Nandito kami ngayon ni Leigh sa dining room. Mali... ako, si Leigh, dad, mom, at Daen pala ang nandito ngayon sa dining room. 8:30pm na. Kanina, pagdating namin sa bahay ni Leigh, pinuntahan agad namin si dad. Pero sabi ni dad, magpahinga raw muna kami at mag-isip-isip si Leigh ng isasagot sa lahat ng tanong niya. Parang mas kinabahan pa ako para kay Leigh. Pero naalala kong matalino siya kaya tiyak na kayang-kaya niya na 'to. Natulog na lang kami ni Leigh kanina sa kwarto ko. Syempre, secret lang 'yon. Ang alam ni dad ay nasa study room kami. Tiyak na mapapatay ako ni dad o si Leigh kapag nalaman niyang nagtabi kami sa kama. Tapos noong pumatak ang 7:30pm, ginising kami ni kuya. Medyo nagpanic ako no'n kasi baka isumbong niya kami pero kumaway lang siya at nauna sa'ming lumabas. H

