Bukas na ang Christmas party namin at wala namang problema kaso naalala ko, kakanta nga pala ako— kami ni Leigh. Um-absent ako ngayon dahil wala rin namang gagawin sa school kaya nagpaalam na ako kay Prof Michelle na bukas na lang ako babalik. Alam na rin pala ni Prof na kakanta ako bukas. I mean, ako iyong magli-lead sa buong Grade 10. Tinanong ako kung nakapagpractice na raw ba kami, ang sabi ko lang ay hindi pa. I've got some nerves to lead them pero mismong ako, wala pang alam kung anong klaseng kanta ang gagawin namin. Well, madali naman sanang makalusot kung hindi nga lang ako ang naging leader. Balak ko nga pumasok ako ngayong hapon, mamayang 12 babalik ako sa school. 8 pa lang naman kasi, ang aga ko ngang nagising ngayon. Siguro dahil sa iniisip ko. Iyong sinabi ni Leigh. Nagu

