Nakatitig ako sa may maliit na box na bigay sa'kin ni Leigh. Nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba 'to o hindi. Ano kayang laman nito? Huminga ako nang malalim bago dahan-dahan kong tinanggal iyong ribbon na red na nakatali para mabuksan. Kumunot ang noo ko sa nakita. Isang maliit na recorder. Bakit recorder? Para saan 'to? Naguguluhan pa ako pero tinabi ko na lang iyon sa may table sa tabi ng kama ko. Bakit niya binigay sa'kin iyon? I mean, saan ko naman kaya gagamitin 'yon? Hindi naman ako magaling sa pagkanta tulad niya para i-record ang boses ko. Well, mahilig ako sa pagre-record pero pinagsisisihan ko rin pagkatapos dahil nakakahiya talaga 'yong boses ko... ate least, para sa'kin. Kaya hindi ko maintindihan 'yong mga taong gustong-gusto ako pakantahin. Naalog yata ang utak nil

