. Siya at ang anak ko. Silang dalawa lang ang nagbibigay kulay sa buhay ko.
"Kumusta si Crystal? Iyong makulit nating anak?" tanong niya while tracing my face with his fingers, parang kinakabisado niya. Anak na kung ituring niya ang anak kong si Crystal. Mahal na mahal niya kaming mag-ina kahit hindi niya kadugo ang bata.
"Ayun madaldal pa rin, palagimg hanap ang Daddy DJ niya, hindi ko naman pwede pang dalhin dito sa ospital" Daryll shook his head while smiling.
"Tell her I miss her and I'm sorry" ayoko. Gusto kong siya mismo ang magsabi noon sa anak namin, "Sunny aren't you tired?" tanong niya sa'kin.
Mabilis naman na pag-iling ang isinagot ko. 10 months na akong nagbabantay kay Daryll at kahit halata na haggard at stress, ayaw kong paawat sa pagbabantay sa kanya. I'll never get tired; I won't get tired of taking care of him.
"Di ba pangako ko sa'yo na hinding hindi ako mapapagod? Na aalagaan kita kahit gaano pa katagal basta gumaling ka lang?" hinaplos ko ang manipis niyang mukha habang pinipilit na pakalmahin ang aking paghinga.
"Pagod... pagod ka na ba?" I succeeded on breathing easy, but my tears, ayaw nilang paawat and this time hindi ko na napigilan ang paglandas ng masaganang luha sa aking mukha.
"Alam mo bang mahal na mahal ko kayo ng anak natin?" ika niya. How can I forget? When everyday of our waking lives ay palagi niya iyong sinasabi at ipinapadama sa'min ng anak ko? Tumango ako habang pinipigilan ang paglabas ng hikbi.
"Sayang, di ko siya makikitang lumaki—"
"No! Wag mong sabihin 'yan Daryll please, kayo na lang ni Crystal ang pamilya ko, wag mo akong iwan" patuloy sa paglabas ang mga luha ko habang hawak ang kamay ni Daryll. I kissed it and pressed it hard on my wet face.
"Sunny, ikaw na lang ang hindi nakakatanggap.mNagpaalam na ako kanina kina Mommy at Daddy" mabilis ang pag-iling na ginawa ko. Hindi ko matatanggap na pati si Daryll na nagmahal sa akin ay iiwanan din ako.
No. Not Daryll! Please Lord, please wag si Daryll! Marami namang masamang tao sa paligid, wag si Daryll please.
"Love hindi ko kaya, hindi pa. Please wag mo kong iwan, not now please" nagmamakaawa na ang tinig ni ko habang nakatingin sa kaniya, wala na akong pakialam kung tumulo man ang sipon ko o laway o luha pa. I would beg the whole day, whole month, year, basta wag lang ngayon!
"Sunny, if you love me, you need to let me go" sumusuko nitong saad. Daryll seems to know that his time is up. Ano mang oras alam niya na mawawala na siya.
That's why he's doing this, that's why he wanted to let me let him go. But I can't, I just can't.
"No. No, Love, please. Ikaw na lang ang meron ako. Ang daya mo naman, iniwan na ako nila Mama at Papa, pati ba naman ikaw?" hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. "Di ba mahal mo din naman ako? Bakit mo ako iiwan?" tanong ko.
He cupped my face and gently wiped the tears from my face while smiling, a smile that saying he's giving up "Balang araw mapapalitan din ako sa puso mo Sunny, magmamahal ka nang higit pa sa'kin at may magmamahal sa'yo na higit sa pagmamahal ko" hindi na napigilan ni Daryll na mapaluha. Masakit. Sobrang sakit. Kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niya pang lumaban.
Pero traydor ang sakit nito, malalaman mo na lang na malala na kapag malapit ka na nitong patayin at malapit na ang oras niya.
"Daryll, ikaw lang ang minahal ko ng ganito, wala nang iba so please stay" nagmamakaawa kong sabi kay Daryll. Please wag siya.
"Sunny, please" sabi naman nito na naiiyak na. "Palagi ko kayong babantayan ni Crystal, hindi niyo man ako kasama physicaly—"
"No please!" niyakap ko si Daryll pero nagpatuloy pa din ang huli sa pagsasalita.
"— Hinding-hindi ko kayong papabayaan kahit nasaan kayo, I'll be your guardian angel, both of you." umiiyak na si Daryll at hinalikan pa ang noo ko. "Wag niyo akong kakalimutan ha?" itinapat ni Daryll ang kaniyang mukha sa mukha ko na namumula sa kakaiyak.
"Wag kang magpapagod masyado, kakainin ka, wag mong titipirin ang sarili mo, bumalik ka sa dati mong buhay, please, Sunny be happy for me" hinalikan niya ako sa labi habang ako naman ay umiiyak pa din at panay ang iling.
"Will you please stay with me until I fall asleep?" tanong ni Daryll habang yakap ako "Promise me you and Crystal will go on with life and will be happy, ok?" wala na akong nagawa kundi tumango.
"You will be my forever, Sunny... always and will be" sabi pa niya na lalo namang nagpaiyak sakin.
Dahan-dahan namang kumalas sa pagkakayakap si Daryll ngunit ayaw ko siyang bitawan kaya naman humiga na lamang ako sa tabi niya. Pinagkasya ko ang sarili ko sa maliit na espasyo sa kaniyang tabi. I rested my chin on his shoulder while crying.
"Sunny naalala mo pa ba nung una tayong nagkita?" tango lamang ang naisagot ko habang umiiyak. "You're so bright back then, and always, I can never forget that" naluluha naman si Daryll habang nagsasalita.
"Can you still recall our dreams?" tanong niya sa kin while my shoulders were uncontrollably shaking. Tango lang muli ang naisagot ko "Tuparin mo ang mga iyon, ha? Wag mong bibitawan" sabi niya sabay halik sa noo ko. "Kantahan mo naman ako, Love.. pwede ba?" request pa nito. Ayaw ko man ay wala akong karapatang tanggihan si Daryll.
"All my life, without a doubt I give you all my life now and forever till the day I die you and I will share"
Panimula ko sa kanta kahit na paputol putol ito dahil sa pag.iyak.
"I love you Sunny, please go on..."
Bulong ni Daryll, hindi ko alam kung ang tinutukoy ba nito ay ang pagkanta ko, kaya naman ipinagpatuloy ko pa rin ang huli.
"Sunny, I love you." sabi ni Daryll na parang nagpapaalam. Dahan-dahan umupo ako sa kama at hinaplos ang noo ni Daryll at hinalikan ito.
"I love you too. Huwag mo ring kakalimutan iyon, ha? Kahit saan ka dalhin ni Lord, mahal na mahal kita... s-sige na.. bitaw na, Love... wag mo na akong alalahanin, I promise, magiging okay lang kami ng anak mo." pinag-aralan kong mabuti ang mukha ni Daryll na payapa nang natutulog, wala na akong pakialam sa makina sa tabi ng kaniyang kama na kanina pa nag-iingay. Hindi na rin naman ito maririnig ni Daryll.
"... Sleep now my love, you put up a good fight, you may rest" and with that isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daryll.